MY AMNESIA WIFE CHAPTER 10


🥀CHAPTER 10:Pretending🥀
🥀Alliyah Majandra POV🥀
“Hon, please pumayag ka na gusto ko lang naman makatulong na mabuko si Carla at Mike eh.” With matching puppy eyes ko pang sabi sa kanya para pumayag.
“No hon, ayokong mapahamak ka. Baka kung anong gawin ni Mike sayo. Its to dangerous for you.” Masungit niyang sabi habang nagtatype sa loptop.
“So ikaw pwede kay Carla? Tapos ako hindi pwede? Hindi naman ata patas yon! Aminin mo na kasi gusto mo na ang mal*nding yon.” Sabi na may kasamang pag-irap at tinalikuran siya.
Lalabas na sana ako ng kwarto namin ng bigla niya akong yakapin. Sabi na eh wagi ako! Hindi to mananalo sakin.Youre so great Alliyah. Under mo ang asawa mo!
” Okay but be careful and don’t let him touch you. Aalamin mo lang ang mga galaw niya at kukunin ang loob niya.” Mahinahon niyang sabi.
Mabilis akong humarap sa kanya at agaran ko siyang hinalikan. “Thank you hon I love you!” sabi ko dahil sa kasiyahan. Gusto ko lang talaga siyang matulungan.
Lalabas na sana ko ng kwarto namin dahil sisilipin ko ang anak namin sa kwarto nito pero bigla niya na lang hinila ang braso ko.
“I want more than a kiss, hon.” Sinarado niya ang pinto at isinandal ako doon. Masuyo niya akong hinalikan sa labi hanggang sa bumaba yun sa aking leeg at dibdib.Nakasando lang ako.
“Mommy! Daddy! Yohoo! Gising pa po ba kayo. Di po ko makasleep sa room ko ehh.” boses ng anak namin sa labas ng pinto.
“Marco…” kaya napatigil naman siya sa paghalik sakin. Halatang nabitin. Ako din naman eh! Siya na ang nagbukas ng pintuan.
“What’s the problem baby?” malambing niyang tanong sa anak namin. Pero para siyang nalugi sa sugal dahil sa itsura niya.
“Daddy can I sleep here? Can I? Feeling ko may momo sa kwarto ko ehh.” Nanood na naman siguro to ng horror movie. Takot naman.
“Of course baby you can sleep here ikaw ang baby namin ah. Malaki naman ang bed namin.” Nakangiti ko pang sabi.
“Yey!!! I love you both po talaga!miss ko na kayong katabi.” tuwang tuwang sabi ng anak namin at nagtatalon pa sa kama.
“Anak mo yan.” pang-aasar ko pa. “Natin wife. Anak natin.”Paglilinaw niya. Pikon talaga ang isang to.
Kinabukasan nagpaiwan si Charlene sa mansyon. Kaclose niya naman ang mga maids. Ang sumusunod talaga siya sa akin.
“Baby be good to them huh. Or else di kita dadalan gifts pag-uwi namin ng daddy mo.” paalala ko sa kanya bago kami umalis ng mansyon.
“Hon, san ang office ni Mike?” Tanong ko kaagad ng makarating kami sa kompanya niya. Ang sama naman makatingin. Nagtatanong lang ako eh!
“Be careful wife. Makakapatay talaga ako. Kapag may ginawa siya sayo. The h*ll I care kung ampon siya ng Mommy ko.”
Hindi na kami nagsabay. Sa opisina ako ni Mike dumiretso may inutusan kasi siya para ituro sa akin kung san iyon.
Infairness wala pa ang gag*!...


Baka may ginagawa pang kalokohan. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya.
Galing magpanggap! Akala mo kung sinong mabait! Sinisiraan na pala ako kay Donya Isabelle!
Bagay sila ni Carla! Pareho silang may sayad sa ulo! Mga walang magawa sa buhay kundi manira ng pamilya!
Naglagay ako ng pampatak sa aking mga mata. Yung parang kunyari umiiyak ka. Kunwari nag-away kaming mag-asawa at nasaktan na naman ako. Ang galing diba!Siya ang nilapitan ko siyempre iba iisipin non.
🥀Mike POV🥀
Maaga akong pumasok sa kompanya. Gusto kong makita si Alliyah alam kong lagi na siyang isasama ni Marco. Sana talaga mali ang hinala ko na nagkaayos na sila.
Pagbukas ko ng opisina ko nagulat ako sa babaeng nakaupo sa sofa at umiiyak. And the h*ck. It was Alliyah. Sinaktan na naman ba siya ni Marco?
“Alliyah?”patanong kong sabi. Nabigla ako ng bigla na lang siyang tumayo at lumapit sa akin. Niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik.
” Mike…. Si Marco nalaman na niya… Na wala na akong amnesia… Nagalit siya sa akin…. Di ko alam ang gagawin ko….”umiiyak niyang sabi. F*ck! Kung ako nalang sana ang minahal niya.
” shhh I’m here. Stop crying nandito lang ako. I won’t hurt you. I’m always here for you.Ako nalang Alliyah. “pero di siya umiimik patuloy lang sa pag-iyak.
F*ck matagal ko ding hinintay ang pagkakataong to. Ako ang tinakbuhan niya. Maybe may nararamdaman na rin siya para sakin.
Hindi pa sila ayos ni Kuya! I’m so lucky! Sa wakas mapapalapit na rin ako kay Alliyah. She can be mine. Maghihiwalay na talaga sila!At magiging akin na si Alliyah.
🥀Marco POV🥀
“Sir nasa labas po si Ma’am Carla. Nagpupumilit pong pumasok ehh. Gusto daw po kayong makausap.” Sabi ng sekretarya ko.Mukhang natatakot pa.
Ang k*pal talaga ng mukha ang babaeng yon! Asa pa siyang magugustuhan ko siya!Pero magagamit ko siya laban kay Mike.
” Papasukin mo. “Here goes the plan.May sasabihin pa sana ito pero wala ng nagawa kundi sundin ang inuutos ko.
Baka iba pang plano si Mike and I have to know that! At kung meron mang nakakaalam, si Carla lang yon.
“Mabuti naman at pinapasok mo na ko. Na miss mo na ko noh? Asan nga pala ang asawa mong walang kwenta?”
Gusto kong putulin ang dila niya dahil sa kanyang sinabi. Siya ang walang kwenta! Sl*t, b*tch, wh*re.
“We had a fight! All this time she’s lying. Wala na siyang amnesia. Pinagmukhang niya lang akong tanga.”Wala namang katotohanan ang mga sinabi ko.
” Baka si Mike na ang mahal niya kaya nagawa ka niyang lokohin ng ganon. Kawawa ka naman. Gusto mong tulungan kitang makalimot?”malandi niya pang sabi.
” Is it True Carla do you love me?”gusto kong masuka sa tanong ko. Pero kailangan. Sisiguraduhin kong sasabihin niya sakin ang lahat tungkol kay Mike.
” So where do you want to go?”Nagningning naman ang kanyang mga mata. Asa pa siya! We’ll not do that again.Hindi niya na ko maaakit pa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top