Sa Kabilang banda ay, kasalukyang nakayuko si Alexa habang nakatali ang Kamay nya sa likuran ng upuan kung saan sya naka upo ang mga paa nya at nakatali din ng Lubid.
Palihim syang nag mamasid, nasisiguro nyang nasa abandonadong Lugar ang kinalalagyan nya kaya madilim ang buong paligid at tanging ang sumasayaw na iaw lang na nasa tapat nya ang nagbibigay liwanag.
🍁FLASHBACK🍁
Kaluskos at yabag ng paa ang kaagad na naramdaman ng dalaga palapit sa Court, ‘ maingay man ang paligid ay hindi ako kayang lokohin ng pakiramdam ko.’
Nakangiti man sya sa lalakeng ngayo’y naroon sa Court ay hindi nya inalis ang konsentrasyon sa paligid.
‘nasa lima sila sa tantya ko. ‘
Kinuha nya ang phone at lihim na nagtipa ng mensahe.
CHAIRYL, PUMUNTA KA SA EAST BRIDGE UNIVERSITY SA LOOB NG DALAWAMPUNG MINUTO.
MESSAGE SENT!
Malapit na sila.
Limampung hakbang ang layo.
.
.
.
.
Apat na pong hakbang
.
.
.
.
. Tatlong pong hakbang
.
.
.
.
Dalawa
.
.
.
.
Isa!
Sinadya kong patigasin ang muscle sa batok ko para hindi ako makatulog, nasisiguro kong sa batok nila ko patatamaan.
*Pak!
‘Hindi ako nagkamali, iyon nga lang ay medyo masakit ito kaysa sa inaasahan ko. ‘ reklamo nya tsaka kunwari ay nawalan ng malay.
Si Jiro at ako ng pakay nila kaya’t kung papalag ako ay malalagay sa panganib si Jiro.
🍁END OF FLASH BACK🍁
*Splash !
Nagulat sya sa malamig na bumalot sa katawan nya, binuhusan sya ng tubig ng lalaking nasa 7’2 ang Height malaki ang katawan at tadtad ng nakakatakot na Tattoo
‘nasisiguro kong sya ang pumalo sa batok ko.’ nasabi ni Alexa nang matanaw ang malaking lalaki.
“Kung gayon, ikaw pala ang taga bantay ng mga Vergara. ” nakangising saad ng lalaking naka suot ng White suit, maging ang sumbrero nitong gawa sa Leader ay kulay puti din.
Nakasupalpal ang tabacco sa bibig nito habang magka krus ang mga binti. ” dapat pala ay hindi ako nag aksaya ng pera para umupa ng tauhang kakaladkad sayo dito, gayong napaka dali mo lamang hulihin. ”
“Tapos ka na ba? ” walang interes si Alexa sa sinasabi sa kanya ng binata.
“Bastos ka! “sigaw ng malaking lalaki tsaka sinampal si Alexa dahilan para tumabingi ang mukha nito.
“Dargo! ” tutol ng isa pang lalake na katabi ng matanda na sa tantya nya ay anak nito.
Inipon ni...