Munting Pangarap ni Esang ” Kabanata 6.1


Kinabukasan ay di parin maalis sa isip ko yung napag usapan kagabi ng aming pamiLya.
Kung tutuusin malaking tulong na yung pagsagot ni ante Ligaya sa bording House ko. Yung nakuha kaseng Boarding house ni Ante Ligaya ay yung malapit sa daungan ng mga banka na galing sa kung saan saang panig ng isLa.Ngayong pasukan ay 4th year na ang kambal nyang sina Ate Liza at Kuya Ron .100 a month ang upa sa boarding house kasama na tubig iLaw per person. Sa loob ng isang taon ay aabot ng 1k ang kabuoang bayad sa boarding house.
“Bukas pupunta akong bayan. EenroLL na kita Esang “sabi ng tita ko habang nakatuwad kameng dalawa sa may batuhan. Low tide ngayon kaya pwede kameng manguha ng mga shells na pwedeng pang ulam. Tamang tama kse alas 4 na ng hapon ..madami kaming nauweng sheels na SAANG .BULATOK at ang TALAKUGAN (pangalan ng mga sheels sa baryo namin) kilala nyo ba ang mga shells na to 😂?
Di ako kumibo. Kase nakokonsensya ako para kay Long.. Pero nandun parin yung saya sa kaibuturan ng puso ko. Alang alang sa munting Pangarap kong matupad ikikibit balikat ko nlng muna ang mga nagyayare. MarahiL nagtampo na si Long sa akin pero mukhang hindi nman siguro kse ganun parin yung pakikitungo nya sa akin.. Yung nga lng mababakas sa mga mata nya ang lungkot sa tuwing nagkakatitigan kami..
Malungkot din nman ako para sa kanya ..baLang araw makakabawi din ako sa kapatid kong si Long.
Unang Linggo sa araw ng Hunyo. Tapos na ang bakasyon at pasukan na kinabukasan..
“Esang. Anjan na ba ang bigas mo? Yung tuyo .?at saka yung kamoteng kahoy mo. Anjan na ba? Ang gamit mo sa paaralan tiningnan mo ba kung kompleto? Yung mga damit mo.. Yung uniform mo anjan na ba?? Sapatos mo ba nanjan narin? Teka. Yung nga panti mong inutang ko kay Nanay Biday mo anjan na ba? Tingnan mo muna baka may maiwan ka. “sunod sunod na tanong ng...


aligaga kong tita sisa.
Ngayon na kse ang alis ko papunta ng Bayan para di kame gahulin ng oras bukas kse Whole day parin ang Pasok. At saka para nadin makapag ayus pa kame ng boarding house namin.
“opo tita. Kahapon pa pi natin yun inasikaso. ” naluluha ngunit natatawang turan ko dito. Para akong artista nanapaikotan nila. Tingin ko mas excited pa nga sila kesa sa akin.. Tahimik lng ang tito ko habang humihigop ng kape .Si Long at ang mga kapatid ko ay nakapalibot sa akin..
“anak oh.. Allowance mo 100 lang yan. Pagpasensyahan mo na. Yan lng kase ang tira dun sa inutang ko kay nanay Biday mo., pagkasyahin mo nlang yan Esang aa. “sabi ng tita ko.
“napakalaki na po neto. Opo titipirin ko hanggang sa pag uwe ko dito sa sa byernes ng hapon. ”
“Basta nag iingat ka dun at alagaan mo ang sarili mo.,yung mga bilin namin. Wag mong kakalimutan. ‘paalala pa ni tito..
Maya maya pa’y tinawag na ko ni Ate Liza. Aalis na daw kame. Hinatid nila kong lahat sa tabing dagat. Binitbit nila ang bag na may laman ng iilang piraso kong gamit. Bago ako sumakay ng Bangka ay niyakap ko muna sila isa isa.
“Mag iingat ka Esang ‘buLong ni Long habang yakap ako.
Mamimiss ko sila. Ito kse ang uang beses na maghihiwalay kameng magkakapatid ng matagal..
Habang Lulan ako ng bagkang sinasakyan ko at ang unti unting paglayo namin sa aming baryo ay ang pagsabay na pagpatak ng mga Luha ko at ang isang Pangako ”
PAGBUBUTIHAN KO PO .😭
–Itutuloy
*Pasensya na po dun sa maling pangalan dun po sa kabanata 6. dapat po ay Long po ang nakasulat sa halip na KIKO. di ko po kse makita na yung sinusulat ko dahil sa luha kase parang napakasakit po ng part na to kaya di ko na rin po nereveiw.
Salamat po sa mga admin sa pag aprove ng story ko.
mga Ka Esang bukas na po ulit :)Tulog na po ako.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top