LoVe Struck Chapter 3


Habang nasa P.E ang mga studyante ay napapansin ni Jolly na parang nanghihina na sya kaya bigla syang hinimatay.
Nag-worry naman ang P.E teacher nila kaya agad nilang dinala sa hospital si Jolly.
Ipinatawag na din ang kanyang mga Magulang dahil lumalala na ang sakit ni JOLLY. leukemia ang sakit nito.
“Anong lagay ng Anak ko Doc.”
“I’m sorry mrs. Juliana. Kailangan na nyang masalinan agad ng dugo as soon as possible. Nanghihina na ang katawan nya ang mga maintenance nya ay kailangan mapalitan yun. ”
“Gawin nyo ang makakaya nyo Doc. Kahit lahat ng dugo ko maubos gumaling lang ang anak ko. ” Nagmamakaawang sabi ni Juliana sa Doctor.
” I will Check your Blood type kung Compatible ang dugo nyong dalawa. Madalas kasi kahit pagkapariho ng blood type ang dalawang tao kung hindi naman sila Compatible hindi sila dapat pagsamahin”.
“Naiintindihan ko po.”
Sinubukan nilang tingnan ang dugo ni Miss Juliana pero nagulat nalang ang Doctor ng makita na hindi magka match ang dugo nilang mag ina.
Pagkabalik ni Juliana sa Hospital ay sinabi ng doctor ang nalaman.
“Mrs.Juliana. sigurado ba kayong ikaw ang biological mother ng pasyente. ”
“Oo naman po sigurado po akong ako ang nagluwal kay Jolly. Bakit po nyo natanong Doctor?”
“For my Research for your blood. 100% hindi ikaw ang biological mother ng bata.”
“Your Liar. How Dare you to said that to me. She is my Daughter kaya Bakit nasabi mong hindi ko sya anak. Dugo’t laman ko ang batang yan kaya paano mo nasasabi na hindi ako ang biological Mother nya. Doctor ba talaga kayo.”
“Mrs. Juliana. Para na rin pong DNA test ang ginawa ko sa mga dugo nyong mag ina. Negative ang naging resulta . She is not your Daughter. I’m sorry Mrs. Juliana kung gusto nyong iligtas ang anak nyo hanapin nyo ang biological Mother ng bata. I have to go. Puntahan nyo nalang ako in my Office.”
Hindi naman makapaniwala si Juliana sa nalaman nyang katotohanan.
Bumalik sya sa Loob ng Room ni Jolly. Nakita nyang tulog parin ang anak nyang si Jolly.
“She is my Daughter. How dare him to said that to me. ”
Biglang nagising si Jolly.
“Mama. . Bakit ho kayo Galit?”
“Im sorry anak. Nagising ba kita?”
“Hndi naman po Mama. Kailan ho tayo makakalabas ng hospital?”
“Malapit na anak. Kailangan masalinan ka mona ng dugo, bago tayo makakauwi. ”
“Ganon po ba.”
Pumasok namn si Brian sa kwartong yun na may dalang prutas.
“Buti dumating kana. Bantayan mo mona ang kapated mo kailangan kong makausap ang papa nyo.”
“Ako na ho ang bahala sa pangit na ito”.
“Mama oh.. tinatawag akong pangit.”
“Brian! Wag mo nang tuksuhin ang kapated mo. Baka matagalan kami. Wag mona syang asarin”
“Upo Mama. ”
Pumunta naman si Mrs.Juliana sa Opisina ng asawa.
“Anong ginagawa mo dito sino ang nagbabantay kay Jolly?” Sabi ng kanyang asawa.
“Si Brian ang nagbabantay sa kanya. May dapat kang malaman? ”
“Ano naman yun? ”
“Sabi ng Doctor hindi daw ako ang biological mother ng anak nating si Jolly. . Bakit nagkaganon?”
“Baka nagkakamali lang sila. ”
“Bumalik tayo sa lugar kung saan ko ipinanganak si Jolly. Baka may pumalit sa anak natin. Magtanong tayo. ”
“Pupunta tayo doon para malinawan na ang lahat. ”
Nagmadali na silang pumunta sa clinic kung saan nanganak dati si Mrs. Juliana.
May sumalubong sa kanila na nurse.
“Magandang hapon po ano po ang maitutulong ko sa inyo” tanong ng Nurse sa kanila.
“Kailangan kong malaman may nakasabay ako sa panganganak rito. ”
“Ano hong year kayo nanganak para mahanap namin sinasabi nyo. ”
Sinabi na ni Juliana kung kailan sya nanganak sa Clinic na iyon at nalaman nya na may nakasabay nga sya sa panganganak at iyon ay si Mrs. Clara.
Inalam nila kung saan ito nakatira para hanapin.
“Mahahanap kaya natin si Clara?”
“Subukan natin syang puntahan sa Address na ito sana hindi sila nakalipat ng bahay.”
Pumunta na ang mag asawa sa lugar na iyon. Maliit na baranggay ang lugar na iyon madaming tambay na nakatambay at mukhang mahihirap lang ang nakatira sa lugar na iyon.
Nagtanong tanong sila kung saan nakatira si Clara.
May nakapagturo sa kanila na sa...


isang maliit na bahay nakatira si Mrs. Clara.
Kaya pumunta na silang mag asawa doon.
Nakita nila ang isang maliit na kubo kaya pumasok sila.
“Magandang Hapon.” Sabi ni Mrs. Juliana
“Anong kailangan nyo?”
Lumabas naman ng kwarto si Mrs.Clara.
“Kayo ba si Mrs.Clara San Jose?”
“Oo ako nga. . Anong pakay nyo?”
“Ano kasi. . May gusto kaming sabihin sa inyo. ”
“Sabihin nyo na ang gusto nyong sabihin. May gagawin pa ako.”
“Kung maari lang sana tulongan mo kami. Ikaw lang ang makakatulong sa anak ko. Maari kabang magbigay ng dugo sa anak ko. Kahit mag kano ang gusto mong pera ibibigay namin. Mag donate kalang ng dugo. ”
“Pasinsya na wala akong panahon ibinta ang dugo ko.” Seryuso nyang sabi.
“Kailangang kailangan ka ng anak ko. Kung hindi sya masalinan ng dugo baka ikamatay nya.”
” Wala akong paki alam. Maghanap nalang kayo ng iba. Kailangan pa ako ng anak ko. Kung magdodonate ako ng dugo baka ako naman yung magkasakit. Kawawa naman ang anak ko. Kaya wag na kayong mag aksaya pa ng oras saakin. Hindi ako magdodonate ng dugo. ”
” Kung inaalala mo ang anak mo. Kami na ang gagastos ng tuition fee nya kahit magkano pa yun. Magdonate kalang ng dugo para sa anak ko. ”
“Pag iisipan ko. ”
“Ito. Tawagan mo lang kami kung nagbago na ang isipan mo. Aasahan naming tutulongan mo ang anak namin. ”
Umalis na ang mag asawa nakatingin lang sa calling card si Mrs.Clara.
Dumating naman ang anak nyang si Janna.
“Sino ho ung bisita nyo kanina? Familliar po ung mga mukha nila.”
” Nakiki usap sila na mag donate ako ng dugo para sa anak nilang may sakit. ”
“Ahh. Naalala kona po sila. Sila po ung mga magulang ni Jolly. May sakit po kasi ang classmate kong si Jolly. Wag ho kayong magdodonate kasi po kaya po ako hindi makakuha ng scholarship dahil sa anak nila. Nangunguna ho kasi sya sa klase. Halata namang binabayaran lang nila ang mga grades ni Jolly. ”
“Wag kang mag alala wala akong balak na magdonate. Baka magkasakit pa ako.. tulongan mo nalang akong mag laba sa kapit bahay. ”
“Ayaw ko kayo nalang ho gutom ho ako. Kagagaling ko lang sa school. ”
” Hindi mo nanaman kinain ang baon mo. ”
“Nanay. . Nakakahiya yung baon ko. Bakit lagi nalang itlog. Kung hindi itlog ung tira tirang pancit canton ang baon ko. Bakit ho ba ganito ang buhay natin. Ayaw ko ng ganitong pamumuhay. ”
“Pasalamat ka iniri pa kita. Kaya wag na wag kang magrereklamo saakin. Wag kang mag alala pag nahanap kona ang hinayupak mong ama doon na kita patitirahin pero magtiis ka mona sa ganitong pamumuhay. Wag kang reklamo ng reklamo. Kumain kana at tulongan mo akong maglaba. Kung hindi mo ako tutulongan wala kang baon Bukas. ”
“Wala akong paki alam. Itlog nanaman siguro ang ulam ko bukas.”
“Magpapakahirap akong mag laba para sa tuition fee mo hindi para sa baon mo. Kung gusto mo ng masarap na baon maghanap buhay ka. Pasalamat ka pinapaaral pa kita. Paano kung patigilin kita sa pag aaral. Ano magrereklamo kapa. ”
“Oo na tutulong na ako sayo sa paglalaba. Kakain mona ako.”
Nagdadabog na pumasok si Janna sa maliit na bahay nila.
Samantalang nakatanaw lang mag asawa sa di kalayuan sa bahay nina Clara.
“Sa tingin mo sya ba ang tunay nating anak? ” Tanong ni Bernardo.
“Hindi si jolly lang ang anak ko. Malalaman lang natin kung magka match ang dugo ni clara sa dugo ni Jolly. Doon lang ako maniniwala.”
“Paano kung hindi sya mag donate ng dugo. ”
“Alam kong tatawagan nya tayo para lang sa tuition fee ng anak nya. Bumalik na tayo sa hospital baka hinihintay na tayo ni Jolly. ”
Bumalik na sila sa hospital at binantayan nila si Jolly.
To be continue.
Mag dodonate kaya ng dugo si clara? Yan ang kailangan nyong abangan sa susunod na chapter.
Sana makaabot man lang ng 1k react ang kwentong ito para naman ganahan akong mag update.
Pag ito hindi umabot sa 1k react hindi kona itutuloy ang kwento nakakatamad kasing mag update pag walang nagrereact sa mga update ng kwento.






Share On Whatsapp

"4" Comments
  1. Love it

  2. maganda po next chapter po plzzzz

  3. next po…. exited ako HAHAHH

  4. nasan po yong kasunod nya

Leave a Reply


top