MY AMNESIA WIFE CHAPTER 1


🥀CHAPTER 1:HER HOME🥀
🥀Alliyah Majandra POV🥀
“Where the hell are you going?!” Galit na tanong ng lalaking nagsasabing asawa ko daw siya. Gusto ko ng umalis sa bahay este mansyon niya. Wala talaga akong maalala.
“Diba obvious? Edi aalis! Hindi nga ako ang asawa mo! Hindi ko to bahay! Hindi ko kita asawa at wala akong anak.” Malakas na sigaw ko. Napansin kong dumilim ang mukha niya.
“Mommy san ka pupunta? Iiwan mo na naman ba ako kay daddy?I want to go with you. Sama mo na lang ako.” Sabi ng bata at yumakap sa akin.
“I told you Charlene hindi tayo naaalala ng mommy mo.” sabi ng lalaki sa bata kaya lalo itong umiiyak. Di ko alam kung ano ang nag-udyok sakin.
Pero pumantay ako sa bata at niyakap ito. Habang nakikita siyang umiiyak parang sinasakal ang puso ko. “Shhhh hindi ako aalis wag ka ng umiyak.” Pagpapatahan ko pa.
“Charlene kumain ka na.” Sabi ng katulong sa bata.
“Ayoko sabi ehh! Babantayan ko si Mommy baka umalis ulit siya!” Patuloy pa rin ito sa pag-Iyak. “Baby kain ka muna promise hindi ako aalis”
Mabilis na sinunod ng bata ang sinabi ko. Napangiti naman ang lalaki pero di ko alam ang dahilan. “Ikaw lang talaga ang sinusunod ng anak natin.” Sabi pa nito.
Napatingin ako sa dingding. May nakalagay doon na isang malaking picture. Picture ng lalaki at babae na ikinasal at ako yung babae! Sigurado akong ako yun. Pero mas maganda nga lang ako dun.
“That’s our wedding picture and I was telling the truth that your my wife. Naaksidente ka kaya hindi mo kami maalala.” Pagkukuwento ng lalaki sa akin habang nakatingin rin sa larawan.
“Pero kung ikaw talaga ang asawa ko bakit wala akong naramdaman ng makita kita?” Tanong ko at di naman siya makasagot.
Noong makita ko kasi ang bata may naramdaman agad ako. Di ko rin kayang nakikita itong umiiyak parang pinipiga ang puso ko.
“Just don’t leave us. Stay here. Stay with us. I promise I won’t hurt you again. Hindi ko na kakayanin at ng anak natin kung mawawala ka pa ulit.” Sunod-sunod na sabi ng lalaki.
“Kung asawa nga kita asan ang mga magulang ko?” Pagtatanong ko pa.
“You don’t have any parents wife. Sabi mo sakin noon sa bahay ampunan ka lumaki.” Sagot niya sa akin.
“Paano tayo nagkakilala?” Napangiti naman ito sa tanong ko. Seryoso ako don. Baka sakaling bumalik ang lahat ng alaala ko.
“We met in work. I was the boss and your one of my employee then nagkagusto ako sayo at inaya kitang magpakasal. You agreed. ” Sagot nito na ikinagulat ko naman. Ang rupok ko pala non!
“Ganun na lang yon? Pumayag ako kaagad?” Natawa naman ito sa reaksyon ko.Lalo siyang gumwapo nung tumawa siya.
“Wala ka pa rin bang maalala?”...


tanong naman nito sa akin.
“Wala talaga ehh! Untog ko kaya ulo ko sa pader baka sakaling bumalik lahat.” Pagbibiro ko pa.Pero imbes na tumawa ay sumeryoso ang mukha nito.
“You’ve change hindi ka palatawa dati at mahinhin ka.” biglang nitong sabi at di mawala ang paningin sa akin. “Bawal na ba maging masaya?”
May sasabihin pa sana siya pero biglang may tumawag sa cellphone niya. Nakita ko yung name nung tumatawag.
“Carla” yun yung pangalan. Bakit parang pamilyar sakin ang pangalang yon?
Pumunta ang lalaki sa Garden at doon sinagot ang tawag. Ay Oo nga pala Marco ang pangalan niya bakit ba lalaki ang tawag ko. Siguro yung Marco short for manloloko. Hindi niya naman alam na nakasunod ako.
“Why the hell did you call Carla?!” Galit nitong sabi sa kausap. Ano ba yan babae pa naman yun. Ang sama ng ugali huh! Bigla nga lang akong hinalikan kanina eh!
“What? Walang tayo! So stop bothering my life! At si Alliyah lang ang mahal ko!Hindi ko ipagpapalit ang asawa ko sa isang katulad mo.” Mabilis nitong pinatay ang tawag.
At sa katangahang palad. Nahuli niya ako. Baka sabihin niya chismosa na ko. Hindi naman mahinig lang talaga akong makinig sa usapan ng iba.
“Wala akong ibang babae.”Sabi niya sa akin. Walandyon yon! Guilty aba.
“Di ko tinanong” masungit kong sabi.Ewan ko ba pero parang kilala ko yung Carla ehh.
“Mommy! Tara laro tayo sa room ko. Malinis siya kasi sabi mo noon dapat laging malinis ang room ng isang girl.” Tuwang tuwang sabi ng bata sa akin.
“Ahh ehh -” Hindi ko matapos tapos ang aking sasabihin. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan.
“Mommy please” sabi pa nito at nagpuppy eyes pa.
Kaya ayon pumayag rin ako dali dali naman itong tumakbo patungo sa kwarto niya at sinabing hihintayin niya daw ako. Wahh I can’t believe may anak ko at babae pa!
“Mr-”
“Just call me Marco or honey or babe.” sabi nito sa akin. Ang lakas ng hangin aba. Mukha niya! Hindi ko talaga matatanggap na asawa ko siya.
“Kailan pala ako pwedeng umuwi?” Kalmadong tanong ko.Hindi ako kumportable sa mansyon na kinalalagyan ko.
“This your home so you’ll here with me and with our daughter.Youre not going anywhere.” Sabi nito nakapagpatahimik naman sa akin. Ang sungit aba!
“Hoy San ka pupunta?” tanong ko ng maglakad ito palayo, palabas ng mansyon.
“At work, Thank care Hon alagaan mo ang anak natin” sabi pa nito at bigla na lang nawala sa paningin ko.
Wahhh! Paano ba mag-alaga ng bata? Pati yata yun nakalimutan ko na. Magluto nga hindi ko na rin alam ehh! Omyghad ang hirap ng may amnesia!
A/N:Yown may chapter 1 na! Bukas napo ulit!.So ano pong masasabi niyo kay Alliyah? comment kayo hahaha😂masaya talaga ako habang nagbabasa ng mga comment 👇😂Chikahan tayo❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top