The Broken Angel : Seventeen


The Broken Angel🌻
Seventeen:
“You’re so beautiful, Hija. I couldn’t believe that my oldest son were already married without our bleesing. Nakakatampo.” Kilala ko na ang pamilya ni Dimetri even his brother who’s name is Danilo Xiello Ventura, he’s very handsome when he gets younger I mean when he reached eighten or so.
I am five years older than him, ang laki ng agwat ng kapatid niya, fifteen years bago na sundan. He’s family is very elegant and beautiful.
“Mom, magpapakasal naman po kami ulit dito.” Napakagat ako sa aking labi dahil sa hiya, ang laki ng gastos.
“Dapat lang. I want a grand wedding for my daughter.” It’s nice to hear na mayroon na akong pamilya. Imagine, ako ang batang pinagkaitan ng pamilya ng pagmamahal ngunit ngayon ang lahat ng ipinagkait noon ay ibinalik sa akin ng doble.
I am blessed enough that God gave me a laws like them, they treat me like thier daughter.
“Of course, Mama. Iiwan ko muna kayo, I will let my wife sleep first.” Saad niya.
Si Tito ay tuluyan na nga’ng nakulong, life sentence at kapag life sentence wala na talagang pag-asa na makalabas siya. Nasasaktan ako para sa kanya, hindi ko gustong makita siyang nakakulong ngunit hindi ko kasi hawak ang batas, kailangan niyang serbisyohan ang kanyang pagkakasala. Binisita ko siya ng isang beses.
“Tito, I’m sorry.” Sabi ng doctor ay may trauma daw siya, na trauma siya dahil lagi siyang iniiwan that leads him to be paranoid. Being paranoid means making some scene that will trigger him. Natatakot si Tito na maiwan kaya niya ako ikinulong, hindi Tama. Alam ko.
Pero kasalanan ba niyang magkaroon ng ganyang sakit? Ginusto ba niya? May sakit siya sa utak kaya naman kahit nakakulong siya ay may nagmomonitor pa rin sa kalusugan niya, Dimetri did that.
Dimetri and I were very opposite when it comes to principle and perspective in life. Siguro dahil isa siyang businessman at alam na niya kung ano ang gagawin sa mga taong nagkasala sa kanya.
Sabi niya dati sa akin, normal lang sa isang tao ang magkamali dahil hindi tayo perpekto pero ang paulit-ulit na magkamali yun ang hindi normal. Walang gustong magkamali ngunit hindi ibigsabihin nun ay uulitin mo na pagkakamali. Sa isang pagkakamali malaki ang magbabago, marami ang maaring magdusa.
“Why are you here? Para ipamukha sa akin ang mga nagawa ko sa iyo? I just wanted you to stay yet you find ways to escape. I thought you’re the only one who will love me.” Tumulo ang aking luha at napahikbi.
“Lahat sila iniwan ako pati ang ina mo. Si Linda? Anong mayroon sa lalaking iyon at pinagpalit niya ako? Ginawa ko ang lahat, binago ko ang aking sarili para sa kanya, nagpakabait ako pero sa huli iniwan pa rin ako. Anong kasalanan ko para danasin ko ito? Ang gusto ko lang naman ay may mananatili sa akin.” Ang sakit marinig ang katagang ito sa bibig mismo ni Tito, wala siyang kasalanan nangyari lang talaga na iyon ang dapat na mangyari.
“Tito..” wala akong masabi kundi ang sambitin ang kanyang pangalan.
“At ang taong inaalagan ko ay siya pala ang magdadala sa...


akin sa kulungan. Ginawa mo ba ito para gumanti? Ikinulong kita para hindi ka umalis ngunit ano ito Angela? Gumanti ka ba?” Hindi ako perpekto, maraming taong nananakit sa akin, inaabuso ang ka inosentehan ko ngunit kahit kailan hindi ako gumanti. Kahit gaano kasakit pinili kong intindihin sila, pinili kong magpatawad dahil ganun ang pagmamahal.
Sa pag-ibig walang puwang ang gumanti kaya hindi ko ito ginawa para maghiganti. Ginawa ko lang ang tama kahit pa nasasaktan ako.
“Tito alam kung hindi madali ang mag-alaga ng Bata, maraming mga magulang ang gustong sumuko nito dahil akala nila hindi nila Kaya ngunit wala silang magagawa kundi ang alagaan ang anak nila kahit na sabihin pa nating sakit sila sa ulo. Alam mo ba kung bakit? Dahil kahit gusto na nilang sumuko ay mas pinili nilang magpatuloy dahil sa pagmamahal na mayroon sila. Ang magmamahal ng isang anak ay parang isang apoy, kailangan mo munang mapaso bago ka magtagumpay ngunit Tito.” Ang sakit para akong mawawalan ng boses, ito ang unang pag-uusap namin ni Tito na matiwasay, na hindi siya galit.
“Wala akong nakitang magulang na…inaabuso ang kanilang anak…wala akong nakitang magulang na itinuring na parang hayop ang kanilang anak…kaya kung pag-aalaga ang ginawa niyo sa akin noon ay sadyang kay hirap intindihin. Ano yun? Ako ang tagasalo ng galit mo?” Kung may mga magulang man sa mundong ito na tinatrato na parang hayop ang kanilang anak ay hindi ko maintindahan. Maaring iba-ibang paraan kung paano mag-deseplina ang mga magulang ngunit nasisigurado kung hindi umabot sa puntong para mo na rin siyang pinatay.
Magulang ang siyang gumagabay at hindi ang sumisira.
Masakit ngunit iyon talaga ang huling beses na naka-usap ko si Tito bago kami lumipad dito sa Spain. Masaya na idaos ang kasal, actually bilang lang sa kamay ang pumunta.
It’s Ronnie and his girlfriend, yes! May girlfriend na po siya at ang iba ay mga kabussines partner na ni Dimetri. Kung tatanungin niyo ako kung gaano ako kapagod? Subra-subra po, pakiramdam ko kolang ang isang araw na pahinga.
“This is my room.” Hindi tulad noon na hiwalay kami ng kwarto ngayon ay magtatabi na kaming matutulog at gusto niya raw ang unang gabi namin ay sa kwarto niya gaganapin.
Kinakabahan ako!
“It’s beautiful.” Papuri ko, iba talaga ang bahay ng mayayaman. Kwarto lang pero may banyo, may maliit refrigerator, may veranda at may library pa. Ang laki ng kwarto niya.
Bakit ang unfair? Sa amin noon kabinet lang ang mayroon.
“I’ll get a shower first.” Saad ko, he nod at me.
“May kukunin lang ako sa baba, babalik din ako.” Aniya.
Ng umalis siya ay pumasok na rin ako sa loob ng banyo at nagsimulang maglinis ng katawan. Naalala ko si Ronnie ng minsay nag-usap kami.
“Sa unang gabi niyo dapat isubo mo agad para hindi ka niya titigilan.” Napailing na Lang ako kapag naalala ko siya.
(Hello everyone! Ang chapter eighten po ay nasa comments section. Paki-usap po reply box policy po tayo, sa Ibaba ng comments ko may mababasa kayong reply yun po ang pindutin niyo. Huwag basahin kong bata ka pa o inosente ka. This chapter is all for you guys. thank you)






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top