PUSO chapter 1


Bawat isa sa atin ay may kaniya kaniyang kwento ng pag ibig, sa magulang man, kaibigan, kapatid, mga mahal sa buhay, at kahit sa sarili o sa pinakamamahal nating tao. ang pag ibig ay pagpaparamdam ng pagpapahalaga, pagmamahal at pag aalaga sa iniibig natin, kung minsan mas nararamdaman natin ang pag ibig, halaga at pagmamahal natin sa isang tao kapag nawala na sila sa atin, yung tipong lahat ng pagsisisi sa puso mo ay inaagaw mong lahat dahil di natin naipadama yung pag ibig na yun nung kapiling pa natin sila.

First time ko po mag sulat ng sarili kong kwento dito sana po ay mapag tiyagaan ninyong basahin at sana ay maka relate tayong lahat na makakabasa ng kwentong ito.

ang bida sa kwentong ibabahagi ko sa inyo ay isang binata na ang pangalan ay Ralph, isang 2nd year student sa isang private school sa QC, pangatlo sa limang magkakapatid, technician ang kaniyang tatay at ulila na sila sa nanay, hindi mahilig gumala kung saan saan si Ralph, school at bahay lang ang daily routine niya, kung minsan siya ang namamalengke para sa pagkain nilang magkakapatid at di mahilig makipag usap kahit sa kapitbahay, di siya maporma, simple lang, at nakukuntento sa kung ano ang meron sa kanila. pagdating naman sa school hindi man katalinuhan ay lagi namang nasa top 10 ang binatang si Ralph, di rin naman siya nahahanay sa mga kulelat o tamad mag aral, masipag siyang gumawa ng assignments at projects, di din siya nabubully sa school kahit lagi siyang tahimik dahil tito niya ang isa sa mga teacher sa school na pinapasukan niya. in short simpleng buhay lang ang meron si Ralph. Sa school na pinapasukan ni Ralph ay doon din nag aaral ang isang dalaga na ang pangalan ay Jen, 1st year high school, at para sa kaalaman ng mga nagbabasa ng kwentong ito, ito ay nangyari sa taon na wala pang K-12 program, wayback throwback flashback year 2006. taon kung saan wala pang pandemiya, taon na ang pinaka kinatatakutang sakit lang ng mga tao ay dengue, foot&mouth disease or red tide. Balik tayo sa kwento mga kaBoss, 1st year high school ang dalagang si Jen sa school din na pinapasukan ni Ralph, magandang babae, apo siya ng principal ng school, kaya mayaman sila, hindi sila nagkikita o nagpapang abot sa school ni Ralph dahil pang hapon si Jen at pang umaga naman ang pasok ni Ralph. Fast forward ng konti, nang magkaroon ng field trip sa school nila Ralph at Jen, ang mga sasakyan para sa field trip ay 5 buses, hindi naman kailangan na...


magkakasama ang mga magkakaklase sa bawat bus, kung sino ang mauna sa upuan ay doon na siya mauupo, sa isang bus ay di inaasahang magkasunuran ng upuan sina Ralph at Jen, sa gawing unahan sila Ralph katabi ang kaklase nitong si Aldrin at sa likod naman nila sina Jen at kaklase nitong si Althea na kapatid ni Aldrin. Alam mo yung parang sinadya ng pagkakataon na magkasama sila sa iisang bus? pero hindi sila magkakilala, sa loob ng bus napapansin na ni Jen si Ralph na napaka tahimik, at may biglang lumapit kay Aldrin na isang magandang babae na ang pangalan ay Kim na kaklase din nila Ralph, gusto ni Kim na makipag palit ng upuan kay Aldrin para makatabi si Ralph pero nung tanungin ni Aldrin si Ralph kung gusto niya bang katabi si Kim ay tumanggi ito, sinabi ni Ralph na uuwi nalang siya at di na sasama sa field trip kung magpupumilit si Kim na tabihan si Ralph, sabihin na nating oo gwapo ang lolo Ralph nyo, pero di siya yung tipo ng lalake na gagamitin ang itsura para manloko ng babae, napaka marespeto ni Ralph sa Babae, sinabi ni Ralph kay Aldrin na wala sa bukabularyo niya ang tumabi sa babae, lalo at alam niyang may gusto yung babae sakaniya, narinig ito ni Jen na nasa likod lang nila Ralph kaya napangiti ito, nang makita ni Althea na nakangiti si Jen ay nagtaka ito at nagtanong kay Jen kung bakit siya nakangiti? ang sagot ni Jen ay “wala may naalala lang ako”. bago umalis ang bus na sinasakyan nila Ralph at Jen ay narinig ni Ralph na tinatawag siya ng tiyuhin niyang Teacher na nasa pinaka likod ng upuan sa loob ng bus, tumayo at humarap sa likod si Ralph at nagtanong sa kaniyang tiyuhin kung bakit? tinanong ng tiyuhin niya kung may baon daw ba siyang gamot para di siya mahilo sa biyahe, alam kase ng tiyuhin niya na mahihiluhin si Ralph sa biyahe lalo na pag malalayo, nang sumagot si Ralph na may dala siyang gamot at uminom na siya ng gamot bago umalis ng bahay ay paupo na sana ito pero naaninag niyang parang may mga matang nakatitig sakaniya habang kausap niya ang kaniyang tiyuhin, biglang naibaling ni Ralph ang kaniyang paningin sa mga mata ni Jen na nakatitig sakaniya, nagkatitigan sila ng mga 5seconds at nagtanong si Ralph ng “miss baket?” biglang nagulat si Jen at naibaba ang tingin sa likod ng upuan ni Ralph sabay sabing “aah wala wala, sorry po” at iyon ang kanilang naging unang pagkikita.

To be Continued…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top