BABYSITTING THE MAFIA KID’S CHAPTER 10


ASHARI’S POV
Tamang tago lang ako dito sa likod ng pader habang iniintay na matapos ang gulo at mga putukan ng baril doon sa ibaba.
Phew, buti nalang di pa ako natatamaan ng mga bala. Pangalawang beses na’yon a.
Kakainis naman kasi, sisilipin ko lang naman kung naglanding ba ng safe ang mga pera ko. Malay ko bang mahinang nilalang pala ang ama ni Gali kaya kinailangan pa niya ng tulong ko.
Tsk tsk tsk, paano nalang pala kung wala ako dito diba? Edi tegibumbum na silang lahat. Dapat parangalan ako bilang isang magiting na bayani e. Ang dami kong nasagip na buhay. I-s-suggest ko na pagawan din nila ako ng rebulto doon sa monumento.
Habang nakatago dito sa likod, parang unti-unting na-d-drain ang lakas ko. Parang ngayon bumababa ang adrenaline ko sa katawan kaya pakiramdam ko para na akong nanghihina.
Daig ko pa nalalantang gulay e.
Bumuntong hininga ako yumuko sa mga tuhod ko.
Hoy tao din ako, nakakaramdam ng takot. Sadyang may inspirasyon lang ako kaya ang tapang ko. Syempre yung 500 million ang inspirasyon ko, ano pa nga ba diba? Duh, 500 million ‘yon. Kahit sino magsusugal ng buhay para sa ganoong kalaking halaga.
(A/N: Ashari ikaw lang! Ikaw lang ang baliw na magsusugal ng buhay. Wag mo kami idamay HAHAHA)
Unti-unting humuhupa ang gulo at palitan ng baril ng mga nasa ibaba. Parang nawalan na talaga ako ng lakas na tumayo.
Nakakarinig ako ng mga mahihinang sigawan.
“Sir, anong gagawin sa mga wala ng buhay?”
“Send them back to Silvia. They need to know na mali sila ng kinakalaban.”
“Copy!”
“Sir, itong mga walang malay at at yung mga nakaposas?”
“Bring them to the basement. Isama niyo na’tong isang ‘to.”
Ano ba ‘yung mga pinag-uusapan nila? Nagbalik lang naman ako ng naligaw na bata at kukuha ng pabuya pero bakit naging instant action star naman na ako ng wala sa oras.
“Safe na ba?” tanong ko sa sarili ko.
Wewz, ngayon pa ako nagtanong huh? “E yung mga pera ko, safe ba? Sana!!”
Dahil nanlalambot pa ang mga tuhod ko. At kesyo curious ako kung safe na nga ba…ang mga pera ko, pagapang na sumilip ako sa dito sa third floor. Daig ko pa bulate na gumagapang dito sa sahig e. Dahan dahan akong dumungaw sa may rehas ng veranda.
Unang hinanap ng mata ko si Gali! Nakita ko kaagad siya. Buhat buhat na siya nung ama niya tapos hindi na siya umiiyak. Namumula yung ilong niya at halatang mugto ang mata pero ok na siya…
Ok na si Gali.
Whoo. Mapapa thank you Lord nalang talaga ako! Ang akala ko ako ang huling makakabuhat sa kaniya bago siya mapunta sa kamay ng mga maling tao e..
Hay! Buti nalang…para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Dahil na sure ko ng ok na si Gali, agad kong tiningnan ang mga pera ko. Phewww, mukhang naglanding naman sila ng maayos.
Bukod sa kay Gali at sa pera ko, wala na akong panahon usisiin pa yung mga extra diyan. Basta talo na ang mga man in black. May ibang nakahandusay sa sahig, may iba naman na nakaposas at nakaluhod bantay sarado sila nung mga nakasuot ng sibilyan.
Sa sobrang pag-iisip at pag-aalala ko sa kayamanan ko, hindi manlang sumagi sa utak ko ang tanong na…
“Sino ba sila?”
Or should I say, ano ba sila? Goons? Undercover agent?
Kakatawa, akalain mo ‘yon ngayon nag sisink in sa utak ko ang madaming tanong.
Bakit may mga man in black? Bakit gusto nilang kuhanin si Gali? Bakit may baril sila ha? Registered ba ‘yan o smuggled? Mga sindikato ba sila? Nakoo, dapat pala i-vinideo ko ang mga nangyari. For sure pag in-upload ko yon sa fb, viral yon. Lam mo na, gusto ng mga tao chismis. Edi instant sikat pa ako diba, bet na bet ko yon.
“Mamha.” narinig ko ang boses ni Gali mula sa ibaba. “Where’t Mamha?” tanong niya sa ama niya.
Susginoo. Huwag mo na ako hanapin bata ka! Lumayas na kayo para makapag pulot na ako ng mga kayamanan ko!!!!
“Who, Mama?” takhang tanong naman ng ama niya sa kaniya. Tumango tango si Gali. Hanggang dito sa thirdfloor kitang kita ko pag-alog ng pisngi niya! Sarap lamukusin bwisit. “Son, your Mama’s in heaven. Wala siya dito.”
“Noo! Mamha is here.” ipinilit pa nga ng chanak. Iginala niya ang tingin dito sa third floor. Alam niya na nandito ako. Kaagad akong nagtago. Yumuko ako kahit alam ko naman na kikita pa din ako sa likod ng rehas. Leche naman…ang gusto ko lang naman lumayas na kayo! Iwan niyo na ako mag isa ditooooo para masolo ko na pera ko!!!
“MAMHAAAAA! THERE YOU ART MAMA! PAPA, MAMA IT THERE ABOVE.” nakuyom ko ang kamao ko ang ihinampas ito ng tatlong beses sa sahig. Bwisit kang chanak ka!!! Hindi mo ako Mama kaya patahimikin mo na buhay kooo!
At dahil alam ko na nakita na ako, nakasibangot ang mukha akong tumayo. Pinagpag ko ang pantalon ko bago ako humarap doon sa ibaba.
Nakatingin sila lahat sa akin. Miski yung mga nakaposas –kulang nalang patayin nila ako sa tingin nila ha– syempre maliban nalang sa mga walang malay noh. Tusukin ko mga mata ng mga nakaposas na’yan e.
“Mamhaaaa!” tuwang tuwa na tawag sa akin nung Chanak. Naka taas na ang dalawang braso niya at nag aaya ng magpabuhat sa akin e kitang buhat buhat nga siya ng ama niya. Aba respeto naman sa ama mo bata. Baka isipin niya na mas love mo ako kaysa sa kaniya.
Tiningnan ko sila isa isa bago ako nag flip ng buhok. Umirap ako at mabilis na bumaba sa hagdan.
Naabutan ko pa yung walang malay pa din na man in black na hinampas ko ng case kanina.
Luh, bahala ka diyan. Sweet dreams!
Nilampasan ko siya at nagtuloy na.
Pagkababa ko, kaagad kong nasalubong ang mga tingin nila sa akin.
Hindi ko mabasa mga tingin nila, basta ang alam ko mga armado silang lahat. Bumagal tuloy ang paglakad ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanila. Malay ko ba kung bigla nila akong barilin diba? Hindi ko naman sila kilala. Hindi ko nga alam kung ano sila e.
Naglakad lang ako mg hindi pinuputol ang tingin sa kanila. Dire diretsyo ako papunta sa suitcase na nakalapag sa sahig. Nakafocus lang ang mata ko sa kanila.
Lumuhod ako. Binuksan ko ang suitcase– ang hirap buksan dahil hindi ako nakatingin dito. Sa mga armadong lalaki ako nakatingin.
Pagkabukas ko ng suitcase, isa-isa kong dinampot ang mga pera na malapit sa akin. Take note, hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa kanila at ganoon din sila sa akin. Walang kumukurap. Walang gustong magsalita. Tila nagpapakiramdaman kaming lahat.
Dahan dahan kong inilagay sa suitcase ang pera na nakuha ko. Ang sakit na ng mata ko!!! Hindi na ako nakatiis, leche wala talaga gustong mag alis ng tingin!
“Wait lang ha! Wait lang, kukuhanin ko lang mga pera ko. Mamaya ako makikipag eye to eye sa inyo. Mabilis lang ‘to!”
Akmang kikilos pa sana ako ng bigla kong marinig ang sabay sabay na pagkasa nila ng mga baril at ang sabay sabay din na pagtutok ng mga ito sa akin.
“Raise your hands and don’t move!” madiin na utos ng ama ni Gali ng may nanlilisik na mata.
Walanjo!
“Papa what are you doing? Put guns down!! Put guns down! Don’t hurt Mamha!” pakiusap sa kanila ni Gali pero tila mga bingi sila at hindi pinakinggan ang bata.
Wala sa sarili na nagtaas naman ako ng kamay. Teka nga ha, bakit parang may kasalanan ako?
Wow! Ang lakas naman ng loob ng mga ‘to na tutukan ako ng baril e ako nga tong nagligtas sa buhay nila!
“Get her!” asik pa nung ama ni Gali.
May lumapit sa akin na dalawang lalaki. Nakatutok ang baril nila. Tumayo yung isa sa harapan ko at itinapat ang baril sa noo ko. Ang laking tao hanep, dahil nakaluhod ako, halos lamunin niya ang buong lugar. Yung isa naman, umikot sa likod ko. Kinuha niya ang braso ko atsaka ipinosas.
Napa-irap ako!
Nagagalit ako!
At kapag matinding matindi na galit ko, tahimik lang ako at hahayaan silang gawin kung ano gusto nila.
Pero lintik lang walang ganti!
Galit na galit ako sa ginagawa nila sa akin. May baril na nakatutok sa ulo ko. Pinosasan ako at higit sa lahat, HINDI MUNA NILA AKO PINAGPULOT NG PERA!!!!!
Oras na makalagan ako sa posas sinisiguro kong makikita nila impyerno! Lalo na ‘yang lalaking ‘yan! Yan! Yung magaling na hambog na’yan! ‘Yang ama ni Gali!
Papatayin ko siya kahit anong mangyari! ARGGHHHH!!!!
—–
ASHARI JENESSE S. FERELL’S POV
Nakasibangot lang ako at...


diretsyong matalim ang tingin sa harapan ko. Kung kutsilyo lang ‘tong mata ko, matagal ng nakasaksak!
Bugnot na bugnot na ako sa mga nangyayari at sa mga nakikita ng dalawang mata ko.
Nasa isang enclosed room ako, glass wall ang nasa harapan kaya kitang kita ang isang maganda at malaking sala. Ewan ko kung anong lugar to, wala akong kinemeng pake ang kaylangan ko, PAKAWALAN AKO SA POSAS AT PAUWIIN NA AKO!!!!
Nakaupo ako sa isang mahabang table. Kasama ko sa table ‘yung lima na nakaposas na Man in Black. Nakahilera kami, nakagitna ako sa kanila at nakaharap doon sa glass wall.
Madilim dito, tanging isang ilaw lang na kulay orange — yung masakit sa mata, ‘yung ginagamit sa mga inspection room. ‘Yung pang pisa ng kiti! Hanep na’yan, ano ba feeling nila sa amin ha? Kakapisang kiti na hindi nilimliman ng inahing manok kaya pinailawan ng ganito? Ang sakit sa mata bwisit!
Binabantayan din kami ng dalawang lalaki na may mahabang baril. ‘Yung isa nakabantay sa pintuan, ‘yung isa naman nag w-wonder around. Pa-ikot ikot!
Doon sa may magandang sala, may limang armado din na lalaki na prenteng prenteng naka-upo. Nagtatawanan pa sila habang pa-inom inom ng wine!
“Hmmmmpf hmpfffffff ajkdnqjkskjfbejkzkkqudjxjieowoakn!” LECHUGAS NAMAN! Naka tape ang bibig ko hindi ako makapag wala!
Lakas lakas niyong magtawanan diyan ha! Anong karapatan niyong ikulong at iposas ako dito? Mga walang utang na loob! Hindi niyo manlang ba na-appreciate yung pagsasakripisyo ko ng kayamanan ko para maligtas kayo?
Mga bwisit! Sabi na e, pagsisisihan ko talaga ‘yung ginawa kong ‘yon! Dapat tumakbo nalang ako pauwi dala dala yung pera kaysa tulungan sila!
Papangettttt niyo!
Inis na sumipa nalang ako at ibinagsak ang mukha ko sa table.
Nagkatinginan kami nung isang lalaking nakaposas din. Pinanlakihan ko siya ng mata! O anong tinitingin tingin mo diyan ha? For sure isa ka sa mga nagpaputok ng bala sa akin kanina noh!
Napansin ko lang ha…
Bakit siya hindi nakatape ang bibig? Nag angat ako ng ulo at tumingin sa apat na iba pa.
Hoy, bakit ako lang ang nakatape ang bibig? NAPAKA DAYA NAMAN!!!!
Sasakalin ko ang may pakana ng lahat ng ‘to! Wala akong pake kung sindikato man siya o undecover agent…basta huwag lang siyang mafia ha, kasi takot ako sa mga ganoong tao. Alam niyo na, base sa mga napapanood ko sa kdrama, mga brutal sila, walang sinasanto, walang kinikilingan.
Ayokong makaharap ng kahit isang mafia sa tanang buhay ko. Baka maihi nalang ako sa takot kapag nangyari ‘yon.
(A/N: Mafia lahat ng nakapaligid sa’yo Ashari HAHAHAHA. As in lahat sila WAHAHAHA)
Kasalukuyan akong nagmumuni muni patungkol sa mga mafia ng bumukas ang pinto doon sa salas.
Kitang kita sa glass wall mula dito sa enclosed room kung sino ‘yung pumasok.
‘Yung ama ni Gali. May kasama siyang isang medyo may katandaan ng lalaki, siguro mga kaedad siya ni tatay. 50+ or something. Naka painter’s hat siya at long coat. May brief case siyang dala. Pansin na pansin ang bigote niya at sobrang tangos na ilong. Wow ha, daig pa niya ang hinukay sa panahon ng mga espanyol. Vintage na vintage ang dating.
Anong taon na ser, bat ganyan pa din ayos mo?
Psh!
Masamang masama na tingin ang ipinukol ko sa kakapasok lang na lalaki. Ngayon ako humiling na sana may laser beam ang mata ko para sapul sa utak ‘yang Ama ni Gali. Nakipag usap siya saglit sa limang armadong lalaki na agad na tumayo sa pagkakaupo nung dumating siya.
Wow ha, so kagalang galang na siya non?
May sinabi siya doon sa lima, hindi naririnig ang usapan nila dahil mukhang sound proof ang salas. Pagkatapos niyang makipag usap, mayabang na naglakad siya papunta sa harap ng glass wall.
Ngayon nakaharap siya sa amin…sa akin.
Nakatitig lang ako sa kaniya.
Ilang taon na kaya siya? Sigurado ako na hindi kami magka edad. Mas matanda siguro siya sa akin ng tatlo o apat na taon. He’s tall and lean pero prominent at halata mo ang built ng muscle sa katawan niya. He has this overflowing authoritative, commanding and meticulous aura. Halatang halata sa tindig niya na hindi lang siya basta kung sinong tao. He wears power and confidence. The way he carries his style…only wearing white long sleeve polo na naka unbutton ang tatlong unang butones na halos ipakita na ang kabuuan ng dibdib niya. Free flowing at hindi ito naka tuck in. He partnered it with black jeans and a top sider. That’s it. ‘Yun lang ang suot niya. Hindi na niya kaylangang mag effort para ipakita na dapat siyang respetuhin ng lahat ng nandito.
Itinuon ko ang tingin ko sa mukha niya. He has this black jet hair. It’s messy and wet, mukhang kakaligo lang niya. Sana ol noh, ako ito tamang amoy na hindi na maipaliwanag. Ligong ligo na ako leche. Pointed nose, defined jawline, perfect eyebrow na nag highlight lalo sa ganda ng mata niya. His eyes are piercing eagle eyed. Oo na Ashari, masyado mo na siyang pinuri. E ano naman, nagsabi lang naman ako ng totoo. Gwapo siya pero wala akong pake kahit siya pa pinaka gwapong tao sa mundo. Kahit siya pa tanghaling Mr. Universe, wala akong keme. Siya pa din ang dahilan kung bakit ako nandito! Kung hindi niya ako papakawalan agad agad, ako babasag sa mukha niya! Papapangitin ko siya hanggang sa hindi na siya makilala ng kahit sino!
“Hmmmf hmffff akskkeowldjhwolzb”
PAKAWALAN NIYO NA AKOOO! BWISIT LECHE!
May pinindot si Boy Pogi sa gilid — mahaba masyado yung ‘Ama ni Gali’, kaya Boy Pogi nalang para maikli. Pagkapindot niya, biglang narinig na ang usapan ng mga tao na nasa kabilang glass wall.
Nawala na ‘yung sound proof.
Isa isang naglapitan sa glass wall ang mga armadong lalaki pati yung naka painter’s hat na kasama ni Boy Pogi na pumasok kanina.
Nag cross arms si Boy Pogi bago niya tinanguan ‘yung nagw-wonder around na lalaking may mahabang baril.
Nanlaki ang mata ko ng tumingin ito sa akin at nagsimulang maglakad palapit.
Bwisit naman! Ano nanamang gagawin nito sa akin HA????
Nagwala na agad ako. Bakit kasi nakatali din yung katawan ko sa silya e! Hoy pagmamaltrato na’to ha, pang aalipusta na! Pwedeng pwede ko silang kasuhan mga bwisit sila!
Nasa gilid ko na ‘yung armadong lalaki! “Hmmffff hmffff!” lumayo kang bwisit kaaaa!
Nakita kong papalapit na ang malalaki nitong kamay sa mukha ko kaya agad akong umiling iling para hindi niya ito makuha! Bwisit lang kasi dinakma niya ‘yung ulo ko tapos tinanggal ng mabilis ‘yung tape.
“ARAAAAYYYYYYYY!” palahaw kong sigaw! Sinamaan ko kaagad ng tingin yung lalaki. “WALANG HIYA KA! BAKIT BINILISAN MO PAGTANGGAL HA? NABUNOT LAHAT NG BABY HAIR KO SA BIBIG BWISIT! IPAPAKULONG KITA SINASABI KO SA’YO!”
Poker face lang na tumingin sa akin yung armadong lalaki. Hindi niya ako pinansin, nag wonder around na ulit siya dito sa loob.
Sinundan ko ng matatalim na tingin ang bawat galaw niya. Hindi ko kakalimutan mukha ng lahat ng taong nandito. IPAPA-NBI ko kayo! Backer ko si Mayor, scholar ako non! Hmpf!
Nawala lang ang masamang tingin ko don kay Wonder boy ng bigla kong maalala si Gali.
“NASAAN SI GALI?” sigaw ko doon kay Boy Pogi.
Nasaan ‘yung bata? Ok na ba siya? Kumain na ba? Hindi ko alam pero may parte sa akin na nag aalala para sa chanak na’yon.
Nakita ko ang pagbuka ng bibig ni Boy Pogi. Magsasalita na sana siya pero biglang bumukas muli ang kwarto sa salas doon sa kabila ng glass wall.
May babaeng pumasok na naka sexy suit. May dala itong folder. Hulaan ko, secretary yan! Ganon yung aura niya e.
“Here’s the paper you needed Sir Easton.”
Ahhhhhhh, Weston pala pangalan. Okey, ekis na tayo sa Boy Pogi. Northon na tawag natin sa kaniya.
Hindi manlang nilingon ni Southton yung babae, inilahad lang nito ang kamay niya at kusa namang ibinigay ng babae yung folder.
Sandaling ini-scan ni Wellington ‘yung papel bago dahan dahang ibinalik ang tingin sa akin.
“Ashari Jenesse Silvia Ferell.” banggit niya sa pangalan ko. Hindi ko alam pero nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Legit, hindi ko alam kung sa way ba niya ng pagdedeliver sa pangalan ko ako nangilabot o sa fact na alam niya ang buong pangalan ko. Pati middle name ko alam niya. Walanjo, paano nila nakuha yung info ko ng ganoong kabilis HA?
Matalim ang mata na pinukol niya ang tingin sa akin pagkabasa niya sa pangalan ko. O bakit, ano problema ha?
“So you’re a Silvia huh?” bigla siyang ngumisi na may halong galit.
E ano naman kung Silvia aplido ng nanay ko? Bat galit na galit siya ha? Duh!
Writen’s by VictoriaGe






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top