BEING HE’S PERSONAL MAID CHAPTER TWENTY-FOUR


“Pare! ” tawag pansin ng bisita ni Zoe kay Suho..pamilyar ang mukha nila. Bahagya akong nakaramdam ng kaba nang mapagtanto ko kung sino sila, tumalikod ako kaagad, mula sila sa Manila ngunit bakit sila nakarating dito?
“Kailan pa kita naging pare? ” sarkastikong ani Suho, kahit pa nakatalikod ako ay alam kong naiinis sya.
“SUHOOOOO! ! !” lahat kami ay napalingon sa pagsulpot ng panibagong mukha, napaka gandang babae.. Maputi, hindi….. sobrang puti sexy, umaalon ang makintab nyang buhok at napaka amo ng mukha nya. Nanlaki ang mata ko ng dambahin nya ng yakap si Suho.
Sino sya?
Ang dibdib ko ay kaagad na nanikip sa senaryong nasasaksihan ngayon ng aking mata, maging si Suho ay hindi nakagalaw tila gulat na gulat pero ibig bang sabihin ay kakilala nya ito?
“I miss you So much hmmm! ” nakangusong aniya, mabilis na namasa ang aking mata, nasasaktan ako….
“Bro! “ayun na naman ang panibagong boses ng lalaki, hindi ko alam kung sino sila.
“What are you doing here? ” kunot noong tanong ni Suho.
“Namimiss ka daw kasi ng FiancΓ© mo! ” bakas ang panunukso sa boses ng lalaki, “alam naman ni Tita na darating kami. ”
Umatras ako ng dahan-dahan, tila nawala ako sa katinuan.. Nilingon ako ni Suho at alam kong nag aalala sya pero wala na kong pakialam, may girlfriend na sya yun ang totoo!
Nahanap ko ang sarili ko na nasa malawak na pool, naupo ako at ipinikit ko ang mata ko ganun na lang kabilis na nag init ang pakiramdam ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
“hahahaha, tignan mo nga ang pagkakataon oh. ” nilingon ko si Gino, nakangisi sya habang nakatingin sa’kin. “Hindi mo pa kilala si Suho, may girlfriend syang iba kaya wag kang umasa! Sa tingin mo ba seseryosohin ka nya? ” mapang insultong anito, tumayo ako at hinarap sya.
“Anong ibig mong sabihin? ” tanong habang tumutulo ang luha ko.
“Sinabi lang naman ni Zoe sakin ang lahat, isa ka lang hamak na katulong ng prinsipe mo na ngayon ay dumating na ang tunay nyang prinsesa, kaya hanggang pagiging ilusyon na lang ang papel...


mo, ano man ang gawin ko sayo tyak na hindi ka na nya maililigtas dahil kasama nya ngayon ang girlfriend nya. ”
Humakbang sya palapit sakin kaya umatras ako, humkababg syang muli at ganun na naman ang ginawa ko isang atras na lang ay sa tubig na ang bagsak ko!
Nanlaki ang mata ko nang hawakan nya ang balikat ko tsaka nya ako pwersahang itinulak sa malalim na pool..
*SFLASH!
Halos magsisinghap ako nang pumasok sa ilong ko ang tubig, sumakit bigla ang dibdib ko, dahil ba nahihirapan akong huminga.. Paano ako… Hindi ako marunong lumangoy..
Kahit anong pilit na langoy ay hindi ako lumulutang, wala akong nagawa hundi sumabay sa kung paano lumubog ang buong katawan ko.
“walangh*ya ka aning ginawa mo! ” rinig kong nanggigigil na sigaw sa tabi ko. si Suho
Patay na ba’ko?
“Maricon! Maricon! ” naroon ang natatarantang boses ni Suho, pero diba may girlfriend na sya? Kaya nga ako napadpad sa lugar na ito idinilat ko ang mata ko nasabisig ni Suhoang ulo ko samantala nakahiga ang katawan ko sa sahig.
Ganun na lamang ang mabilis na pag agos ng luha ko nang makita ko ang pag aalala mula kay Suho.
si Suho, ang lalaking nasa harap ko ay may nagmamay ari ng iba Tama….
Iniwas ko ang paningin ko sa kanya ngunit naroon naman iyong babae na girlfriend nya bakas ang pag aalala sa mata nito habang kagat kagat ang daliri nya.
“Maricon… Okay ka lang? ” lumingon ako kay Dexter, “ako na ang bahala sa kanya.” anito pa. Bakit? Alam din kaya nya na may girlfriend na si Suho.
“Hindi, Ako ang bahala sa kanya. ” ani Suho.
“Naghihintay yung girlfriend mo. ” naging mapang insulto ang boses nito.
“Ano ba? Basang-basa sya oh! Ngayon pa ba kayo magtatalo! ” narinig ko na naman ang matinis na boses nya, ang nakakainggit na presensya nya.
“Ano… S-si Dexter na lamang ang sasamahan ko. ” nahihiyang saad ko tsaka pilit kong itinayo ang sarili ko.
Ayokong matunghayan ang mga pangyayari sa kanila dahil tyak na iiyak na naman ako. Ang mabuti kong gawin ay limutin ang lahat at manatiling tahimik bilang Estudyante.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top