MY GIRLFRIEND TOOK ABORTION WITHOUT TELLING ME


MY GIRLFRIEND TOOK ABORTION WITHOUT TELLING ME
“Reez, Sorry ha? Kailangan ko talagang sumunod doon dahil kay mama. Alam mo naman na kamamatay lang ni Papa ‘diba?,” nag iimpake kong tugon sa girlfriend ko.
“Naiintindihan ko naman, Mark. Pasensya na ‘rin hindi ako pwedeng sumama,”
“Hindi na naman kailangan. Ayoko rin na matagtag ka pa sa byahe baka mapaano ang baby natin. Mag pahinga ka na lang dito,”
Nabalitaan ko kasi na palagi daw umiiyak si Mama at laging binabanggit ang pangalan ni Papa dahil siguro hindi niya pa rin tanggap.
Kasama naman ni Reez ang Mama niya dito kaya magaan sa loob kong iwan siya. Kailangan ako ni Mama, ayokong pati siya ay mawala.
“H’wag kang kakain ng mga bawal sa’yo ha? Dito ka lang sa bahay, gusto ko na palagi kayong ligtas ng baby natin,” tugon ko pa kay Reez habang isinasakay ang bagahe ko.
“Bilisan mo lang don ha? Mamimiss kita. Baka wala ka dito kapag manganganak na’ko,” nakangusong sambit nito sa’kin.
“Oo mabilis lang ako doon. Ingatan mo sarili mo ha,” huling sambit ko bago tuluyang makaalis.
Mahirap magkaroon ng ldr na relasyon pero para kay Reez ay kakayanin ko. Gusto kong maging mabuting asawa sa kaniya at maging mabuting ama rin sa magiging anak namin.
Ipinangako ko kay Reez na isang linggo lang ako dito kala Mama pero ayaw pa akong paalisin ng Kuya ko gusto pa daw niya akong makasama ng mas matagal.
“Dito ka na lang muna bunso. Namiss ka namin ni Mama ng sobra,”
“Gawa kasi ni Reez Kuya, baka hindi niya kayanin ang panganganak kung wala ako sa tabi niya,”
Ginawa at sinabi ko na sa mga kapatid ko ang lahat ng paraan at palusot para makauwi pero parang gumagawa rin sila ng paraan para mas lalo akong tumagal dito.
“Mark? Nasaan kana? Sabi mo isang linggo ka lang d’yan? Lampas na isang buwan ah? Wala ka bang balak umuwi?,” tugon ni Reez sa ‘kin habag magkaharap kami sa videocall.
“Eh pasensya na ayaw talaga akong pauwiin pa ni kuya eh. Pangako bago ka manganak nakauwi na ako,” pagbibitaw ko na naman ng pangako.
Lumipas ang isang linggo at nawalan ako ng cellphone. Nahulog ito habang pinapaluguan ko si Mama. Masyado na kasi siyang matanda kaya hindi na niya kayang kumilos mag isa.
Nawala ang komunikasyon namin ni...


Reez dahil sa pagkawalan ko ng cellphone.
Dumating ang due date niya at hindi pa rin ako nakakauwi. Wala rin akong balita kung anong nangyayari sa kaniya dahil wala akong malapitan dito. Wala ang si Kuya at malayo ito sa mga tindahan na pwede kong pakitawagan.
“Ma nag aalala na po ako kay Reez. Ngayon po kasi ang due date niya,”
“Wag mo muna akong iwan ‘nak hindi ko pa kayang mag isa, nandoon naman ang Mama niya,”
Hindi ko din naman maiwan si mama na mag isa kaya ipinaubaya ko na lang sa Diyos ang lahat.
Isang Buwan ulit ang dumaan at hindi na ako nagpapigil sa kanila. Umuwi na ako para makita ang Mag-ina ko.
“Reez?,” mahinhin kong sigaw pero walang sumasagot kaya dumiretso na ako sa loob ng bahay namin.
Nilingap lingap ko ang mga kwartong nakabukas ang pinto para sana silipin ang baby namin pero walang kahit isang taoo iyak manlang ng sanggol.
Hanggag sa mapukaw ang atensyon ko ng isang kwartong nakasarado ang pinto. Binuksan ko ‘yon ng dahan dahan pero nanghina ang tuhod ko nang makita si Kuya at Si Reez na pinagtataksilan ako.
“Kuya?? Kaya pala ayaw mo akong pauwiin dahil may namamagitan na sa inyong dalawa,” bulyaw ko sa dalawa.
Halata sa mga muka nila ang gulat nang makita ako.
“Mark saglit magpapaliwanag ako,” paghabol sa ‘kin ni Reez habag hawak ang isang kumot na nagsisilbing takip sa katawan niya.
“Nasaan ang anak ko? Ibigay mo sa ‘kin,”
Hindi ito umiimik. Umiiyak lang siya habang nakayuko sa harap ko.
“Nasaan ang anak ko?! Sumagot ka Reez!,” sigaw ko sa kaniya. Pag iling lang ang tanging naisagot niya sakin.
“Wala na siya, Mark. Hindi ka tumupad sa pangako mo. Wala ka dito nung kailangan kita kaya naisip ko na ipalaglag na lang siya,” hindi makatingin niyang sambit.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Naghalo na yung galit at sakit. Gusto ko siyang saktan, gusto kong ipamuka sa kaniya na napakasama niyang Ina.
“Hindi sapat ‘yon para pat@yin mo siya! Hindi ka ba nag iisip? Anak mo ‘yon, Anak natin ‘yon!,” kahit anong gawin kong pigil sa luha ko ay kusa parin itong bumabagsak.
“Sorry. Sorry Mark. Hindi kasi sapat yung mga ibinibigay mo sa ‘kin,”
She cheated on me before our married and took abortion without telling me.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top