SEKSWALIDAD: HISTORY KAY CLASSMATE


SEKSWALIDAD:
HISTORY KAY CLASSMATE
Si Eugene siya iyong masasabi ko na pinaka-makulit pero pinaka-mabait din naman na nakilala ko sa buong highschool life ko noon. Nagsimula ang una naming first encounter siyempre noong mag transfer ako galing sa Cavite mula sa Tarlac.
Siyempre dahil sa bago palang ako sa school na iyon ay nangangapa pa ako at medyo malayo pa sa mga student na kaklase ko ang loob ko lalo na idagdag mo pa na may ibang language silang ginagamit which is kapampangan.
Wala din namang nagtatangka na kausapin ako pero maliban sa isa sa mga classmate ko. Si Eugene Clemente.
Teka, sandali. Bakit naman niya ako kakausapin? Saka wala din akong time sa kaniya. Wala din akong plano na maka-close siya at maging kausap.
Bakit?
Dahil unang impression ko sa kaniya ay medyo may kayabangan, mahangin, at hindi siya maganda makasama lalo na sa ugali niya na talaga namang dapat iniiwasan lalo na hindi ko aasahan na nagagawa niyang sagot-sagutin ang teacher na para bang barkada niya lang. Teka, sandali muli. Baka naman ganito talaga dito kasi mga tarlaqueño na sila? Pero hindi din e.
Kaya napapailing-iling nalang ako kasi hinding-hindi ko siya magiging kaibigan.
Pero hindi pala ganoon iyon. Isang araw nalang sumalo siya sa akin na kumain sa table ko noong nasa canteen ako tapos kinakausap niya ako at nagpakilala din siya. Talagang madaldal siya niyon nang siyempre kahit paano kahit wala akong balak na makipag-close sa kaniya ay sumasagot-sagot ako sa bawat tanong niya at salita na hindi ko na lang namamalayan ay napapadalas na.
Aaminin ko na magkaibang- magkaiba talaga kami sa lahat ng bagay saka ganoon parin talaga ang ugali niya pero parang siya itong nag-approach sa akin na kaibiganin ako kaya hindi ko narin isinarado ang sarili ko sa kaniya.
Dahil din sa kaniya ay nakakaintindi narin ako ng kaunting kapampangan even though hindi ako nakakapagsalita niyon. Siya itong nagtuturo sa akin. Tinuturuan niya rin ako kumain ng mga delicacy ng tarlac saka iyong mga street food na iniiwasan ko noon kasi sabi ko walang magandang dulot at dirty.
Since sometime pini-prefer ko na huwag magdala ng cash para mag-ipon ay siya itong nanglilibre sa akin. Tumatanggi ako pero ini-insist niya kasi parang mapera din ang mokong.
Kaya naman sa tinagal-tagal ng aming pinagsamahan ay naging pinaka- close friend ko siya o masasabing bestfriend.
Dumadating kami sa point na kilala ko na ang parents niya kasi bumibisita ako sa kanila at kilala narin niya ang papa ko, mama ko, at mga kapatid ko kasi sinasama ko din siya sa amin kapag lunch time galing school. Minsan pa nga kapag walang pasok nagpapaalamanan nalang kami sa parents namin para minsan ay mag-overnight ako kina Eugene at mag-overnight din siya sa amin.
Ganoon tumakbo, naging masaya, at naging maganda ang pagkakaibigan namin. Pero babaguhin iyon ng isang babae. Si Vanessa. Ang babaeng bigla nalang nagpatibok at nagkaroon ng kinang sa mga mata ko.
Ako nga pala si Howard. At magsisimula ang hidwaan sa amin ng kaibigan ko na si Eugene noong makilala ko ang isang babae. Actually nang dahil din sa kaibigan ko na ito kaya ko siya nakilala kasi sinamahan ko siya noon sumama sa ibang class kasi may kakausapin lang siya.
Pero bigla kami hinarang no’ng babae.
“May ginagawa kami, bawal magpapasok sabi ng adviser namin. Sino ka? At bakit?” medyo iritado niyang saad sa akin pero ang amo ng boses niya, kasi ako ang hinarang niya sa pangunguna ko kay Eugene kasi alam ko naman iyong class na pupuntahan namin.
Napahawak naman ako sa dibdib ko kasi talagang ang lakas ng pagkakatulak niya sa akin nang mapangiti nalang ako matapos ko makaharapan siya. Para akong biglaang tinusok ng trident ni Cupido sa puso noong masilayan ko siya. Ang lakas talaga ng tama ko. Kasabay ng pagtulak niya sa dibdib ko napagisipan ko tuloy na may kung ano sa kamay niya.
“Ako nga pala si Howard. Nagpasama lang ang kaibigan ko.” Sabi ko sa kaniya saka naman noon napasunod sa likod ko si Eugene na noong makita niya ay para bang kilalang-kilala nila ang isat-isa. Nag-usap sila tapos maya-maya ay pinapasok din kami nang puntahanan na ni Eugene iyong isa sa mga lalake sa class na iyon. May mga pinag-uusapan sila na hindi ko pinapansin kasi kanina pa talaga ako nakatanaw sa babae na biglaang lumingon sa akin at galing sa upuan niya ay tumayo para lapitan ako.
Pagkatapos ay pagkakataon naman iyon para sa akin na makita ko ang I.D. niya na may pangalan niyang siya si Vanessa Corpuz. “Kaibigan mo pala si Eugene?” tanong niya na sinagot ko naman nang pagtango-tango sa kaniya na nakangiti. At simula niyon ay nakakapag-usap na kami.
And we became close too na siyang nalaman ni Eugene at agad niyang napaghahalataan na may gusto ako kay Vanessa. Inaasar-asar nga niya ako noong makumpirma niya saka ko naman nalaman na ex pala ni Eugene si Vanessa. Siyempre doon wala namang kaso sa akin iyon pero kasi after ng mga confession na ginawa namin sa isat-isa ay saka ko naman nakita na magkasama si Eugene at Vanessa. Noong una inisip ko na baka isumbong niya ako namay pagtingin ako kay Vanessa o kaya naman baka bilang mag-ex ay magkaibigan lang sila.
Ngunit hindi ko rin naman siguro masisisi ang sarili ko kung nagsisimula akong magselos o parang may balak yata ako taluhin ng sarili kong bestfriend since ex niya si Vanessa. Simula kasi noong maging close kami ni Vanessa napaka-warmed ng pakikitungo niya sa akin pero dumating ang araw na naging mailap siya sa akin. Iniisip ko tuloy sinisiraan ako ni Eugene kay Vanessa dahil may gusto parin siya dito.
At napag-alaman ko iyon noong si Vanessa na nagsabi na sinabi sa kaniya ni Eugene na dahil sa kaniya ay bumababa ang ilang grado ko na hindi usual na ako.
Doon nagsimulang magkalamat ang pagkakaibigan namin ni Eugene. Kinompronta ko siya saka ko siya sinalubong ng malalakas na suntok sa mukha noong may gana pa siyang magpakita sa akin na nakangiti. Kita ko nga na nagdura siya ng dugo dahil napunterya ko ang bibig niya.
“Ano bang problema mo, Howard! Bakit mo ako sinuntok?!” maang-maangan niya na parang wala siyang alam sa mga paninira niya.
“WOW! P*tang*na mo! Sinisiraan mo ako kay Vanessa. Bakit? Kasi kay gusto ka pa sa kaniya. Sinisiraan mo ako na bumababa ang grado ko. E, ano bang pakialam mo?!”
“Mali ang iniisip mo. Kaibigan ko lang naman si Vanessa, saka hindi ko naman sinasadya na masabi iyon sa kaniya kasi nag-aaalala lang ako sa iyo. Pinapabayaan mo na pag-aaral mo just for a girl.”
“Sinungaling kang t*ng*na mo ka! Sino ka para mag-alala sa akin? Ikaw ba nagpapalamon sa akin? G*go ka! Huwag na huwag mo na ako lalapitan pa. Ayaw ko ng ahas na kaibigan na tulad mo!” saad ko sa kaniya at kung ano-ano pang masasakit na salita ang inabot niya sa akin.
Naging dahilan naman iyon para tuluyan kaming maglayo sa isat-isa. At ilang linggo matapos mangyari iyon ay biglaan nalang nag-drop out si Eugene sa klase namin at wala narin akong ibang balita sa kaniya.
Ang sama ko siguro para matuwa doon dahil nagkamabutihan kami muli ni Vanessa at hindi naglaon ay naging kami na.
Kaya nga lang biglaan nalang ay para bang habang tumatagal ay hinahanap-hanap ko ang presensya ni Eugene. Parati ko naaalala ang mga pinagsamahan namin. Iyong masasaya na pinaggawa namin na para bang pilit ko namang hinanap...


kay Vanessa kahit alam ko na mali na gawin ko iyon.
Dahil nga doon ilang beses kami nagkakasira kasi lahat ng mga gusto niya ay taliwas sa kung ano ang gusto ko. Kahit naman kami ni Eugene ay magkaiba ng gusto pero we supporting each other.

PAGKA-GRADUATE naman ng highschool ay kumuha ako ng course na arts na siyang tinapos ko din. At pagkatapos ng ilang mga taon ay nakamit ko ang pangarap ko na magkapag-pundar ng exhibit o maliit na museum para sa mga arts ng mga kilalang artists sa mundo. At 7 and half years ay going strong naman ang relasyon namin ni Vanessa na kahit minsan ay may pinag-aawayan kami dahil sa hindi pagkakaintindihan ay ako nalang naga-adjust para magkabati kami.
Hanggang sa hindi ko aasahan na isang araw nalang sa araw mismo ng exhibit ko matapos ko makipag-usap sa mga malalaking tao namay hilig sa arts ay nagkita muli kami ni Eugene nakangiti siya sa akin. At naging dahilan naman iyon para magkausap kami at makahingi ng kapatawaran sa isat-isa from all what happened in the past.
Pakiramdam ko sobrang saya ko noong muli kami magkita. Nagbalik ang mga masasaya naming pinagsamahan noong gawin namin muli iyong mga dati naming gawain noong nasa highschool kami. Hindi mapapantayan ang ngiti sa labi ko. Feeling ko maluwag ang pakiramdam ko na hindi ko maintindihan.
Impyernes ibang-iba na ngayon ang pag-aayos at itsura ni Eugene. Malaki na ang pagbabago sa lahat sa kaniya lalo na C.E.O narin daw siya ng isang company na ang mga pino-pondohan ay iyong mga different expensive made arts from different country and various known artist na siyang ikinagulat ko.
“Kailan ka pa nahilig sa arts?” tanong ko sa kaniya like what I am. Tawang-tawa talaga ako sa kaniya sabay napangiti lang siya sa akin.
“Because someone I know loved this so much, gusto ko lang patunayan ang sarili ko sa kaniya at ipakita ang affection ko.” Tugon niya.
“Bakit may nagugustuhan ka na gusto din ang arts?” tanong ko muli saka siya napakibit-balikat at tumango-tango.
Hindi ko naman alam na ako pala ang tinutukoy niya tungkol doon, saka ko lamang nalaman noong magbalikan ang naputol naming pagkakaibigan at muli ay nakikitaang lagi kami magkasama na siyang naging dahilan naman para magtampo nang magtampo si Vanessa sa akin kasi minsan may mga time na may schedule pala kami ng date sa isat-isa but I always forget about it dahil masaya ako kasama si Eugene.
Until one day, Vanessa want to break up with me. Sawang-sawa na daw siyang intindihin ako at sawang-sawa na daw siya sa mga nangyayari sa relasyon namin. Iyak naman ako nang iyak at pinipigilan ko siya na huwag siyang makipag-break up sa akin ’cause I like her a lot.
“Like? You don’t like me at all. Ang layo-layo ng loob mo sa akin parati. At mas lumala pa noong magkita kayo ulit niyang bestfriend mo. Sabihin mo nga sa akin. Sino ba talaga ang gusto mo makasama, ako o siya? Para kasing third wheel na lang ako sa pagkakaibigan niyo.” Wika niya sa akin saka niya ako tuluyang iniwan.
At si Eugene naman ay nakipagkita sa akin para i-comfort ako sa nangyari at dito na nga niya nabanggit noong ikuwento ko lahat ng mga pinag-awayan namin ni Vanessa.
“Remember noong highschool?” panimula niya saka naman ako napatingin sa kaniya, nasa isang KTV bar kaming dalawa para magwalwal.
“I really did what you were accusing me of ruining you behind Vanessa. Do you know why?”
Nakikinig lang ako.
“Because I like you. Because I became selfish, I am afraid that your attention might go to others. I was very worried that our friendship might be ruined but I would be the one to ruin it too. Yes! Tama ang narinig mo, gusto nga kita. So I did everything I could, to stay away from you noong magalit ka sa akin because I understand you.”
Hindi ko namamalayan mas napaluha nalang ako niyon noong tapik-tapikin niya ako sa balikat saka niya ako niyakap. Naisip ko tuloy iyong mga ginawa niyang kabutihan para sa akin noon nang maya-maya nadala nalang kami sa isat-isa noong simulan naming pagdampiin ang aming mga labi na napunta sa mariing mga halik.
Naging mapusok kami sa isat-isa hanggang sa unti-unti naming tinatanggal ang mga suot naming formal attire na necktie, suot toxedo at amerikano, saka long sleeve. At doon nagsimulang may maganap sa amin na alam naman naming mali pero nagpadala nalang kami sa kung ano ang sitwasyon namin.
“I am sorry what for I did.” Saad ni Eugene saka lamang ako napabuntong hininga at sinabi ko sa kaniya na ginusto ko din naman ang mga nangyari sa pagitan namin pero sana hanggang doon nalang kami. Alam ko ang feelings niya para sa akin pero hindi sa loob ko. ’cause I still like Vanessa. But do I really?
Sigurado ba ako sa mga sinasabi ko? O tulag ng bibig ako at kabig ng dibdib. Iba ang nasa bibig at iniisip pero iba din ang nasa puso.
Pinilit ko kaso na magkaayos kami ni Vanessa marami akong ipinangako sa akniya atsaka naman siya pumayag na magkabalikan kami. Ang kaya nga lang pinagbabawalan na niya ako na makipagkita pa kay Eugene na siyang sinabi ko na gagawin ko pero hindi ko ginawa.
Ang malala pa ay patuloy na may nangyayari sa pagitan namin ni Eugene sa tuwing patago kaming nagkikita we s*x a lot na hindi ko din maintindihan sa sarili ko kung bakit ko pilit na ginagawa, at nagpapasaya naman iyon sa akin.
Masaya ako sa mga bisig ni Eugene pero I keep telling myself that Vanessa is really my love.
But if I love her a lot hindi ko magagawa ang kataksilang ito?
Pero sabi nga nila walang kasinungalingan ang hindi mabubulgar. Nakita ako ni Vanessa at sinubukan niya akong sundan nang makipagkita ako kay Eugene. Hindi lang iyon. Tuluyan narin niyang nalaman at nasaksihan mismo ang panggagago ko sa kaniya. Ang mga kataksilan ko.
“I’m sorry!” iyan ang sinambit ko sa kaniya nang mapaiyak na lamang ako pagkatapos ay sinampal niya ako nang malakas.
“Mga hay*p kayo! Manloloko ka!” inis na inis sa akin si Vanessa nang umalis nalang siya niyon na umiiyak. Sinubukan ko siyang habulin para makapag-explain ako pero pinigilan ako ni Eugene.
“Pagkatapos ba ng mga nangyari siya parin ang pipiliin mo?!” galit niyang wika sa akin.
“Oo! ‘Cause I love her!” tugon ko.
Napakunot noo siya. “Love? Mahal mo siya, and what I am to you?” napakagat siya sa labi niya nang ayaw niya parin akong bitiwan.
Gusto ko siyang sagutin pero naguguluhan din ako. Sinabi ko ang totoo sa kaniya na ‘I don’t know.’
Lumapit siya sa akin pagkatapos ay hinawakan ako sa magkabilaang pisngi. “You don’t need to follow her. Confused ka lang. I am the one you loved not her!” salita niya sabay halik sa labi ko.
Pero itinulak ko lang siya at inalis ng pilit ang kamay niya sa pulso ko para umalis at sundan parin si Vanessa na siyang naging malaking pagkakamali ko dahil wala din naman akong napala at kinamumuhian na ako ni Vanessa. At dahil naman sa nangyari sa amin ni Eugene at sa choice ko ay tila hindi ko na siya nakita pa simula noong araw na iyon. Bigla na lamang siya naglaho na parang bula.
Dalawang mahalagang tao ang nawala sa buhay ko at sa tingin ko naman ay deserved ko. Siguro nga talagang confused ako.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top