Munting Pangarap ni Esang Kabanata 6


TatLong Araw ang lumipas mula ng bumisita si Ante Ligaya sa bahay namin.
Nakapaikot kame sa harap ng lamesa para kumain ng hapunan. Tahimik kameng kumakain… Ninanamnam ang maliliit na isdang ginawang tuyo ng tita ko na nakapatong sa taas ng baga na nakalagay sa takit ng kaldero (pinatong po namin sa baga ng apoy ang isdang tuyo.Di na namin prinito kse walang mantika. Nasa gitna ito ng aming Lamesa katabi ang isang malaking kalderong may lamang kanin at isang gaserang de gas na nagsisilbe naming iLaw.
Sagradong Hapag kainan ang tawag ng tito kiko ko sa pahaba naming Lamesa. DahiL sa tuwing kumakain kame hindi mawawala ang PangaraL ng tito at tita ko sa amin. Ang Lamesang ito ang tanging saksi sa mga masasaya at malulungkot na kwento ng aming buhay dahiL ito lamang ang lugat kung saan komportable kaming pag usapan ang lahat. Dito din madalas sinasabi ng tito at tita ko ang mga bagay na napagdedesesyonan sila. Tulad nalang ng gabing ito.
“Mga anak’may sasabhin kame ng tita nyo.. “pasimula ni tito
Lahat kame napatingin sa kanya habang ang tenga namin ay naghihintay sa susunod nyang sasabihin .
“Pumunta dto ang Ante Ligay nyo at sinabi nyang sagot na nya ang boarding house na titirhan nina ate Esang at Kuya Long nyo sa bayan pero yung ibang gastusin ay kami na daw ang sasagot ng tita mo sa mga pangangailangan nyo habang nag aaral kayo.. “si tito
“talaga po? Narinig mo Long. Makakapag araL na tayo ng High SchooL.” Nagniningning ang mga mata ko sa tuwa habang nakatingin dito. Bakas din naman ang tuwa sa mata ni Long.
“Pero.. Napagdesesyunan namin ng tita mo na ikaw muna Esang ang papasok...


ngayong taon sa bayan samantalang si Long ay tutulongan muna ako sa hanap buhay sa bukid at pangingisda para narin may katuwang ako sa buhay habang nag aaraL ka Esang. Ikaw ang panganay kaya ikaw na muna.baka sa sunod na taon ay makapag araL na rin si Long. ” mahabang paliwanag neto..
Malungkot akong tumingin kay Long.. Bakas ko sa mata nya ang panghihinayang pero sa kabiLa nun ay pilit syang ngumiti para sabihing ayus Lang.
Malapit ng hating gabi dahiL sa tunog ng orasang nakasabit sa aming dingding. Yung orasang napanalunan ng tita ko sa Ending. Nakakatawa nga eh pagtapat ng mahabang kamay ay tutunog ito at kung saan ang maikling kamay neto ay ganun din ang ting*ting*ting na maririnig mo. Kaya kahit nakapikit kay malalaman mo na ang oras. Di ako makatulog.. Iniisip ko yung napagdesesyunan ng tita at tito ko. Malulungkot ako para kay Long. Kailangan nya pang magparaya para lng sa akin. Para lng makapag aral ako. Ang sakit sa dibdib. Di ko namalayang umiiyak na pala ako habang nanatiling nakapikit ang mga mata ko.
“kiko.? Kaya ba natin? “tanong ng tita ko sa tito kong nakahiga sa kabilang papag.
“Kakayanin natin kase maguLang tayo’ wala silang mapagkukuhaan ng lakas kapag pinakita nating mahina tau” sabi naman ng tito ko.
“Naawa ako kay Long”sabi pa ng tito ko.
“Matalinong bata si Long. Maiintindihan nya tayo”sabi namn ng tito ko.
Mas lalong bumilis ang pagpatak ng mga luha ko. Napakaswerte ko talaga at may mga taong handang tumayong maguLang para sa amin.
Nakatulugan ko na ang Lahat.
ItutuLoy.
Salamat sa mga readers ko na naglalike at nagcocoment sa mga post ko.
Naiiyak po ako habang sinusulat ko to 😭






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top