My father’s Lovely Kisses ๐‚๐‡๐€๐๐“๐„๐‘ ๐Ž๐๐„


My father’s Lovely Kisses
Genre: Sad, SPG
Written by: Sunny Blanc
Status: On Going
๐‚๐‡๐€๐๐“๐„๐‘ ๐Ž๐๐„
Hindi ko alam ngunit bigla nalang akong napangiti ng maalala kung gaano kami kasaya noon ng kapiling pa namin si mama…
–FLASHBACK–
“Wow! Ang ganda naman po dito mama, papa!” Mangha kong sabi habang nakatingin sa isang malaki at mataas na fountain dito sa luneta park.
Nasa likod ko naman sina mama at papa, kapwa pareho sika nakangiti, masayang masaya sila nakikita ko ito sa kanilang mga mata.
“Kaya ko nga kayo dinala dito eh dahil alam kong masisiyahan kayo lalo na ikaw anak ko!”
Sabi naman ni papa sabay gulo sa buhok ko.
Sa totoo lang ang swerte swerte ko sa mga magulang ko. Tanggap nila kung ano ako, kung sino ako. Hindi sila nagbago ng malaman nila na bakla ang anak nila. In fact ay mas naramdaman ko pa nga ang pagmamahal nila sa akin. Mas iningatan nila ako na para bang isa akong babasagin na plato kung alagaan nila.
Ng makaramdam na ako ng gutom ay sinabi ko ito kay papa at pumunta naman agad kami sa isang restaurant. Nakangiti ako habang pinagmamasdan silang naglalambingan. Sinusubuan ang isa’t isa, nag halikan pa sila sa harap ko.
Na-aalala ko din nung time na gabi na at wala pa sina papa kaya pumunta ako sa bahay ng best friend kong kapitbahay lang namin. Hindi ko maipagkakailang may itsura ito. Maputi, medyo chinito at katamtaman lang ang tangkad, kumbaga sakto lang sakanyang edad. Hindi ko din ipagkakaila na may gusto nga ako sakanya.
Napag-pasyahan namin ni Reylie na sa bahay na lang mag laro at doon na rin hintayin sina mama at papa.
Habang naglalaro kami ng habol habolan at ako ang taya noon. Hindi ko siya mahabol kaya nakaisip ako ng paraan para siya naman ang taya. Tumigil ako sa paghabol sakanya at nag kunwaring nahihilo habang naka yuko at hawak hawak ang ulo. “Aray! Aray Reylie nahihilo ako!” Daing ko para mas maniwala pa siya na nahihilo nga ako. Nag tagumpay nga ako dahil dali dali siyang tumakbo palapit sa akin at hinawakan ako sa kamay at inalalayan.
Naramdaman ko naman ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng hawakan niya ang kamay at hapitin ang baywang ko.
Dahil doon ay dali dali ko siyang kinalabit sabay takbo palayo at sabing “taya!” “Ahhahaha, Reylie ikaw na ang taya!”...


Maligayang sabi ko sakanya, siya naman itong napakamot sa ulo at biglang tumakbo papalapit sa akin. Dali dali rin akong tumakbo dahil sa pagkataranta dahilan upang hindi ko mapansin ang damit na nakakakalat sa sahig at maapakam ko iyo. Ngunit bago ako bumagsak ay naramdaman ko ang kamay ulit sa baywang ko. Hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa sahig ay nandoon pa rin ang kamay niya. Ramdam ko rin ang katawan niya na nakapaibabaw sa akin at ang hininga niyang mainit init sa bibig ko.
“HAHAHA, Ang bigat mo naman James, bumagsak tuloy tayo sa sahig, HAHAHA” Natatawa nitong saad.
Ako naman itong hindi na makahinga hind dahil sa mabigat siya, kundi dahil sa hindi malamang pakiramdam.
Halos mapatalon naman kaming dalawa ni Reylie ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay at iniluwal nito si mama at papa.
Nanlaki na lamang ang mga mata nilang dalawa dahil sa nasaksihan na posisyon namin ni Reylie.
“Hoy!” “Anong ginagawa mo sa anak ko huh?” Nakakabinging sigaw ni papa habang lumalapit at duro duro si Reylie. Tumayo naman agad si Reylie mula sa pagkakadagan sa akin at ganun din ako.
“Pa! Wala naman kaming ginagawang masama eh!” Saway ko kay papa dahil mukhang susuntukin niya na si Reylie.
“Vincent, huminaon ka nga,bata lang yan!” Dugtong pa ni mama at lumapit na rin siya sa amin.
“Pa promise wala po kaming gingawang masama. Naglalaro lang po kami ng habul habulan tapos po—–” Hindi na ako natapos sa pagsasalita ng biglang sumabat si Reylie.
“I’m sorry po tito, tita hindi ko po sinasadya!”
Nakayukong saad ni Reylie. Ramdam ko ang kaba niya ngayon.
Pero teka, bakit parang sinasabi niya na tama nga ang hinala ni papa. Imbes na tulungan niya na lang ako mag explain kung ano talaga ang totoong nangyari ay parang mas ginatungan niya pa ang hinala ni papa.
“Ikaw’ng bata ka! Umuwi ka na nga sainyo!” Pa sigaw pa rin na sabi ni papa pero mas huminahon na siya ngayon.
Tumakbo naman pa alis si Reylie ng bahay namin.
–END OF FLASHBACK–
Nabalik naman ako sa ulirat ng makita ko ang pag park ng motor ni Jared (manliligaw ko).
Bigla na lang akong napangiti ng ma-alala ang importanteng sasabihin ko sakanya kaya pinapunta ko sya dito…
–END OF CHAPTER 1–






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top