My husband cheater


Kabanata 36

“Saan nila ako dadalhin,” sabi ng kanyang utak.

Mga ilang sandali pa naramdaman niyang huminto ang sasakyan nila at bumaba ang driver.
“Tingnan mo ang kasama natin baka gising na! At hindi pa kumakain.’ Sabi niya.

“Bilisan mulang bumili ng pagkain, dahil malayo pa ang beyahe natin.” Sabi pa niya

Agad naman tumalima ang driver. At naman sumilip si dexter sa kinaroroonan ni zara.

“Gising kaba!” Aniya at agad niya binuksan ang pinto ng sasakyan at tiningnan siya.

Dahil sa kumakalam na rin ang tiyan nito, kaya minabuti niyang gumalaw para alam nilang gising na siya.

“Ummm!!! Aniya.
“Gising kana pala miss! Ngiting sabi ni dexter na naka takip parin ang mukha nito at naka sumbrero.

Naka jacket ito ng itim at naka gloves pa.

“Kain ka muna dahil baka hindi ka makakarating sa pupuntahan natin!” Aniya at agad niyang tinanggal ang takip ng bibig nito.

“Sino ka?” Bigla niyang sabi at nakaramdam ng takot.

“Anung kasalanan ko at bakit niyo ako dinukot?”

“Sa’amin wala! Pero dun sa nag utos. Merun!

Bigla naman dumating ang kasama nito na si diego. May dala itong pagkain para sa kanilang tatlo..

“Dexter! Ito na iyong pagkain natin, para sa mahaba haba nating beyahe.” Anito.

“Segi’kumain ka para maging malakas ka!” Ani dexter.
“Paano ako kakain e’ naka gapos ang kamay ko tapos nahihirapan pa ako dito sa pwesto ko.” Ani zara habang di parin maalis ang takot sa kanyang dibdib.

Kinalagan nila ito at pina upo. Kahit anung gawin ni zara para makilala ang mga taong kasama niya ay wala siyang motibo kung sino sila dahil nakatakip ang kanilang mukha.

Tanging bibig lang ang walang takip.

Pagkatapos nilang kumain, at nanigarilyo muna sila sa labas sasakyan bago sila muling bumeyahe.

Nireport nila sa pulis ang pagkawala ni zara. Pagkatapos ng 24 hour. Ginawa ng mga pulis ang lahat para makita lang ang nawawalang si zara.

Bigla naman dumating si elane, at nagpanggap itong walang alam.
“Hon” anung nangyari! Aniya.
“Nawawala si zara, hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.” Malungkot niyang sabi.

“Tiningnan na mga pulis ang lugar kung saan huling nakita ni tricia ang pinsan. Tiningnan kung merun bang CCTV ito. Ngunit wala!

Agad lumuwas ng maynila ang mga magulang ni zara dahil sa nangyari sa anak nila.

Dahil malakas ang ulan sa daan, labis naman kinabahan si zara.

“Please! Sabihin niyo saakin kung sino ang nagpadukot sa’akin.” Aniya.

“Sino pa e’ di iyong karibal mo!” Agad naman sagot ni dexter sa tanong niya. Labis naman siyang nabigla at nagalit.

“Hayop ka! Diko akalain na magagawa mo ito sa’akin!” Anito na galit na galit…

Bigla naman kumidlat ng malakas na siya naman ikinabahala ni diego.

...


“Paano ito dexter! Totoloy paba tayo! Ang lakas ng ulan at bagyo na yata ito.!” Pag alala naman sabi niya.

Hanggang sa hindi nila nakitang may kasalubong silang sasakyan, at agad tumagilid ang kanilang sasakyan. Bumangga sa isang malaking puno ng akasya na may katabing malaking bato.

Kabanata 37

At ang isa naman sasakyan ay dumeretso sa bangin at nahulog ito.

Bigla naman kinabahan si aling agnes, at agad siyang binigyan ni mang leandro ng miniral water. Habang nasa loob sila ng bus. Huminto ang bus dahil sa malakas na ulan at hangin.

Hindi naman mapakali si dave dahil sa pagkawala ni zara. Lahat na yata ng kuniksyon niya ay ginamit na niya subalit hindi parin makita si zara..

“Kung hindi dahil sayo! Nandito pa rin si zara!!” Hiyaw niya sa kapatid.

“Baka nakakalimutan mo! Asawa ko ang pinaghahalikan mo!! Duro nito

“At hindi ko hahayaan na gawin mo ulit iyon! Dahil kakalimutan kung kapatid kita sa ama! Banta pa niya dito.

“Baka nakalimutan mong ikaw ang dahilan kung bakit siya nandito sa maynila. At hinayaan mong magkita kami!” Ganti nito dito

“Kung hindi mo kami nahanap, di mangyayari ito!! Anito na galit na galit..

“Tama na!!!” Puro kayo sisihan! Bakit di kayo magkaisa para makita siya! At si zara lang ang pweding magdisisyon kung sino sainyo ang pipiliin niya.?”

“Asawa ko si zara, ako lang ang may karapatan sa kanya!!!” Ani mateo.

Sa isang maliwanag ng ilaw, unti unting nagkamalay si zara.

“Aaahhh!!! Tugon nito habang nakahawak sa kanyang ulo.

“Naku miss!! Huwag po kayo magkikilos kasi mahina pa po kayo!” Ani ng nars.

“Sino ka!” Sabi niya na halos durog ang kaliwang braso nito.

“Ako po si nars amy.” Pagpapakilala niya dito.

“Kayo po anung pangalan niyo!”
“Pangalan!”
“Oo”pangalan!”
“Diko alam kung anu ang pangalan ko.” Sabi nito na labis na naguguluhan…

“Doc!” Tawag niya agad sa doctor na tumingin kay zara.

“Nars! Bakit!”
“Doc! Yung pasyente po!” Sabay turo sa kinaroroonan ni zara.

“Dipo niya matandaan ang pangalan niya.”

Agad naman tiningnan ng doctor si zara para i check ulit.

Maya’t maya pa, dumating si diego na naka wheel chair na tulak tulak ng isang lalaking nars.

“Doc! Kumusta po ang kasama ko.” Aniya habang naka benda ang paa nitong namamaga dahil nadaganan ito.

At hindi na rin nakaligtas si dexter dahil siya ang sentro ng sanga ng akasya kaya dina ito naka survive at agad binawian ng buhay pagdating ng tulong.

“I’m sorry, dahil temporary siyang mawalan ng alala!” Dahil sa pagkakabagok ng ulo nito.

Nakita niyang naka benda din ang ulo nito. Bigla naman syang nalungkot ng malamang patay na ang kaibigan nitong si dexter.

Hindi niya malaman kung paano niya sasabihin sa asawa nito ang pagkawala ng kanyang asawa….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top