MY BESTFRIEND, MY HUSBAND PART 1


MY BESTFRIEND, MY HUSBAND
(short story)
By YZABELAH
Ito ang pinaka-maikli kong novelette composed of three chapters at limot ko na kung kelan ko nasulat basta ang alam ko lang ilang minuto ring naging abala ang aking isip sa pagbuo nito para ngayon may mabasa ka…sana magustuhan mo ☺😘❤
Mababago ba ng isang hindi inaasahang pagiisang dibdib ang pagkakaibigan?
🌺🌺🌺🌺CHAPTER ONE🌺🌺🌺🌺
Mula pagkabata ay matalik na magkaibigan sina Crizelah Lily at Calvin. Kapwa sila nagmula sa kilala at mayamang pamilya. Nagkahiwalay lang sila nang mag-aral sa America si Calvin. Fil-chinese ang binata. Fourteen years din na hindi sila nagkita at sa pamamagitan lang ng cellphone sila nagkakaroon ng komunikasyon.
Ngayong tapos ng mag-aral ang binata ay muli itong bumalik sa Pilipinas.
Natulala si Crizelah Lily nang makitang muli sa personal ang kababata.
“O, Crizzy, hindi mo ba ako na-miss?”
Nakangiting niyakap ng mahigpit ni Crizzy ang binata.
“Calvin na-miss kitang sobra,” hinagkan niya sa pisngi ang lalaki. “Ang gwapo mo!” nakangiting wika niya rito. “Kailan ka pa dumating dito sa Manila?”
“Kahapon lang,” nakangiting tugon ng lalaki.
Sinadya ni Calvin na pumunta sa Mansion ng mga del Rio kasama ang mga magulang para makita si Crizelah Lily. Dumating siya na wala roon ang dalaga at nasa labas kasama ang mga kaibigan nito sabi ng mama nito.
“Nadatnan mo ba sina Mommy at Daddy dito?” si Crizzy.
“Oo narito sila kanina pero umalis rin dahil nagyaya sina Mama at Papa na lumabas. Sabi ng Mama mo lumabas ka raw kasama ng barkada mo kaya hinintay na kita.”
“Hindi ko talaga inaasahan na darating ka. Teka balita ko marami daw ang babae na naghahabol sa iyo sa America.”
“Sino naman ang may sabi sa iyo niyan?” natatawang tanong ni Calvin sa dalaga.
“Sa tuwing tinatawagan ko si Tita Roselle ikinukwento niya sa akin ang lahat ng nangyayari sa iyo,” tugon ni Crizzy.
“Si Mama talaga, naniwala ka naman?”
“Tamang-tama ang dating mo mamaya pupunta kami sa Batangas ng mga friends ko, isasama kita.”
Tinawagan na lang ni Crizelah Lily ang mga magulang upang magpaalam, noon din ay umalis sila ni Calvin patungong Batangas.
“Tayo lang ba ang pupunta sa Batangas?” Tanong ni Calvin nang mapansing siya lang ang sakay ng kotse ni Crizzy.
“Nauna na sila kaya susunod tayo,” tugon ni Crizzy.
“Ganoon ba? Crizzy, ihinto mo ang kotse mo.”
“Bakit?”
“Ako na ang magmamaneho hanggang Batangas,” alok ni Calvin.
Inihinto ni Crizelah Lily ang kotse niya at nakangiting tumingin sa lalaki.
“Ay, ang gentleman,” biro ni Crizzy sa kababata.
“Ito ang tamang manner ng lalaki kapag may kasamang babae,” iyon lang at bumaba na ito ng kotse upang alalayan siyang lumipat ng upo at ito na ang magmaneho ng kotse niya patungong Batangas.
Hapon na nang dumating sila sa isang private resort na pag-aari ng isa sa friend ni Crizelah Lily. Sa sala nila nadatnan ang barkada ng dalaga. Kay Calvin ang sentro ng tingin ng lahat.
“Guys, gals childhood bestfriend ko, si Calvin Wo, Calvin mga barkada ko.” Pakilala ni Crizzy.
Nginitian ni Calvin ang mga barkada ni Crizelah Lily.
Lumapit si Crizelah Lily sa isang lalaking naroon at humalik sa labi nito. Nagulat si Calvin sa ginawa ng kababata.
“Calvin, si Macky boyfriend ko,” wika ng dalaga.
Palakaibigan ang mga barkada ng dalaga kaya naman hindi na-out of place si Calvin. Pakiramdam niya ay matagal na rin niyang barkada ang mga ito.
Kinagabihan ay nagkayayaan silang mag-swimming at uminom sa may pool.
“Umiinom ka?” tanong ni Coleen kay Calvin.
“Oo, Coleen, huwag mo ng tanungin si Calvin umiinom iyan,” si Crizelah Lily ang sumagot.
“May girlfriend ka na?” deritsang tanong naman ni Tasha.
Napangiti si Calvin.
“Marami iyang girlfriend sa America pero heto siya sa Pinas kaya available iyan,” si Crizelah Lily ulit ang sumagot.
“Oh, talaga? Available ako ngayon, kahit one night lang ok sa akin,” pilyang wika ni Marie.
“Tol ang mga babaeng iyan pagpasensiyahan mo na, ganyan talaga ang mga iyan kakulit,” sabad ni Anjo.
“Kailangan masanay ka na sa kanila,” wika naman ni Jino.
“Ganyan ang mga iyan kapag may nakikilalang gwapo nagkakagulo. Noong una nila kaming nakilala ganyan din sila sa amin,” pagmamalaking wika naman ni Anthony.
“Tumigil nga kayo baka maniwala si Calvin sa inyo,” saway ni Coleen sa tatlong lalaki.
Naisip ni Calvin ganito din ba ang inaasal ni Crizelah Lily sa ibang lalaki.
Nang lumamig na ang gabi ay umahon na sila sa pool at pumasok na sila sa loob ng bahay....


Nagbihis na sila at sa sala na lang itinuloy ang inuman.
Ang mga ikinikilos ni Crizelah Lily ay hindi nagugustuhan ni Calvin kahit pa nga sanay siya na makisama sa ganoong tipong mga babae ay para sa kanya ay ayaw niyang gawin iyon ng dalaga.
Nang makaramdam na ng kalasingan ang magkakaibigan ay ipinasya na ng mga ito na iligpit na ang pinag-inuman at pumasok na sa kani-kanilang silid.
“Ihahatid na kita sa magiging silid mo Crizzy,” wika ni Calvin nang mapansing medyo namumungay na ang mga mata ng kababata dahil sa pagkakainom.
“No Calvin, sa silid ni Macky ako matutulog,” tugon ng dalaga.
“Ano?” Hindi nagustuhan ni Calvin ang sinabi ni Crizelah Lily.
“Calvin hayaan mo na sila, halika na sa silid mo ako matutulog,” kumindat pa si Marie sa binata.
Hindi na rin napigil ni Calvin si Crizelah Lily dahil hinila na rin siya ni Marie papasok sa silid niya.
Ang mga pangyayaring iyon ay hindi ikinatuwa ng binata. Pabalik na sila patungong Manila nang basagin ni Crizelah Lily ang katahimikang namamagitan sa kanila ni Calvin.
“Galit ka ba sa akin? Bakit hindi mo ako kinakausap?” Magkasunod na tanong ni Crizelah Lily sa binata.
“Matagal mo na ba silang barkada?” Tanong ni Calvin.
“Oo since high school,” tugon ng dalaga.
“E iyong Macky kailan pa naging kayo?”
“Noong isang araw.”
“Two days mo palang siyang boyfriend.”
“Oo two days kahapon, noong isang araw ko rin lang siya nakilala sa isang bar.”
“Nagtiwala ka kaagad ng ganoon kadali?”
“Teka kaya ka ba nagkakaganyan dahil doon sa ginawa kong pag-tulog sa silid niya?” ngumiti si Crizelah habang nakikita ang madilim na mukha ng kababata.
Hindi umimik ang binata.
Natawa si Crizelah Lily.
“Ano naman ang masama doon? Boyfriend ko naman siya, in fact kanina kinausap ko siya, sabi ko break na kami!”
Biglang nai-preno ni Calvin ang kotse dahil sa sinabi ng dalaga.
“Ganoon lang sayo ang pakikipag-relasyon?”
“Yes ganon lang kadali,” kumindat pa ang dalaga sa binata.
Madaming babae ang nagdaan sa buhay ni Calvin at lahat mga liberated pero hindi kasing liberated ng bestfriend niya.
Minsan nagulat pa si Calvin nang dumating sa tahanan nila si Crizelah Lily at sabihing doon ito matutulog sa silid niya nang gabing iyon.
“Pero Crizzy…”
“Calvin ano ka ba? Alam nina Mommy at Daddy na dito ako sa bahay n’yo matutulog, tutal wala naman ang parents mo kaya pwedi akong matulog dito sa kama mo. Sige na.”
Hindi na hinintay ng dalaga ang pagsang-ayon ng binata. Kinuha niya sa bag ang dalang pantulog. Walang sabi-sabing nag-hubad ito sa harap niya. Bigla siyang napatalikod. Binibigla siyang talaga ng dalaga sa mga ginagawa nito.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Calvin habang nakatalikod sa hubad na babae.
“Magpapalit ng damit,” tugon ng dalaga.
“Pumasok ka sa bathrom doon ka maghubad Crizzy.”
Natatawang tumalima si Crizelah Lily sa utos ng lalaki. Blouse pa lang noon ang nahuhubad niya. Pumasok siya sa bathroom. Dahil mainit ang panahon ay minabuti niyang mag-shower na din. Doon na rin siya nag bihis.
Paglabas ng dalaga ay bagong ligo na ito. Laking pasasalamat ni Calvin at hindi seductive ang pantulog nito. Simpleng sleeveless na blouse at pajama na pink ang suot nito.
“Calvin sabihin mo nga sa akin, ayaw mo ba akong makasama? Na-miss pa naman kita. Nakakapag-tampo ka, kay Marie tumabi ka sa akin ayaw mo,”biro ng dalaga sa binata.
“Crizzy hindi ko sinadya iyon at walang nangyari sa amin,” katwiran ni Calvin para ipaliwanag sa dalaga ang nangyari noong gabi sa kanila ni Marie sa Batangas.
Matapos i-blower ang buhok ay tumabi na si Crizelah Lily sa nakahigang binata.
“Sa totoo lang Crizzy ayokong ginagawa mo ang mga bagay na tulad nito.” Bumangon si Calvin at akmang lilipat sa lapag pero niyakap siya ng dalaga.
“Bakit?” Pangungulit nito.
“Wala, matulog ka na dito sa kama sa lapag ako maglalatag.”
“Ayoko, tatabi ako sa iyo.” Pagpupumilit ni Crizelah Lily.
Wala nga nagawa si Calvin kundi pagbigyan ang kababata. Magkatabi silang nahiga sa kama pero may pagitang mga unan. Inalis naman iyon ng dalaga at yumakap ng mahigpit dito. Nakatalikod noon si Calvin.
“Crizzy…”
“Hayaan mo lang na yakapin kita. Nang umalis ka nalungkot ako talaga. Nang mag-aral ako lalo kitang na-miss dahil iyong mga classmate ko may mga bestfriend ako wala kaya mula noon sumama ako sa grupo nina Marie at na-enjoy ko ang buhay dahil sa kanila. Noong mga panahong iyon wala rin naman si kuya Giovann kasi pinalayas siya ni daddy.”






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Aduelyn Matillano

    next please

  2. I like this app

Leave a Reply


top