My Handsome Obsession CHAPTER 2


“Na impaki mo na ba lahat ng gamit mo Kate”?
Yes po senyorito
Ganun na ba ako katanda para manganopo ka?
Ilang taon ka na po ba?
25
“Matanda ka po sa akin ng pitong taon”
Age doesn’t matter naman!
Magiging boss po kita saka–
Fine fine!! sumakay ka na!
bakit diyan ka sa likod sasakay!?
Eh saan po ba ako umupo?
Dito ka sa tabi ko!
Tahimik kaming nagbyahi ni senyorito Keeran.. ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya gwapo may dalawang dimple kayumanggi ang balat batak ang mga braso na akala mo nag co-construction..
Are you done starring at me Kate?
Bumaba ka na andito na tayo..
Pumasok kami sa isang malaking old Spanish style na bahay yari Ito sa kahoy ang ganda ang kinis ng pagkakabarnis napaka kintab..
Nana Rosa!
Bakit iho? sino itong magandang dilag na kasama mo?
Si Kate Savedra nana..
Ang anak ni Romeo ang mapapangasawa mo?
Ano daw? mapapangasawa? tama ba ang dinig ko!? hindi po niya ako mapapangasawa hindi rin po niya ako girlfriend..ako po ang magiging personal alalay tagasilbi ni senyorito Keeran!
Ano iha!? pero ang kasal ninyo sa isang buw;– aw!aw!aw!
Oh there you are fommy meet your mommy Kate!
Sa ganda kong ito magkakaroon ako ng anak na aso?
“Ngayon pa lang Kate sinasabi ko sayo ituring mo syang parang anak everyday mo syan paliliguan”
Baka naman sipunin si fommy pag everyday ko syang pinaliguan!?
“Ang daldal talaga ng babae na ito hindi nauubusan ng sagot! hindi bali pagkasal na kami tuwing mag-sasalita sya hahalikan ko at ng tumahimik!
Nana samahan mo na po si Kate sa magi-ging kwarto niya..
Ikaw Kate bilang yaya ko ikaw mag-luluto ng pagkain ko magiintindi ng lahat ng mga bagay-bagay na kailangan ko..magluto ka ng dinner tawagin mo ako pagluto na..
Ano ako!?...


Instant asawa!? Kakainis!
Halika ka na iha
Ang ganda naman ng kwarto ko babaeng babae ang ayos!
Pinasadya talaga ni senyorito Keeran na ipaayos itong kwarto para sayo iha!
Po bakit po?
Sa susunod na mga araw malalaman mo sumunod ka na sa akin sa kusina..
Mag-luluto ako ng sinigang at tocino
Sinalang ko ang karne hiniwa ko ang gulay habang nagpapalambot ng karne pinirito ko ang tocino…pagkaluto ng tocino malambot na ang karne nilagay ko ang gulay..pagkulo nilagay ko ang sampalok tadaa luto na!
Ang bango naman ng niluluto mo mi amore!
Diyos ko senyorito Keeran pwede po ba wag ka manggulat!
Sorry I’m hungry!
Maghahain na ako umupo ka na
Ok mi amore (my darling)
Oh senyorito kumain ka na po
You need to feed me..
Ano po senyorito!?
Your not a deaf right!?
Yes po!
Ano pang tinutunganga mo pakainin mo na ako…mi amore!
Ano!? napakalaking tao mo! ang lapad ng kamay mo susubuan kita?
Yes! hindi ako kakain paghindi mo ako sinubuan!
Edi wag hindi ako ang magugutom! tumungo lang si senyorito Keeran sa lamesa hindi nakibo biglang tumunog Ang tiyan niya nakakainis! dinampot ko ang kutsara nilagyan ko ng kanin at ulam .. senyorito!
Nagtaas sya ng mukha say aahhh open your mouth..para syang bata ngumanga
Ha ha ha gusto kong tumawa ng malakas ang future asawa ko nakasimangot!
Aaahh bakit ayaw mo ngumanga? busog ka na agad?
Nakasimangot ka kasi hanggang hindi ka nangiti hindi ako nga-nganga..
Ano!? diyos ko bigyan mo po ako ng mahabang pasensya ng makatagal ako sa machong lalaki na ito pero isip bata!
Ubod tamis akong ngumiti ng matapos na si Keeran kumain inabutan ko sya ng tubig..
Thank you mi amore nagulat ako hinalikan ako ni Keeran sa noo
Matulog ka na si nana na ang maghuhugas






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top