MY CHILDHOOD FRIEND[Part 4]


MY CHILDHOOD FRIEND[Part 4]
✍🏻by: Zecharen Writes
Sabado ngayon, walang pasok. Malamang, alangan namang papasok ka, tuturuan mo sarili mo? so tumambay muna ako sa labas ng bahay. May duyan kase sa gilid ng gate namin, dun ako nagrelax at nag eeskrol eskrol sa cp. Maya maya pa, may biglang..
“Avery!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Lumingon lingon ako kung san san hanggang sa napunta yung mata ko sa bintana ng kapitbahay namin. Ayun! S-si Axel? Si Axel kumakaway sa bintana. Nanlaki mga mata kong singkit. Sila pala yung bagong lipat. Tumayo ako sa duyan at tumawid sa kalsada para mag doorbell.
Dali daling bumaba si Axel at binuksan ako.
“Hi Avery!” ngising saad nya.
“Oi Axel, magkapitbahay pala tayo?” takang tanong ko.
“Ano ba sa tingin mo? sarkastikong saad n’ya.
“Sa tingin ko, papasukin mo’ko.” sambit ko sabay kindat sa kanya.
Pumasok ako sa bahay nila ng walang pahintulot. Pake mo?HAHAHA ako lang to. Sumunod na rin si Axel.
“Hoy para san yung kindat na yun?” tanong n’ya.
“Aysh, just forget it!” sagot ko at umupo na sa sofa nila.
“Feel at home huh?” saad n’ya ng naka cross arm.
“Bat ba?magkapitbahay lang naman us.” ani ko.
Maya maya, may nag doorbell. Binuksan naman kaagad ni Axel yung gate while ako, nakaupo lang tas eskrol eskrol ulit.
“Hi, Mom!” bati ni Axel sa bisita nya.
“Hi, sweetheart!” saad naman nung bisita sabay kiss sa forehead nya. Sabaok.
“Mom, we have visitor po.” saad ni Axel habang bitbit yung dala ng Mom nya.
“H-hi po.” hiyang sambit ko.
“Hija, I’m glad you’re here.” saad ng Mom nya na ikinataka ko.
“P-po? What do you mean po?” naguguluhang tanong ko.
“Wow Avery ngayon lang kita narinig nyan.” sambit ni Axel at umupo na rin.
“I mean, it’s been a long time ago since we’ve met and now you’re here. Buti at naisipan mong bumisita dito.” explanation ng Mom nya.
“Nagkita?hehe nagkita na po ba tayo dati tita?” tanong ko...


sa kanya.
“Ehem, tita daw.” sambit naman ni Axel.
“Shut up Axel!” saad ko.
Umupo naman yung Mom nya sa harap ko katabi nya si Axel. Bale, nasa sala kami nag uusap.
“8 years ago nung lumipat kami ng tirahan sa States. Dun ko pinalaki at pinag aral si Axel. I tough him some Tagalog words din baka kase masanay sa English, babalik pa naman kami dito sa Pinas.” she explained.
“Ah, so kayo po yung kaibigan ng mama ko before?nakalimutan ko na po kase eh dati kase paminsan minsan lang kayo bumibisita dito sa’tin, ‘di ko na po kayo namukhaan.” saad ko.
“Actually, yes, at itong si Axel yung kababata mo.” saad n’ya na ikinagulat ko.
“Potpot?” sigaw ko kay Axel.
“Balot?” sigaw nya rin saken.
Lumapit ako sa kanya at tumalon talon sa tuwa.
“Tsk, parang bata parin pag natuwa.” sambit n’ya.
‘Di ko nalang s’ya pinansin at bigla kong niyakap.
“Lot, ngayon ko lang talaga nalaman.” aniya.
“Na ano?” tanong ko.
“Na.. na flat ka.” saad n’ya sabay tawa.
Tinulak ko sya at umupo sa harap ni Tita.
“Tita yung anak nyo po oh di pa rin nagbabago.” saad ko na ikinatawa nya.
“Pogi parin.” sambit naman ni Axel. Hays assuming talaga.
“Makuha ko muna kayo ng meryenda.” saad ni Tita tsaka tumungo sa kusina.
“Tita wag na po.” saad ko.
“Shhh, just chill. Si Mom na bahala.” sambit ni Axel sabay kindat. Gumanti amp ganto pala kiligin pakshet.
“Here!” saad ni Tita while nag serve ng sandwich at juice.
“Thanks, po!” saad ko at tinikman ang juice.
“Mmmm, sarap!” ani ni Axel.
“Mas masarap pa ako dyan, Pot.” sambit ko. Tumawa naman si Tita.
“Uhm Tita, Axel, mauna na ako ah.” pamamaalam ko.
“Oh sige hija.” saad ni Tita.
“Oyy lot, sama ako. Pakilala moko sa mama mo.” biro ni Axel.
“HAHAHA loko ka talaga. Next time na, charot. Tita thanks po sa snack, bye.” sigaw ko sabay labas sa gate. Umuwi akong may ngiti.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top