IT WAS ALWAYS YOU Chapter 7:


“So,kung wala kang maalala..ano bang pangalan ang pwede kong itawag sa iyo?hmmm..alam ko na Nerissa,Neri?ok mula ngayon ikaw na si Neri?” saad ng binata
“What?it’s like weird na binibinyagan mo ako na walang pari..” napaisip ang dalaga ano kaya kung magpanggap na lang siya at iba ang kanyang pangalan at katauhan.
“Hmm..ok I’m Neri..at ano pong maipaglilingkod ko sa inyo Mister?…” dagdag niya
“Nagpunta dito ang kaibigan kong Doctor and he said may fracture ang likod mo kaya huwag ka masyadong malikot at magpahinga ka muna..Tomorrow, I’ll go to city para maireport sa mga pulis na nandito ka at para naman malaman ng Family mo na nandito ka..” sabi sa kanya ni Galvin
“No,no..please huwag mong sabihin sa mga police please..natatakot ako..please..”
“So,kriminal ka nga?ba’t parang takot ka sa mga pulis?”
“I feel not safe them..sige na oh,dito na muna ako..”
Parang bata na nagmamakaawa.
“Okay,sige..but please behave...


here..Nanay Rosing and Manong Carding will take care of you..minsan wala ako rito kaya hindi kita palaging matitingnan..”
“Thank you..thank you sa pagtulong mo sa akin..Mister?…”
“Galvin.”
“Ok,thank you Galvin.”
“Walang anuman ‘Neri’..” sinadya nitong bigkasin ang bago niyang pangalan
*****
”Nanay Rosing,ako na po..” sabi ni Neri nang magdidilig ito ng mga halaman
“Naku anak,Neri ako na..baka mapaano ka pa..magpahinga ka na lang muna..” sabi sa kanya ni Nay Rosing
“Sige na Nay,wala naman akong ginagawa..para naman kahit paano maaliw ako dito sa mga gawain..”
“Sige na nga,mapilit ka talaga..” at ibinigay ni Nay Rosing ang hose para pandilig sa mga halaman
“Araay!oh my!!!..” nadulas siya at napabagsak sa semento
“Neri!Neri….” nilapitan siya ni Nay Rosing
Maya-maya’y dumating naman si Galvin.
“Anong nangyari,Nay Rosing?”
”Nadulas at napabagsak si Neri ,Sir Galvin..iniwan ko lang saglit pero nagulat na lang ako nang napasigaw siya..” paliwanag ni Nay Rosing






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top