FIXED THE BROKEN SOUL CHAPTER 1


FIXED THE BROKEN SOUL
CHAPTER 1
LEXELLA POV
MATAPOS mag agahan ay tinungo kona ang building kung saan ako nagtatrabaho . Nagpark muna ako bago tuluyang pumasok sa mataas na gusali nasa harap ko ngayon. Ngumiti ako sa mga ilang empleyadong nakakasalubong ko. Halos lahat kasi sila dito ay ka close ko. Pumasok ako at pinindot ang 10th floor kung nasaan ang office ko. Naabutan kopa ang secretary ni Mr. Galvez ba si Albert.
” Hi! Good morning “. Nakangiti itong bumati sakin. Ngumiti ako pabalik.
” Good morning din, wala paba si Mr. Galvez may ipapasa kasi akong document about latest financial report “. Ani ko
” Wala pa pero maya maya lang nandito na si Boss,”. Tumango nalang ako at nagpaalam para pumunta sa office at simulan ang naghihintay saking trabaho.
Marami rami ang ginawa kong trabaho dahil naka leave ang isa sa mga nasa financial department, manganganak na kasi ito ngayong buwan kaya kailangan na munang magleave at isa pa masyadong malaki ang kompanya at talaga namang malakas kaya maraming pumapasok na income .
Humikab ako at sumandal sa likod ng swilvechair ko at inuunat ang dalawang kamay ganun din ang mga binti kong medyo ngalay na kakaupo ay ang pang upo kong namamanhid narin.
Muling sumagi sa isip ko ang lalaki kagabi na iniuwi ko sa bahay na hindi ko man lang kilala kahit dulo ng pangalan. Ngumuso ako ng maalalang ni hindi man lang ako nito pinansin at nilampasan lang na para bang wala akong ginawang mabuti sa kanya. Hindi ba uso ang salitang thank you sa lalaking yun.
Naalala ko ang paglalasing nito at alam ko ang dahilan. Heartbroken. Bakit naman kaya iniwan? Mukha namang perpekto.
Inilipat ko nalang ang atensyon ko sa ibang report na hindi ko pa tapos. Bakit koba iniisip pa ang lalaking yun? Hindi ko naman sya kilala.
Tiningnan ko ang pambisig kong relo. Hindi ko namalayan na ala una na at hindi pa ako kumakain ng tanghalian kaya naman nagwewelga na ang tyan ko kanina pa.
Lumabas muna ako patungo sa cafeteria ng kompanya para kumain , matapos umorder ay umupo ako sa isang gilid at kumain ng tahimik.
Alam kong medyo madilim na kahit pa hindi ko tingnan ang labas dahil mag aala sais na. Hindi pa ako umuuwi dahil may isa pa akong tinatapos at ayaw kong matambakan kaya talaga namang ginagawa kona.
Iilan nalang din ang empleyado ng lumabas ako, nakasabay kopa si Mila na taga ibang department.
” Pauwi kana rin?” tanong nito . Tumango ako.
” Oo, Ikaw ?” .
” Ganun din.. Inaantay kopa iyong boyfriend ko . Susunduin nya ko. ” Tumango tango nalang ako bago nagpaalam at naglakad papunta sa pinagparkingan ko.
Nagtake out nalang ako mula sa Mcdo at sa bahay kumain. Ginawa ko ang skin care routine ko at natulog.
Sabado ngayon at wala akong pasok sa opisina kaya nagdesisyon akong maggrocery dahil paubos na ang stock ko.
Inuna ko ang mga meat section at ilang delata . Sinunod ko ang mga gulay lalo na at paborito ko ang repolyo .
Pumunta rin ako sa mga gamit sa banyo. I buy some clothes too.
Habang palabas ng mall...


ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakasandal sa isang itim na kotse habang nakasuot ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong jeans.
Unti unting nagproseso sa utak ko kung sino ito. Ito yung lalaki sa bar na dinala ko sa bahay. Hindi ko ineexpect na makikita kopa sya. Namalayan ko nalang na umaalis na ang sasakyan nito.
Inalagay kona lang sa compartment ng kotse ang mga pinamili ko.
NANG pumasok ako sa opisina ay usap usapan na ang pagpapalit ng CEO. Ayon kasi kay Mr. Galvez ay itetake over na nang nag iisa nyang anak na lalaki ang posisyon at simula ngayong araw ay sya na ang bagong CEO. Tudo handa ang lahat para bigyan ng magandang pagbati ang anak ni Mr. Galvez. Hindi kopa ito nakikita o ni ang pangalan nito ay hindi ko alam. Wala naman kasi akong oras para isipin pa ang bagay na yun noon.
Dahil marami pang trabaho ay pinabalik muna kami sa kanya kanyang trabaho dahil unang ipapakilala sa mga board of director ang papalit na CEO. Hiling ko nalang sana ay mabait ito at katulad ni Mr. Galvez..
” Ella, Nakita monaba yung bagong CEO? Yung anak ni Mr. Galvez? Shitt!! Ang gwapoo! Makalaglag panty. “. Tili ni Lorena .
” Hoy manahimik ka nga dyan, mamaya marinig ka panun. “. Saway ko kasi parang gusto pang ipagsigawan ang nais nyang sabihin.
” Kasi naman Ella, napaka hot. Parang Greek God lang. Hulog ata ng langit. ” . Ngumiwi nalang ako at nagpatuloy sa trabaho.
” Magtrabaho kana lang Lorena, baka nakakalimutan mong ako ang financial manager at nasa department kita . Mamaya kana nga tumili riyan. ” .
Nakanguso itong bumalik sa cubicle nya.
Nang matapos ko ang report ko ay dumiretso ako sa 15th floor kung nasaan ang office ni Mr. Galvez.
Naabutan ko si Albert na saktong lumabas ng opisina.
” Nandyan ba si Mr. Galvez ?” . I asked.
” Yes.. Tuloy ka ” .
Unti unti kong pinihit ang doorknob at tuluyan nang pumasok. Naabutan kong wala si Mr. Galvez sa lamesa nya kaya inilibot ko ang paningin ko sa loob.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking pretenteng nakaupo sa sofa habang nakataas ang kilay sakin.
” Ikaw!, anong ginagawa mo dito ?”. Ito yung lalaking nasa bar. Anong ginagawa nya dito?.
” Oh, Ms. Laxamana. You already know each other ?”. Nagulat pako ng biglang sumulpot si Mr. Galvez sa tabihan ko.
” No sir, I don’t know him “. Ani ko na ikinatawa ng matanda.
” Well, this is David Galvez, My son “. Doon tuluyang nanlaki ang mga mata ko . Kung gaanon sya pala ang bago naming CEO, ang bago kong boss.
Nahihiya akong yumuko.
” David this is Lexella Laxamana, The financial manager. ” . Ani ni Mr. Galvez sa lalaking mariing nakatitig sakin ngayon.
Maya maya lang ay nagsalita si David o should i say boss David.
” So its you, the woman who take me to her home . “walang emosyong ani nito.
END OF CHAPTER 1
Don’t forget to react and comments.
Nasa wAtty narin po ito.
Thanks for reading.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top