My Husband Cheated On Me


My Husband Cheated On Me
written by Pastel Writes
Prologue
Nilapag ko ang malaking plato ng roasted chicken sa ibabaw ng mesa, na ako mismo ang nagluto para sa first anniversary namin ni Lucian. Mula sa bagong lutong manok, nakangiti kong pinasadan ng tingin ang kahabaan ng dining table.
Alam kong hindi maayos ang pagsasama namin ni Lucian. Hindi pa siya tapos sa pagkabinata niya nang ipakasal siya sa akin dahil sa kasunduang ginawa ng mga lolo namin.
Malapit na magkaibigan ang aming mga lolo, at matagal na nilang gustong magkaisa ang aming pamilya. Kaya nang magkaroon sila ng apong lalaki at babae, sanggol pa lamang kami ay nakaplano na ang kasal namin.
Nagbuga ng hangin bago lumapit sa harap ng salamin. Wala namang kaso sa akin ang pagpapakasal sa kaniya, pero si Lucian ang may ayaw sa aming kasal.
Hindi pa siya handang matali sa isang tao, at isa pa, may ten years girlfriend siya na mahal na mahal niya. Mula nang hiwalayan siya ng girlfriend niya dahil sa kasal namin, naging malamig na siya...


sa akin at naging magaspang din ang ugali.
Pero hindi ako susuko sa pagsasama namin ni Lucian. Alam kong balang araw, matututunan niya rin akong mahalin.
Lalapit sana ako sa refrigerator upang kunin ang pitsel ng juice sa loob, pero bigla akong natigilan nang tumunog ang cell phone ko.
Kinuha ko ito sa ibabaw ng mesa at nakitang may video akong natanggap mula sa hindi kilalang number. Nagsalubong ang dalawang kilay ko pero nagdesisiyon akong buksan ito para panoorin. Ganoon na lang ang pagkatigil ko sa bumungad sa akin.
“Ahhh! Yes! Deeper, Lucian! Yes! Faster!”
Umalingawngaw ang malakas na ungol ng isang babae. Sinasabayan ito nang mahihinang ungol ng lalaking kanina pa laman ng isip koโ€”ang aking asawaโ€”si Lucian.
Nakatutok ang camera sa katawan nila. Kitang-kita kung paano maglabas-masok ang malaking sandata ng aking asawa sa lagusan ng babae.
“Yes, baby! I missed this! I missed you so much!”
Ilang ulit akong napalunok at mas lalong nanghina nang tuluyang humarap ang babaeng kaniig ng aking asawa. Si Catalinaโ€”ang ex-girlfriend ni Lucian na mahal na mahal niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top