MY EX IS MY PROFESSOR”
written by—solene terpsichore
—take time to read this.
—part 1
“Kia! gising na kanina ka pa natutulog riyan, first day na naman ng klase mo! kung hindi ka ba naman tumigil ay jusko kang bata ka!” wika na naman ni mama na parang mashing gun ang bunganga, jusko kung hindi ba naman kasi si papa nambabae at nagkasakit si mama edi sana hindi ko kailangang tumigil, si mama talaga.
Mabilis ang pagkilos ko dahil excited narin ako na muling makapasok, isang taon rin ang nawala, kailangan kung maghabol.
“Maaaa, aalis na ako bahala ka na diyan labyoy!” at malakas akong tumawa dahil umagang-umaga nakasimangot siya.
___________________
Napatingin ako sa cellphone ko at mabilis na nagmadali papasok, letse nasa taas pa ang room ko late na late na ako.
Bakit kasi ang tagal dumaan ng mga sasakyan, ang tagal ko tuloy naghihintay. Si Kenneth ba naman hindi ako hinintay, sabi ko magsabay kami since pareho naman kaming uulit.
Dahan-dahan kung binuksan ang pinto ng classroom at bumungad sa akin ang salubong na kilay ni Calvin?
“Calvin hindi ba ikaw ang top student sa atin bakit ganiyan? anong ginagawa mo dito, uulit karin!?” wika ko na hindi makapaniwala at siya naman ay mas lalong kumunot ang noo, hindi ko alam pero lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin na sa akin.
“May mali ba sa sinabi ko?” tanong ko at lahat sila’y nagtawanan, para silang mga baliw.
“May mali talaga sa sinabi mo Kia, eh professor natin si Sir Calvin ih.” wika ni Ayah at lahat sila’y nagtatawanan.
“Have your sit, Ms. Dilentia.” wika ni SIR Calvin at ako ay umupo na sa katabi ni Kenneth syempre dito tayo sa may kadal-dalan.
Nagsimula na ang discussion at talagang napahanga ako ni Calvin, napaka talino talaga ng boyfriend ko este ex nadulas lang hindi sinasadya.
“Pstt, Ken bakit ka nandito?” pang-aasar ko kay Kenneth habang seryoso na nakikinig sa discussion namin.
“Huwag kang maingay diyan Kia, sasampalin kita.” wika niya na ikinatawa ko naman.
Magsasalita pa sana ako ng may marinig ako na nag-salita.
“Tsk, hindi niyo ba alam na bawal magdaldalan sa gitna ng klase ko?” wika naman ni Calvin, este sir.
“Tsk, napakasungit parang walang pinagsamahan.” mahinang wika ko at nagulat nalang ako ng hinila niya ako palabas.
“T-Teka naman SIR!” mahina ngunit may diin kung sabi, g*go ang sakit ng braso ko ano bang nangyayari dito, nangangamoy ang dark aura niya.
“Tsk, bakit mo ba ginagawa ito Kia? hindi mo ba alam na nagseselos ak—” hindi na niya na naituloy ang sasabihin sapagkat maging siya ay naguluhan na rin at tila nabigla sa nabanggit niya.
“Dapat hindi niyo ginagawa ang mga ganoong bagay sa loob ng ating paaralan especially kapag nasa classroom na kayo.” wika niya na tila gigil na gigil, g*go hindi pa ata ito move on mga mare, wala na wala comeback na? charot echosera kayo.
“Wala naman kaming ginagawa ni Ken, at tyaka mahina lang naman halos hindi nga marinig ng iba ih.” wika ko ngunit siya ay salubong lamang ang kilay na tumingin sa akin.
“Wala akong pake kung hindi nila rinig, pero ako? rinig ko.” wika niya sabay pumasok at iniwan akong nakatunganga.
“Ms. Kia papasok ka pa ba or lalagyan kita ng absent.” bigla ay sigaw niya kaya natauhan ako at nag-madaling pumasok.
______________________
“Ken saan ka maglu-lunch?” tanong ko dahil wala na talaga akong kakilala bukod sa kaniya at kay Calvin syempre.
“Doon nalang siguro sa canteen.” wika niya at nag-lakad kasabay ko.
Napakamot ako sa ulo ng makita na wala ng bakante at punong-puno na ang lamesa, isa nalang ang medyo luwag at ’yon ay ang kay sir Calvin.
No choice kami,...