My Fairytale Prince
Trilogy
Prinz, The Frog Prince
đź’–CONTINUE đź’–
Marami silang pinagkuwentuhan ni King habang pauwi sila dahil likas na madaldal ito. Nagkuwento Rin siya tungkol sa sarili niya maliban lang sa unang anim na taon ng buhay Niya Kung saan na kilala Niya si Paula. Pinanindigan na niya ang pagpapanggap bilang pinsan nito.
“What? Nalaman mong lahat ng yon sa isang araw lang na nagkakilala kayo?” Hindi makapaniwalang Sabi ni Prinz. “He’s lying. Hindi sinasabi ng matinong lalaki ang impormasyon tungkol sa buhay Nita sa kakikilala pa lang niyang babae. Believe me, Rome. He’s after your—”
“Ano ka ba, Prinz. Hindi ganon si King,” naiinis na Sabi Niya. Pinakalma niya ang sarili at pilit ibinabalik ang mganda niya mood.“ Nakilala ko na ang mother niya, ang mga tita niya, at ang Lola niya. Ang saya no?”
“Hindi nga?” Hindi makapaniwalang tanong nito.
Umiling-iling na hinawakan nito ang kamay Nita na parang close sila. Nagulat siya sa ginawa nito dahil tila dinaluyan ng koryente ang buong katawan niya.
Natawasiya siya sa naging reaksiyon ni Prinz. Hindi Nita ito masisi Kung Hindi ito naniniwala say mga sinasabi niya. Aminado Naman siyang may maykatwiran ang pag kontra nito. Hindi niya idinetalye ang lahat ng pinag-uusapan nila King at Wala siyang balak kuwento rito ang pagpapanggap niya nilang si Paula dahil sigurado siyang makakarating iyon say kanyang mga magulang na iniiwasan niyang mangyari.
“Hindi, joke lang,” natatawang Sabi niyang habang binabawi ang kamay niya.
Natigil siya sa pagtawa nang mapansing seryoso na ang hitsura nito. Titig na titig ito sa kanya kaya iwinasiwas Niya ang kamay Nita at pinitik ang ilong nito. “ Ano’ng tinitingin mo diyan, ha, Prinsipeng palaka?”
Ngumiti ito. Ang guwapo talaga ng kumag na ito, lalo na tuwing ngumingiti ito dahil lumalabas ang tinatago nitong pares ng dimples sa magkabilang pisngi nito. Bakit pakiramdam Nita ay mas kinilig pa siya sa ngiti ni Prinz kaysa say ngiti ni King?
Tumayo siya at itinaboy ito. “Siya, nakakaabala ka na. Magluluti pa Ako ng pagkain Nina Nanay sa ospital.”
“Pupunta ka sa ospital ngayong gabi?”
Tumango siya.“Hindi iniiwan ni Nanay si Tatay tuwing gabi kaya dadalhan ko na lang siya ng pagkain.”
“Sasamahan na kita.”
Napatingin siya rito.
“Hindi man Ako ang prinsipe mo, Ako Naman ang Knight in shining armor mo. Hindi ligtas saying ang maglakad sa kalye nang mag-isa.”
Napangiti siya sa ka-corny-han nito.“Sira! Sumama ka Kung gusto mo. Gusto mo lang makatikim ng luto ko, eh.”
Humalakhak ito.“Buking pala Ako. Pano mo nalaman na Hindi pa Ako kumakain?”
Nagkibit-balikat siya.
“Siguro minamanmanan mo Ako, no? Umamin ka na, Italya,”nakangising Sabi ni Prinz.
Umiling-iling siya, saka binato ito sandok.
“KINGSLEY Constantino. I think I heard ha was car racer,” sa bi ni Prinz.
Napatingin si Rome habang naglalakad sila pauwi sa bahay. Kagahaling lang nila sa ospital masayang nakipagkuwentuhan sa mga magulang Nita. Natuwa siyang nasisiyahan ang mga magulang Niya sa pambobola ni Prinz. Pati ang paghatid sa kanya ni King ay agad naitsimis nito sa mga magulang Niya. Tawa lang ng tawa ang Nanay at Tatay Nita sabay paalala na mag-ingat daw sila sa pag-uwi.
“Alam mo ba, nagtataka parin Ako sayo Kung bakit ang slang mo mag-ingat, eh, halos magka pareho Naman tayo ng estado say buhay,” Aniya rito.
“H-ha? Tama ka, magkapareho lang tayo ng estado sa buhay. Sanay along mag-ingat dahil noong Bata pa ko, nagpa-practice na akong magsalita non. Pangarap ko kasing makapunta sa ibang bansa. Maganda na Yong nasasanay,” depensa nito. “Bakit ba, ano bang problem Kung English ang lengguwahe...