SEKSWALIDAD :
VAMPIRE DAW SIYA
Weird. Sobrang weird. At para akong napagtitripan. May camera ba sa paligid? Nasa isang show ba ako? Malabo namang may mangtitrip sa akin dito. Trabaho ba talaga ang pinunta ko bilang crew o clown? At the same time nakakaramdam din ako ng takot. Malay ko ba. Sh*t!
Iyan ang mga naramdaman ko matapos ko makapasok sa isang crew sa isang malapalasyong hotel para manilbihan o mag-serve sa mga tao dito na mayayaman. Noong una maganda naman kasi amakin mo nga kahit na napakalaki ng hotel ay nakakapag-enjoy naman matuto lalo na magagamit daw namin ito sa ibat-ibang bansa kung sakali makapagbukas na sila ng franchise from different country. Saka magandang bagay din namay mga nakakasalamuha ka na ibat-ibang mga tao dahil hindi basta-basta lang na tao ang mga narito sa high class hotel na ito. Mga kilalang multi-millionaire at billionaire.
Higit pa sa lahat ay mataas ang pasahod sa mga employee.
Okay lang naman kasi talaga ang lahat noong una pero magbabago iyon noong maatasan ako sa isang bagay bilang baguhan na tao dito. Ang mag-serve sa isang mysteryosong guest namin.
Mysteryoso?
Oo may naririnig kasi ako na kakaiba daw itong pinagsisilbihan namin na ito. At hindi kami puwede tumanggi dahil sa lahat ng guest ay siya ang pinaka-mayaman. Parang naliligo sa gold bars sa madaling salita. Trillionaire. Sa totoo lang wala pa ako dito at ilan pang matatagal na nandito tulad ng walong taon. Ay narito na daw ang guest na iyan. Iyon ang bulong-bulong sa akin ng mga kasama ko.
Sa sobrang pagka-mysteryoso din ay never pa nila ito nakita at sa tuwing magse-serve sa taong iyon ay nakikita nila na wala ito sa kuwarto nito na siyang bulong-bulongan din na baka halimaw ang guest namin.
Kaya naman sa tuwing magse-serve daw doon ang naatasan, ay hindi nagpapatagal sa floor at unit room na iyon. Kumakaripas sila ng takbo at walang sawang nagdadarasal hanggang sa makababa doon. Lagi din na may baong rosario na nabindisyunan na ng simbahan.
OMG! Biglaan akong tinaasan ng mga balahibo sa katawan sa mga naririnig ko na iyon. Goodluck daw sa akin sabi ng mga kasamahan ko. Lakasan ko na lamang daw ang loob ko alang-alang sa propesyon namin. Wala naman daw kaming magagawa. Ang utos nang nasa itaas sa amin o boss namin ang siyang masusunod. Employee lang kami. We had no choice.
Ako nga pala si Timothy Hernandez, 26 years old.
—
“BE critical to your actions and initiatives. Whatever you hear will remain with you only and cannot be spread. This job is now assigned to you. Do everything you can to make the costumer satisfied with your service. Do your best!” sabi ng manager namin sa akin noong padalhin niya ako ng mga bagong kumot at unan sa fourth floor ng hotel namin nandoon daw kasi ang nag-iisang room noong aming big time guest na may pagka-mysteryoso.
Kaya nga lang nakakapagduda na kailangan gabi ako pumunta sa itaas at bawal sa umaga. At sa tuwing magse-serve daw ako doon ay gabi lamang din.
Pero sino ba naman ako para questionin iyon? kaya ang ginawa ko ay sumunod na lamang ako. Pero noong nasa elevator ako parang biglaang nag-flashback iyong mga naririnig ko sa mga kasamahan ko kaya naman kung sino-sinong santo na ang tinawag ko habang nagdadasal. Wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko, kahit na mahirap din magpaniwala. Hello? Nasa realidad kaya kami.
Ang kaso noong nandoon na ako sa floor noong guest namin ay may mga parang sign na ako na nakikita na tila nakakatakot nga dito. Wala kasing mga ilaw dito pagkatapos iyong kuwarto ay nasa duluhan pa. Para bang bago ko marating ang pintuan ng guest ay may hahablot sa akin mula sa dilim. Iniisip ko baka may mga masasamang elemento o halimaw na sa paligid. Nakaka-paranoid. Pawis na pawis na nga ako kahit aircon pa dito.
Nagmadali nalang talaga ako sa paglalakad at pagtutulak ng cart ko namay dala-dalang mga kumot, sapin sa unan, un-cook chickens sa cooler, bote na hindi ko naman ma-recognize dahil ngayon ko lamang nakita. Alam ko ang mga bote at tatak ng mga wine at iba pang alak sa hotel na ito pero itong bote na dala-dala ko ay may kakaibang itsura at laman.
Pagkadating ko naman doon sa harap ng pintuan ng guest ay dali na ako kumatok pero pagka-katok ko ay agad na bumukas iyon na parang hindi talaga isinarado. Mukhang aware na siguro ang guest kaya siguro sa tuwing gabi lang pinapapunta dito. Siyempre bago ako pumasok ay tinignan ko mo muna ang paligid ng loob pagkatapos ay saka na ako pumasok noong sawakas ay may ilaw na at para akong nakaligtas sa kadiliman ang feeling.
Pero napakagat ako sa labi ko, kakaiba ang disenyo ng kuwarto at punong-puno ito ng mga itim na kurtina na siyempre parang red flag na sa tingin at sa palagay ko. Ang mas nakakapanindig balahibo pa ay iyong noong makita ko sa sahig namay mga pulang likido. Nanginig tuloy ako bigla at halos hindi na magkaugaga na ginawa kung ano ang pinunta ko dito. Inalis ko na sa cart iyong mga un-cook chickens na nakalagay sa cooler, iyong bote inilagay sa gilid ng mesa, atsaka ko dali-daling pinalitan ang sapin sa higaan at mga unan namay pagmamadali, nang biglaang saktong tatakbo na ako palabas ay namatay pa ang mga ilaw sa loob.
Scary talaga.
Napasigaw nalang ako at parang domoble pa ang takot na nararamdaman ko kaya hindi ko na lamang iyon pinansin. Isinara ko ang pinto saka ako tumakbo muli papunta sa elevator. Sh*t! Para akong siraulo sa ginagawa ko, pinapagod ko ang sarili ko, tagaktak ang pawis, at hingal na hingal na ako nang dahil sa sobrang takot.
Kaya nga lang noong nasa elevator na ako saka ko naman napagtanto na mukhang nahulog ang cellphone ko at napigtas mula sa leeg ko ang identification ko. Napaka-clumsy ko talaga. Siguro dahil sa impact nang bawat pagtakbo ko kaya nahulog ang cellphone at napigtas ang I.D. ko na siyang siyempre hindi ako nagdalawang isip na balikan. Kahit pa na takot na takot ay nangapa ako sa dilim ng daan hanggang pabalik doon sa loob ng room na wala paring ilaw.
Nang sawakas nakapa ko ang I.D. ko kaya tuwang-tuwa ako noong sakto naman ay magbukas ang mga ilaw ng guest room.
Pero…
“Ano pa ang ginagawa mo dito?! Dapat umalis ka na kanina pa a?” dinig na dinig ko na salita mula sa likod ko sa malalim na tono ng boses, noong pagkaharap ko sa kaniya nang dahan-dahan ay halos mapalundag na lamang ako sa gulat noong makita ko ang isang naka-topless na lalake na tila kasing puti na ng bangkay, sobrang pula ng mga labi, itim na itim ang cornea sa mata, at may pulang likido sa gilid ng bibig.
Siyempre isa lamang talaga ang ibig sabihin niyon hindi nga talaga tao ang guest namin na iyon.
“AAAAHHHHH!!!”
Dahil doon nataranta ako. Nakakabigla siyempre walang taong nabubuhay na ganoon unless hes a monster or something, noong dali-dali na akong umalis at tumakbo papunta sa elevator at nanginginig ko pang pinagpipindot ang number papunta sa first floor sa lobby.
Sabay diretso na ako na ibinaba niyon. Hindi parin nawawala ang nginig sa buong katawan ko noong ibalik ko ang cart sa main tapos ay pumunta na ako sa mga kasamahan ko na nakatulala. Ang isip ko ay biglaang blangko mula sa matinding hilakbot.
—
“SO totoo nga pala talaga ang hinala namin. Siguro isa siyang vampire. May ilan tayong kasamahan na sobrang tagal na sa hotel na ito pero nariyan na kaagad iyang guest na iyan. Kaya hindi malabong ganoon siyang nilalang.”
“Vampire?” pag-uulit ko muli sa mga kasamahan ko na nakausap ko. Hindi ko na kasi mapigilan na itago iyon at masabi sa kanila noong nag-aalala sila sa akin kasi nginig na nginig padin ako sa takot. May tiwala naman ako sa kanila.
Tinanong nila ako. “Ano ba talaga nangyari sa iyo? Ano ang nakita ko?”
Siyempre sabi ko nakita ko ang big guest namin na siyang ikinagulat nila at tinanong kaagad kung ano ba itsura niya? Hindi daw ako matatakot at mabablangko nang ganito if walang kinalaman sa haka-haka ng mga kasamahan namin.
“Sobrang puti niya na parang bangkay na ang kutis niya, mapula ang labi, darken ang cornea sa mata, at noong makita ko siya may pulang likido sa kaniyang bibig.” Saad ko saka sila napabuntong hininga at napaisip ng malalim bago ay kinumpirma nilang maaring vampire ang guest na iyon.
Vampire daw siya?
Kumsabagay naalala ko iyong maitim at makapal na kurtina na tinatakpan ang bintana ng kuwartong iyon. Ang alam ko takot ang vampire sa liwanag.
“Pero vampire ba talaga siya?” tanong ko kasi parang kahit paano noong makita ko iyon ay napansin ko na maamo naman ang kaniyang mukha? Kaya nga lang sinabi din ng mga kasamahan ko sa akin na huwag daw ako papaloko sa itsura lalo na confirmed vampire nga iyon.
“Basta kong magse-serve ka muli doon ay mag-ingat ka na lamang na huwag niyang mahuli.” Iyan na lang daw ang magagawa nila. Ang paalalahanan ako kasi wala din silang magagawa kailangan din nila ang trabaho nila at ito ang nai-atas sa amin.
Sabagay kailangan ko din bumalik doon para makuha ang cellphone ko. Makapag-serve lang ako doon at makuha ko sisibat na ako nang mabilis.
At iyon nga lang sana ang plano ko noong mag-serve naman ako ng cake kinagabihan. Pagdating ko doon ay inalagay ko na sa mesa ang cake at kandila pagkatapos ay sinubukan ko na hanapin ang cellphone ko pero hindi ko mahanap.
Not until…
“Ito ba ang hinahanap mo?” dinig ko na salita ko noong nakaduko ako sa sahig kaya mabilis ako na napatayo dahil baka sakmalin ako sa ayos ko sabay harap nang makita ko na hawak ng lalake ang cellphone ko.
“Timothy!” salita niyang muli sabay nanlaki ang mata ko matapos niyang tawagin ang pangalan ko. “Timothy, ikaw si Timothy tama ba? I like your name and I like the every details about you. Only child and you love your mom a lot. Mabuti ka pa nakakasama sila. Ang cute niyo din sa picture niyo. Maganda ang mga mata mo. But what I like to you most is your lips.” Dagdag niya at pagpapatuloy na salita sa akin.
Napakunot ako pinapakialaman niya ba mga documents, social media, at files sa cellphone ko? Humarap ako sa kaniya na nakaduko saka ko sinabi na kinukuha ko na ang cellphone ko. Inihagis naman niya iyon kaagad sa akin pagkatapos ay sinalo ko.
Nagpakilala din siya sa akin na siya si Blaze na tinango-tanguan ko lang.
Atsaka na ako paalis sana noong dire-diretso ako sa pintuan pero bigla niyang hinila ang kamay ko para mapigilan.
“Sandali dito ka lang. Ikaw lang ang unang taong nakita ako at ikaw lang din ang unang taong nakausap ko, dito ka mo muna. Aalis ka nalang ba kaagad? Sandali lang naman.” Saad niya.
“Bakit po ba? Ano po ang kailangan mo sa akin?” nauutal ko na salita.
“Saluhan mo naman ako dito. Sandali lang naman pagkatapos puwede ka na umalis.” Bilang tawag ng serbisyo ko ay pumayag ako. Naupo ako doon sa upuan saka niya ako inutusan na itirik sa cake ang kandila saka ay sindihan, na siyang sinunod ko.
Habang siya ay nakaupo sa higaan namay hawak na baso at iyong bote na dinala ko dito kahapon.
“You know what? Birthday ko ngayon, Timothy.” Salita niya nang mapa-happy birthday naman ako sa kaniya. At pagkakita ko ay iyong laman pala ng bote na iyon na hawak ng lalake ay isang malapot na kulay pulang likido na kung iisipin ay parang dugo.
Nagsimula na naman ako mataranta tuloy. Possible kayang dugo talaga iyong isinasalin niya sa baso niya? Kaya pala kakaiba iyong lalagyan na bote. Nakakatakot talaga.
“Sir puwede na ba ako umalis?” tanong ko matapos ko siya tignan at makita ang iniinom niya.
“Timothy, puwede bang ikaw nalang ang kumain sa cake?” tanong niya saka ako napa-huh nalang.
“Hindi kasi ako kumakain niyan saka sayang naman.”
“How about the candle and your wish?” sabi ko.
“Patayin mo nalang saka mag-wish ka nalang ng para sa iyo. Binibigay ko ang wish ko para sa iyo.”...