SELLina CHAPTER 12


SELLina🌺
🌺CHAPTER 12🌺
“Good morning maam,!”bati ni manang Eding sa dalagang kakapasok lamang ng mansyon ng umagang iyon..
Hindi maipinta ang mukha ng babae..
Mukhang may problema o kung anu paman..
“Manang?si Demon?”walang kangite ngite nitong tanung
“Wala po maam,maaga po syang umalis!”nayuko ang matanda
“Anu??6:00am palang manang ah,tapos umalis na sya?saan naman sya pumunta at kay aga aga naman yata?”
“Hindi ko po kasi alam maam,wala pong sinabi !”
“Uuwe naman siguro iyon agad!?hihintayin ko nalang.hindi rin kasi ito sumasagot sa text o tawag man.anu bang problema ng amo mo?”tumalikod ito at padabog na umupo sa sofa,parang sya ang may ari ng bahay eh.
“Ipagtimpla mo nga ako ng juice manang,nauuhaw ako.!”
“Yes po maam ngayon din po!”tumalikod ang matanda at naglakad patungo sa kusina,hindi nito maiwasang magalit dahil ang babaeng iyon ang dahilan kung bakit sinaktan ng amo nya si sellina na wala namang ginagawang masama..
Tandang tanda pa nito kung paano sampalin ng amo nya ang kawawang si dalaga
Kaya tinulongan nya itong makatakas dahil awang awa sya rito lalong lalo na ng makita ni manang eding na umiiyak ito habang walang saplot at tanging kumot lamang ang tapis nito..sa katawan
FLASHBACK 2MONTHS AGO..
patungo si manang eding sa kwarto ni sellina ng umagang iyon.
Tanghali na kasi at ni hindi manlang ito bumaba upang mg agahan..
Nag aalala sya kaya nagdala nalang ito ng almusal .
.at ihahatid nanga nya ito ngayon..
Maaga pang umalis ang amo nya kanina kaya di nito alam na hindi pa bumababa ang babae..
Pagtapat nya sa pintuan ng kwarto ni Sellina ,ibinaba muna nito ang dala dalang tray at kumatok ng tatlong beses..
Ngunit magdadalawang minuto na pero ni hindi ito bumubukas..
Muli syang kumatok..
Ngunit hindi parin bumubukas ang pinto..
Nag aalala na ang matanda kaya iniwan nya ang tray sa lapag ang tumakbo pababa ng hagdan..
Nakita nya si Meldred na kasama nya ring kasambahay..
“Mel!ang mga susi,kunin mo sa kusina at dalhin dito sakin,bilisan mo!”sigaw nito
“Bakit manang?anung nangyari?may problema ba?”
“Wag kanang magtanong bilisan mona dali!!!!”
“Oo sige sandali lang!”patakbong tumungo ang babae sa kusina..
Kaya patakbo rin itong bumalik sa harap ng pinto ni Sellina..
Nag aalala na talaga sya..
“Sana maayos lang sya!”bulong nito habang naghihintay na dumating ang inutusan nito..
“Ito na manang!”patakbong lumapit si Meldred at inabot ang mga susi..madali lang makita kong saan ang susi ng kwarto nito dahil lahat ng susing nakasabit doon ay may mga pangalan..
“Anu bang…
“Sige na bumalik kana sa trabaho mo,wag kanang makichismis dyan!”turan nya sa babaeng naghihintay na bumukas ang pinto..
“Pero ma…
“Umalis kana,!”
“Sige nanga ang sungit mo naman manang!”ng makita ni manang na tumalikod na ang babae binuksan nya ang pinto.kinuha ang tray sa lapag at pumasok ng silid…
“Sellina iha?”ngunit nagulat ito sa sitwasyon ng dalaga..
Nakaupo ito sa kama habang nakasandal sa headboard niyon at yakap yakap ang dalawang tuhod..nakatapis ito ng kumot ..
Alam ng matanda na wala itong suot dahil sa nagkalat na mga kasuotan sa lapag..maging ang buhok nito ay walang suklay..
Humihikbi ang dalaga,
kaya lumapit si manang.
Pagkatapos.inilapag ang tray sa kama
“Sellina iha?anung nangyari??”halata sa mukha ng matanda ang pag aalala ..
“Manang!!!”saby hagolgol nito..kaya niyakap nya ang babae habang hinihimas ang likoran..
“Nerape nya ako manang!pinagsamantalahan nya ako!”at muling umiyak..
Naawa sya sa kalagayan nito. dahil makikita dito ang namamagang mga mata..
“Pssst taha na,taha na anak!”wala itong magawa upang matulongan ang dalaga dahil natatakot din ito sa amo..
“Momy!!!”bulong ni sellina
“Momy kunin mona ako!”at muling tumangis
“Sellina?ayos kalang ba?anung masakit sayo ha?gusto mo bang pumunta sa doctor?”
“Ayoko manang!gusto kona pong umalis dito.manang tulongan mo akong makataks hindi kona...


kaya pang magtagal sa lugar na ito…halos mag makaawa ang dalaga sa matanda..
Nagsusumamo ang mga mata at mahahalata ang takot dito..
“Pero ….
“Manang maawa kana sakin!maawa ka manang tulongan mo ako!”sabay niyon ang pagtulo ng kanyang masaganang mga luha..buong magdamag na syang umiyak pero hindi parin nauubos ang mga luha..nito
Hindi rin sya makagalaw ng maayos dahil sa hita nitong sumasakit kapag iginalaw..
“Sige!anak..gagawa ako ng paraan..ayosin mo ang iyong sarili.at mamaya tatakas kana rito sa mansyon..
Iyon lamang ang sinabi ni manang eding at humagolgol muli ang dalaga..
“Salamat po nay!maraming salamat po….”habang yakap yakap ang matanda..
Awang awa si manang eding sa kalagayan ng dalaga..may mga bakas pa ng kamay ang kanyang braso..at makikita din ang malaking bakat ng kamay sa kanyang pisngi..
Kailangan bang umabot sa ganito ang lahat?may namuong galit sa mata ng babae..galit dahil sa mira na mapagpanggap..
Napakasama nya ..kailangan ba talagang magsinungaling na nasaktan at itinulak sya gayong kitang kita nito kung anu ang nangyari?
Tutulongan nya ang dalaga!kahit sa ganitong paraan makabawi sya dahil sa hindi pagsabi ng totoong nangyari kanina sa dalawang babae..
Hindi nya kasi nasabi sa amo ang totoo dahil natatakot syang hindi ito paniwalaan..
END OF FLASHBACK..
“Dapat lang sayong hindi pansinin ni sir!dahil mapagpanggap kang babae .nandadamay kapa ng iba sa kasinungalingan mo!”bulong ni manang habang patungo sa kusina..
“Goodmorning ladies?”bati ng lalaking nakasakay sa magarang sasakyan ng umagang iyon..
Kaya napatigil ang dalawang dalaga sa paghaharutan at tumingin sa mukhang mayabang na lalaki..
“Anung maitutulong namin?”Melodia
“Magtatanong sana ako kung namumukhaan nyo ba ang magandang dalagang ito?”,may kinuha ito sa loob ng kotse at muling dumungaw sa bintana sabay lahad niyong picture…
Inayos ni sellina ang hood at facemask..
Dahil ang nasa larawan ay sya mismo..
“Ito?hindi eeh,matagal na ako sa lugar na ito pero wala akong nakitang ganyang mukha..!”dire diretsong sagot ni Melodia kahit ang totoo gulat na gulat ito sa nakita..
“Ikaw ba miss?”baling nya sa katabi ni mel..
“Ako?…
“Honey!kanina pa kita hinihintay sa park..
Hindi na naituloy ni sellina ang sasabihin dahil may sumingit na boses lalaki at hinawakan pa sya nito sa hips..
“Tara na,para makapag exercise na tayo…sorry boss kailangan kona ang asawa ko..buntis ito kaya kailangan mag exercise…”
“Ahh ganun ba,sige sorry sa abala!”ani ng lalaki ..
“Sige na tara na hon..inakay nya ito at naglakad paalis…napasunod na lamang din si Mel sa dalawa habang nagtataka ang mukha..
Pagkakita nilang umalis na ang kotse..
Saka lamang sya binitawan ni ashton..
“Mukhang may naghahanap sayo miss sellina?”seryusong mukha ang tumabad sa dalawa habang nakatingin sa papalayong sasakyan..
“Salamat doc!”saad ni sellina
“Mabuti nalang alerto ka my doctor ng buhay ko…i mean ng mga tao!”
“Kilala nyo ba kung sino iyon?”seryuso parin ito
“Hindi eh,sino ba iyon?”mel
“Sya ang isa sa tauhan ni alejandro Conwell,wag kayong magtitiwala sa mga iyon dahil mga masasamang tao sila..!”
“By the way!baka gusto nyong magbeakefast kasama ko?”ang kaninang seryusong mukha ay napalitan ng ngite
“Hindi na doc!!kailangan na kasi naming umuwe!”sellina habang hinihila si Melodia
“Mamaya na sell!”
Pero kinurot ito ni sellina kaya
“Ay oo uuwe na pala kami,nextime nalang doc!”ngiteng ngite ang dalaga
“Ashton is okay for me!sige ..asahan ko yan!ingat kayo sa pag uwe..
Tumingin ito kay sellina at ngumite
‘”lalong lalo kana!”kaya nayuko ang dalaga..
“Witwitwit…wiiiiiw!”habang kilig na kilig ang baliw na kaibigan nito
“Ingat karin!”turan ni sellina at sabay hila sa kaibigan..paalis sa lugar na iyon..
Habang naglalakad..pauwe may naalala di Melodia..
“Mamaya na pala kita ipakikilala sa manager ng club!”
“Anu?bakit ang bilis?”
“Sira!ipapakilala palang at kikilatisin hindi pa isasalng sa intablado..
“Pero paano pag may nakakita sakin?”
“Hindi yan ako ang bahala!”
“Saan ba ang club na pinagtatrabahuhan mo?”
“Nasa ortigas..sikat iyon dahil mga mayayamang manginginum ang nagpupunta doon tuwing gabi..sosyalin kasi iyon..!”
“Sige sinabi mo eeh!”❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top