#Mystery_Triller_Romantic_Drama
๐นTiffany POV
(Mapaghiganting Stephanie)
Hindi ko inaasahan na ako ang unang magigising saming dalawa. Ayaw ko mo nang magpakita gusto ko mo nang magtago at wag harapin ang lahat. Pero nandito na ito. Kailangan kong harapin ang lahat.
Binalaan na ako dati ni Yuri na bago ako gumawa ng hakbang ay pag isipan mona. Pinag-isipan at pinaghandaan ko naman ang lahat pero bakit naduwag na ako ngayon. Bakit may pag sisisi na akong nararamdaman bakit natatakot na ako ngayon sa mangyayari.
Bakit ayaw ko nang tapos in ang lahat. Bakit pinag hihinaan na ako ng loob. Dahil ba nalaman kong hindi pala ako pinabayaan ni Kuya Vincent. Dahil ba nalaman kung binalikan nya ako doon. Kaya ako naduwag ngayon sa kung ano man ang pinaplano ko?
Maaga akong umalis sa mansyon hindi na ako nag paalam. Tinawagan ko si Yuri para makapag usap kaming dalawa. Nalaman kong nakauwi naka uwi na sya ngayon sa pinas.
Kaya dinalaw ko sya sa office nya sa hospital na pinagtatrabahuan nya.
“May problema kaba kaya ka nakipagkita sa akin?” Alam na alam ni Yuri na kaya ako makikipag kita ay dahil may malaki akong hinaharap na problema
“b-buntis Ako” mahina kong sabi at gustong gusto kong umiyak sa harap nya pero pinipigilan kong wag umiyak sa harapnnya.
kita ko sa mga mata nya ang pagka gulat nya. Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko sa kanya.
“Ano! Tinuloy mo ang binabalak mo sa singapore. Hib*ng kana ba? Anong tung ginawa mong gulo. Stephanie. Nahihib*ng kana ba. Bakit mo pinaabot sa ganito ang lahat? Bakit ka nag pa buntis” pinipigilan nya ang sarili nya na pagtaasan ako ng busis at wag magalit. Pero ramdam ko ang galit nya
Pinapagalitan nya ako
“Hindi ko alam .gulong gulo na ako Yuri.. Hindi masamang tao ang kuya ko. Binalikan nya ako ng araw na yon. halos mabal*w ang kuya ko sa paghahanap sa akin.” Naiiyak konang sabi pero si Yuri nanatili paring seryuso pero may galit sa mga mata nya.
” Binalikan kanga nya pero Huli na ang lahat Stephanie . Gusto mo na bang maging malaya. Kung nag patawad ka bakit hanggang ngayon dalawa parin kayong nabubuhay sa katawan ni Megan. Katawan yan ni Megan pero mukha mo ang ginaya ko. Para maprotekthan ang kakambal ko sa pagkatao mo. Pero ano itong pinasok mong gulo. . Stephanie.?”
Bigla akong nakunsinsya sa mga sinabi saakin ni Yuri. Nakikihati nga ako sa katawan ni Megan. . Oo katawan ito ni megan ngunit mukha at pangalan ko ang ginagamit nya.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil totoo ang mga sinasabi ni Yuri.
” Ano ba ang Plano mo ? ipapaubaya mona ba kay Megan ang pagkatao mo ?.yun ba ang binabalak mo? Kaya ito ang ginawa mo?”
Nagsimula na nyang ipakita ang galit nya.
” Paano ku pa maipapaubaya ang pagkatao ko kay Megan , kung pinagbubuntis nya ang anak ni Andrew.. Oo Asawa ni Andrew si megan at pweding pwedi silang magka anak pero mukha ko at pangalan ko ang ginagamit ni Megan. Magkapatid kami kaya hindi ko pweding ipa ubaya nalang ang pagkatao ko kay Megan. Paano kung magkabukingan na paano kung malaman nila na anak ako ni Mr.Danilo. Magkapated kami ni Andrew. Paano sila mabubuhay ng masaya Kung gagamitin nya ang pangalan ko. Kung sakaling ipapa ubaya ko sa kanya ang katauhan ko. Pero paano naman ako.. paano ang pagkatao ko. habang buhay na ba akong makikihati sa katawan ni Megan? ”
Naiiyak kong sabi. . Hindi kona alam ang gagawin ko
Gulong gulo na talaga ako. Oo katawan ni Megan ang ginagamit ko at nakikihati lang ako. Dahil hanggang ngayon nakaratay parin ang katawan ko sa hospital na ito. Ang tunay kong katawan...