YONG CRUSH KO NOON,ASAWA KO NA NGAYON😊


Birthday ng ate ko noon,hindi ko po alam na pupunta ang crush ko ..nalaman ko na magkaibigan pala sila ng ate ko.so ayon na nga!nag start na ang party at nag inuman sila.ako tamang gawa lang ng homework ko dahil nag aaral pa ako noon ng 3rd year highschool.tahimik lang po siya at patingin tingin lang po saakin…
Lumapit saakin ang ate ko.tinanong nya ako kung pwede ba daw ako makihalobilo sa mga mga kaibigan nya para daw makilala ko din sila,since birthday naman po ng ate ko iniwan ko po muna ang ginagawa ko at nakipag kwentuhan po ako sa mga bisita ng ate ko.habang lumalalim na ang gabi napapasarap ang kwentuhan namin at masaya kaming nag iinoman.ayon na nga lumapit saakin ang crush ko 😍😍wala na siyang paligoy ligoy hindi nya na pinalampas ang pagkakataon niligawan nya na nga ako❤ako nman midyo nagpapakipot sabi ko pag isipan ko pa at malalaman nya ang sagot kinabukasan.
Marunong naman siya mag hintay.ayon na nga madaling araw na!kailangan na nilang umuwi .midyo lasing na sila pero nakauwi pa naman ng maayos at ligtas.umuwing nakangiti ang crush ko pero wala pa akong sagot pakiramdam ko alam nya na sasagutin ko siya 😅kami naman ng kapatid ko nagligpit na din ng mga pinagkainan at pagkatapos natulog na din kami.
Ayon gabi na nanaman..pumunta na naman sila ,lumapit sakin ang crush ko tinatanong niya kung anu sagot ko🤣kinakabahan ako sa mga oras na yon pero gusto ko na din aminin sa kanya na oo na😍masaya siya na sinagot ko siya at magboyfriend na kami.pero kinalaunan nalungkot siya dahil kailangan niyang bumalik sa maynila para magtrabaho sa factory😓,syempre nalungkot ako pero wala akong mgagawa para pigilan siya😭kinaumagahan umalis na siya sumakay na siya sa bus papuntang maynila.cellphone ang ang communication namin,pero ramdam ko naman na mahal niya ako dahil araw araw siya tumatawag saakin.tumagal kami umabot kami ng 3years🥰noong makagraduate ako ng high school pumunta na din ako sa maynila para magtrabaho dahil sa hirap ng buhay at gusto ko matulongan ang pamilya ko at maiahon sila sa kahirapan hindi na ako nag kolihiyo para magtrabaho nalang.
Noong nasa maynila na ako nagkita kami ng boyfriend ko at nag live in na kami matagal kami nag live in,nangupahan lang kami kaya nahirapan kami sa mga gastusin at nagpapadala pa ako sa pamilya ko.noong nawalan ng trabaho nag boyfriend ko nagpasya kaming umuwi dito sa...


probensiya para asikasuhin ang kasal sa tulong ng pamilya ng boyfriend ko nakasal kami sa lalong madaling panahon.ayon na nga!masayang natapos ang kasal at tumira kami sa pamilya ng asawa ko noong una masaya kami noong nagbuntis na ako sa 1st baby ko parang nagiging misirable ang buhay ko at nagbabago ang ugali ng asawa ko😭madalas na kaming mag away at nahihirapan ako dahil nakikitira lang kami sa byanan ko dahil wala kaming sariling bahay.
Noong malaki na ang anak ko nagdesisyon akong magtrabaho sa maynila nakapasok naman ako bilang factory worker parihas kami ng asawa ko ng trabaho,hindi ko maiwasang malungkot dahil napakahirap mawalay sa anak
Noong matapos na ang kontrata ko nagdesisyon na ako na umuwi nalang dto sa probensiya at ako nalang ang mag aalaga sa anak ko dahil iniwan ko lang sa mother ko.after 5 years nag buntis ulit ako boy ulit at don na kami tumira sa pamilya ko at sila ang katuwang ko sa lahat ng bagay dahil nasa maynila ang asawa ko.hindi na ako nagtrabaho pa ako nalang ang nag alaga sa mga anak ko hanggang mag aral sila.grade 7 na ngayon ang panganay ko at grade 1 na din ang pagalawa kong anak..nagpunta kami sa maynila noong 2019 para doon mag aral ang mga anak ko nangupahan lang kami doon dahil wala kaming sariling bahay doon sa maynila..noong nagsimula yong pandemya humina din yong kita ng asawa ko.buntis ako noon ng pangatlo kong anak pandemya noon kaya lagi lang kami sa loob ng bahay noong september 2020 nanganak na ako thank you lord at healthy si baby boy po ulit…
Dahil sa hirap ng buhay at dahil sa pandemya kapos kami noon at wala ng pang upa.july 2021 nawalan na ng trabaho ang asawa ko dahil nagsara na ang agency nila😭😭😭😭problemado kami ng asawa ko kung paano na kami.may mga anak kami may baby pa iniisip namin kung paano na kmi sa pang araw araw..sa tulong ng kapatid ng asawa ko na nasa ibang bansa nakauwi kami dto sa probensya at dala namin lahat ng gamit namin dito kami nakatira sa bayanan ko farmer ang hanapbuhay nila dito.at kahit papaano kumikita naman ang asawa ko pang bili ng pangangailangan ng nga anak namin.lagi kong pinagdadasal na magkaroon na kami ng sariling bahay at magkaroon na ng stable job ag asawa ko🙏maraming salamat po sa pagbasa ng aking kwento🥰godbless po❤

09516646585
09293044214






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. San yong part 2 po

Leave a Reply


top