THE STORY OF US CHAPTER 16


Andito siya sa loob ng Girls Restroom. Dito sya dumiretso matapos layasan si Jax.
“Nakakainis! Nakakainis ka Jax!” mahinang kausap nya sa sarili habang nakaharap sa salamin. Kitang kita nya ang mga luhang bumabagsak galing sa mata nya.
For the first time ay nasigawan sya nito. First time nyang makita na ganto ito.
“Anu ba kasing problema nya? Nakakainis!” patuloy ang pagluha nya.
Pinakalma nya muna ang sarili bago sya nagpasa na lumabas ng cr. Walang lingon lingon na naglakad sya at dumiretso lang sa room nila.
Pagdating sa seat nya ay naramdaman nya ang gutom. Hindi na pala sya nakakain. Lalo syang nainis kay Jax.
Nakita nya yung natanggap nyang chocolate kanina. At napagpasyahan na iyon na lang ang kakainin.
“Rico!” tawag nya dito ng makitang nasa room na ito.
“Yes Pres?” sagot nito habang papalapit sa kanya.
“Kinausap ako ng isang student council kanina. Iniinvite tayo mag perform sa Opening ceremony ng Sports Fest. Game ba kayo?” tanong nya dito.
“Oo naman Pres! Game na game kami sa ganyan!
Chys! Chuck! Jun! dito dali!” tinawag na nito ang mga kabanda. Pinaliwanag nito ang gagawin nila.
“Rico samahan mo ko mamaya sa office ng student council para ma inform sila na ok tayong mag perform sa inter high.” sabi nya dito.
“Sige Pres! mamayang dismissal diretso tayo dun.” pagpayag naman nito.
Dismissal na nila. Kasabay nya si Rico palabas ng room nila.
“Teka lang!” pigil nya dito hinawakan pa nya sa braso.
“Bakit pres?” takang tanong nito.
“Check mo nga kung nasa labas ba si Jax?” napakunot naman noo nito.
“Please pa check na lang.” pagmamakaawa nya dito at sumilip naman na ito sa labas.
“Wala Pres. Wala na din tao sa kabilang room.” sabi nito matapos icheck ang labas.
Nakahinga naman sya ng maluwag. Ayaw pa nyang makaharap si Jax. May nararamdaman pa din syang inis dito.
“Tara. Lets go! Punta na tayo sa student council.” yaya nya dito. Di naman na ito nagtanong pa at lumakad na din.
Papalampas na sila sa room ng section 1 ng makita nyang papalabas pa lang si Jax dun.
Dali dali nyang hinarap si Rico at hinila nya ang braso nito at tumakbo na sila papalayo. Narinig pa nyang tinawag sya ni Jax pero di na nya pinansin.
“Sabi mo wala ng tao sa kabila!” hihingal hingal na sabi nya kay Rico pagkababa nila ng hagdan patungong 1st floor.
“Wait Pres! Hiningal ang beauty ko dun!” maarteng sagot ni Rico nakalagay pa ang isang kamay sa dibdib at maarteng pinupunasan ng panyo ang pawis sa noo. Hinintay na lang nyang kumalma ito.
“Wala naman talaga akong nakitang tao kanina sa loob! Malay ko bang andoon pa yung jowa mo! LQ kayo?” paliwanag nito.
“Tse! walang LQ! wag na nga natin sya pag usapan.” mataray na sagot nya dito at naglakad na papunta sa OSC. Baka abutan pa sila ni Jax dito pag magtgal sila.
Sumunod naman si Rico sa kanya. Pagdating sa tapat ng pinto ng OSC ay kumatok na sya. Sakto namang si Ronnie ang nagbukas ng pinto nila.
“Oh hi!” bati nito sa kanila.
“Hi Ronnie! This is Rico kasama ko sa banda.” pakilala nya dito kay Rico. Nang lingunin nya si Rico ay nagpapa cute na ito kay Ronnie. Napatawa sya.
“Hello Rico.” sagot naman ni Ronnie.
“Hello Pogi! What’s your number??” hirit bigla ni Rico kay Ronnie at nagulat naman ang lalaki.
“Yeah tamang tama. Kayo na lang ni Rico mag usap Ronnie about sa mga gagawin sa ceremony.” bigla nyang naisip. Atleast di na magagalit sa kanya yung bestfriend nya.
“Yes! Tama si Pres! Kunin ko number mo Pogi para makapag usap tayo.” masayang sang ayon naman ni Rico....


Wala ng nagawa pa si Ronnie kundi ibigay ang number nyan kay Rico. Pagkatapos noon ay umuwi na sila.
ANDITO ako ngayon sa malayo pinagmamasdan si Lyna habang kausap yung Ronnie. Naasar sya na nakikitang nagtatawanan ang mga ito.
Hindi nya talaga napigilan ang nararamdaman kaninang selos at napagtaasan nya ng boses si Lyna. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman nya lalo ng makita nya ang lumuluhang mata nito.
‘Sorry Nana. Sorry Mahal ko’ sabi nya sa isip habang pinagmamasdan itong maglakad palabas ng school.
Kilala nya ang babae. Kakaiba ito magtampo. Mahirap amuhin. Matagal syang di papansinin nito. Gagawin nito ang lahat para maiwasan sya. Kaya di muna nya pipilitin ang sarili dito. Bibigyan nya muna ng time ito para mawala ang tampo.
Sinundan lang nya ito ng palihim pauwi. Malapit lang ang bahay nito sa school nila kaya naglalakad lang ito. Kahit nagtatampo ito sa kanya ay hinding hindi nya pababayaan ang babae.
Nakita nyang tumigil ito sa tapat ng playground malapit sa bahay nila. Umupo ito at may niyuko. Nakita nyang may hinihimas himas itong aso.
“Wow! ang cute cute mo naman.” rinig nyang sabi nito sa aso.
“Gusto ko na din ng aso. Magpapabili nga ako kay papa.” dagdag pang sabi nito.
Bigla syang may naisip na idea dahil sa sinabi ng babae. Dali dali nya nilabas ang cp nya at tinext ang papa ni Lyna.
‘Tito. Pag nagpabili po si Lyna ng aso sa inyo wag po kayo papahayag hah.’ text nya dito.
Naka receive naman sya agad ng reply dito.
‘Bakit iho?’ reply nito.
‘Basta po Tito ako na po bahala. Thank you!’ reply nya dito.
Ng makita nyang nakapasok na ng gate si Lyna ay umuwi na sya agad sa bahay nila.
“MAMA! Papa! Andito na po ako!” sigaw nya pagpasok ng bahay.
“Anak. Pahinga ka na. Nasa likod bahay ang papa mo.” sagot ng mama nya ng makita sya.
“Pupuntahan ko po muna si Papa ma. May sasabihin ako sa kanya.” paalam nya sa ina at naglakad papunta sa likod bahay nila.
“Papa!” masiglang bati nya sa ama na nakaupo sa isa sa upuan na nakapalibot sa round table na marmol nila.
Dito ang tambayan nila. Kasi mahangin dito sa labas at tahimik kumpara sa harap ng bahay nila na maingay dahil daanan ng tao at sasakyan.
“Oh anak. Kakauwi mo lang?” tanong ng papa nya.
“Opo! Ahm Papa…” pinalambing pa nya ang boses nya.
“Mukang may kelangan ang prinsesa ko hahah.” natatawang puna ng papa nya. Nahalata na agad sya.
“Ehh papa. Gusto ko po kasi ng aso. Pwede po ba tayo bumili ng aso? Please Please..” nagpuppy eyes pa sya sa harap ng ama.
“Hahaha. Sorry Nak. Kahit gaano ka pa ka cute pero it’s a no.” sagot ng papa nya nagpaatras sa kanya.
“Why pa? Bakit hindi po pwede?” nagtatampo nyang tanong dito.
“Basta hindi pwede. Nakapangako na ko. At hindi dapat binabali ang mga pangako.” malayong sagot ng Papa nya na nagpagulo sa isip nya.
Tumalikod na ito sa kanya at naglakad na papasok ng bahay. Wala na syang nagawa. Alam nya ang ugali ng papa nya. Pag sinabi nitong bawal ay bawal. Kahit nag iisa syang anak ay hindi sya ini spoiled ng magulang.
Pumasok na lang din sya sa bahay at nagkulong sa kwarto nya. Pagkabihis ay sinilip nya ang cp kung may text ba sa kanya si Jax. Nalungkot sya ng makitang wala man lang itong text sa kanya.
‘Tsk. So ikaw pa ang galit Villamayor?’ naiinis na pagkausap nya sa picture nila ni Jax sa bedside table nya.
“Bahala ka sa buhay mo!” naiinis pa nyang dagdag
Inabala na lang nya ang sarili sa mga homeworks at projects nya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top