The_lost_daughter Chapter_15


Hinila na nga ako nang dalawang bakla papasok sa isang kwarto.
Una nilang binunot ang mga makakapal kong kilay,nang mapansin kung kanina pa si bakla nagbunot nang kilay ko,tapos di pa tapos ay nagsalita nku.
Hoy ganda,baka kinalbo muna yang kilay ko ha,kakalbuhin din talaga kita..
Wag kang mag alala ganda hindi makakalbo yan,agad naman sabat ng isang bakla.
Relaks ka lang kami bahala sayo,lalabas ka dito sa room na diyosa..
Umabot nga nang isang oras ang pag aayos nila sakin,pinasuot nila ako nang red sexy fitted dress na abot hanggang legs lang at medyo kita ang malulusog kong dibdib..
Pinarisan nang sandal na red din na ang haba nang takong,at sadyang pina alon alon ang mahaba kung buhok..
Perfect,agad na sabi nang bakla nang matapos na sila..
Nakita ko ang sarili ko sa salamin,di rin ako makapaniwala sa nakita ko..
Ako ba to!?
Oo ikaw yan,alangan naman ako payag ka palit tau nang mukha,agad na sabat nang bakla.
Ganda mo kaya girl,kaya tara labas na tayo hinihintay kana nang prinsipe mo,ngiti nitong sabi..
Dahan dahan nga ako lumabas nang room,nang bigla pa kung natapilok,kaya nakayuko akong lumabas,pagtingin ko kila manang flor at ate inday ay nakanganga ito at tulala,na kunti na lang tutulo na ang laway.
Pagdaan ko sa kanila nginitian ko sila at tiniklop ko bibig nila.
Wow isa kang prinsesa chuchay na nakakubli sa pagiging alipin,sabi ni ate inday na nakangiti.
Tiningnan ko naman si Sir Christian ay kanina pa ito nakatitig hanggang sa di niya namalayan na nasa malapit na ako sa kanya..
Sir tawag ko..
Ah okey lets go,agad na sabi nang magising ito sa pagkatulala..
Nasa,loob na kaming dalawa ni sir sa sasakyan nang walang nagsalita..
Habang nagmamaneho,si Christian ay pasulyap sulyap na tumintingin sa katabi na napakagandang si chuchay,at mapang,akit na seksing katawan at malulusog na dibdib nito. Nanapalunok na lamang ang binata dahil umiinit ang katawan niya sa loob nang sasakyan..
Nahinto na nga ang sasakyan sa isang mataas na gusali.
Kinabahan ako nang makita ang mga mamahaling nakaparadang mga sasakyan,at lalong kinabahan ako nang makita ang mga bumababa nito.
Halatang mayayaman at sosyal ang party.
Sir,bakit di niyo sinabi sakin na ganitong party pala ang pupuntahan natin.
Bakit kung sinabi ko,ano gagawin mo agad nitong tanung.
Hindi ako sasama,hindi kasi ako sa sanay sa ganitong party nakakahiya,yuko kung sabi..
Well wala kanang magagawa nandito na tayo,sabi ni sir christian at agad narin ito bumaba nang sasakyan..
Pinagbuksan niya ko nang pinto pero nakayuko parin ako..
Chuchay tawag niya..
Sandali lang sir,inaayos ko pa sintas nang sapatos ko..
Chuchay sandal ang suot mo,hindi sapatos kaya bumaba kana diyan.
Oo nga sir sabi ko at bumaba na din ako,baka kasi magalit pa to si sir.
Kinuha niya kamay ko at inilagay sa braso niya.
Sa labas pa lang kami nang gusali nkakalula na tingnan sa sobrang taas nito,at may malaking pangalan na JF company.
Pansin ko rin na pinagtitinginan kami nang ibang tao..
Hi Sir Christian,bati nang isang babaeng dumaan.
Hello agad namang sabat ni sir..
Nakapasok na nga kami sa venue napakaganda nang desinyo sa loob,maraming mga ballon na nakasabit sa dingding,meron ding nkasulat na malaking letra sa stage nito na JF 50 anniversary company.
Nagulat ako nang makitang papalapit si syra kasama si Ali..
Chuchay gulat na tanung ni Ali..
Oo ako nga buti nakilala mo ako agad ali,ganda ko na nuh agad kung sabi.
Oo napakaganda mo ngayon agad naman na sabat ni ali.
Magkakilala pala kayo,tanung ni syra na nakataas ang...


kilay..
Oo sa palengke nabato ko nga nang isda si ali sa mukha diba ali sabi ko sabay tawa..
Oo syra aksidente lang pagkakilala namin,sabat ni Ali habang nakatitig sakin na ngumingiti.
Buti naging mukhang tao ka ngayon,taas kilay na sabi ni syra.
Kayo nga din po maam syra,buti naging mukha kayong anghel ngayon..
Ano!? Sigaw nito..
Tama na,tama na sabat ni Christian na kanina pa tahimik at nakikinig lang sa usapan.
Lets dance syra yaya ni Ali.
Inis naman na umalis si syra kasama si ali.
Hintayin mo ko dito chuchay pupunta lang ako nang bathroom,paalam sakin ni sir Christian.
Habang hinihintay ko sir christian ay napalingon ako sa lamesa na may mga nakahilirang mga pagkain..
Tama gutom naku,hindi kasi ako nakakain sa pagmamadali kanina, bulong ko sa sarili at agad na lumapit sa lamesa na puno nang pagkain.
Kumuha ako sa lahat nang ibat ibang klasing pagkain at naupo sa tabi nang lamesa kung saan ang mga pagkain.
Si Don federico naman ay kanina lang pala nakatitig kay chuchay,at napapangiti ito habang tinitingnan si chuchay na kumakain..
Nakakaaliw naman titigan ang batang to,parang kamukha nito ang asawa kung si jana.
Nang makita,ni Don federico na natapos na kumain si Chuchay ay nilapitan niya ito.
Iha pwede ba kitang isayaw bungad na tanung ni Don federico kay chuchay..
Ah sir,hindi po kasi ako marunong sumayaw.
Ok lang iha,tuturuan kita..
Oh sige po,agad kong sabi sa matanda.
Nasa gitna na nga kmi at kasayaw ko ang matanda..
Anong pangalan mo,iha..
Ako po si chuchay sir,kayo po agad kung tanung..
Ako naman si Federico Fernandez,ang may ari nang building nato..
Ah edi kayo po pala ang daddy ni syra..
Ngumiti lang ang matanda at tumango ito.
Ikaw sino kasama mo dito,tanung ni Don federico.
Si sir christian po,katulong po ako sa kanila..
Ah ikaw pala yun,agad na sabi ni Don federico.
Alam mo bang napakaganda mo iha,kamukha mo ang dati kong asawa.
Talaga po,maganda po pala ako.
Oo naman,agad na sabat ni Don Federico.
Mommy tingin mo anong ginagawa ni Daddy bat parang napapangiti pa sila sa isat isa,agad na sabi ni syra na kanina pa nakatingin kila chuchay.
Wag ka ngang magulo,baka kinakausap lang nang daddy mo ang babaeng yan para layuan si christian.
Maya maya ay naisipan ni madam mariel na lumapit kila Don Federico at chuchay..
Husband sayaw tayo,agad na sabi ni madam mariel nang makalapit ito kila don federico..
Sir mas maganda po ba sa kanya ang dati niyong asawa sabi ko at itinuro ang babaeng nkataas ang kilay.
Ano,agad naman sabat ni madam mariel na halatang na inis sa tanung ko..
Tumawa lang ang matanda sa tanung ko,at bumulong sa tenga ko.
Oo..kaya napapangiti ako.
Iha excuse muna ha paalam ni Don federico.
Pagka alis ni Don federico ay tiningnan ko si sir christian na abala sa pakikipag usap sa mga bisita,kaya naisipan ko muna mag banyo.
Paglabas ko nang banyo ay bigla naman ako natapilok,kaya hinubad ko na lang ang suot kung sandal.
Nakita naman ako ni Ali kaya nilapitan niya agad ako.
Natapilok kana naman ba,ngiti nitong sabi at inilalayan akong umupo..
Minasage naman agad ni ali ang mga paa ko.
Natigil ang pagmamasage ni ali sa paa ko nang dumating si sir Christian.
Lets go home,bungad nitong sabi at agad ako binuhat..
Sir christian ibaba mo ko pinagtitinginan tayo nang mga tao,mahina kung sabi sa kanya.
Pero parang wala itong narinig at nagtuloy tuloy lang nang lakad palabas.
Nakita naman iyun ni syra,sa sobrang inis nito itinapon ang hawak nitong baso..
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top