MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR❤️❤️
.
CHAPTER 3
.
Natakot si Katelyne kay Jessie, at napatingin si Kate kay Alvin, at si Alvin ay imbes na sundan si Erica ay–
.
Alvin : huwag Jessie! (Babala sa kaibigan)
.
Naawa si Alvin kay Katelyne, dahil sa hindi niya mawari ay parang ayaw niyang mapahamak ang babae.
.
Jessie : pare, sayang naman ito, alam kong wala pang nangyayari sa inyo, at wala ng mangyayari pa sa inyo dahil susundan mo na si Erica, kaya sa akin na ito, sayang naman ang ibinayad ko kay Maria, kaya ako na lang ang magdadala sa langit sa magandang binibini na ito.
.
Hahaltakin na sana ni Jessie si Kate ng biglang—
.
Alvin : (iniharang ang sarili)..spare her!
Naningkit ang mga mata at napopoot sa sinabi ni Jessie.
.
Alvin : hindi siya kagaya ng ibang babae na naikama mo, kung nanghihinayang ka sa perang ibinayad mo sa bugaw papalitan ko yong binayad mo kahit doblehin ko pa ang ibinayad mo.
.
Pagkasabi ni Alvin ay agad niyang hinawakan ang kamay ni Katelyne at isinama na lang ang dalaga paalis sa lugar na iyon sa malayo sa kaibigan niyang si Jessie, at sumakay sila sa kotse ni Alvin, at habang nasa byahe na sila ay abot abot ang pasalamat ni kate sa binata.
.
Kate : Salamat ha!
Alvin : wala yun.
Kate : salamat sa Diyos at may mabuting tao padin na katulad mo, hindi katulad ng tatay ko, sarili niyang anak, binenta niya..(umiiyak na nyang sabi)
Alvin : bakit pumayag yong nanay mo na gawin sayo ng tatay mo yun?
Kate : wala na si Nanay, namatay na siya sa pahirap ni tatay..
Alvin : im sorry!!
Kate : okay lang, kaya ako napasok sa ganitong kalagayan dahil wala na si nanay na tumututol sa kagustuhan ni tatay.
.
At hangang sa napansin ni Katelyne na mukhang naliligalig sa pagmamaneho si Alvin.
.
Kate : saan tayo pupunta ngayon?
Alvin : sa girlfriend ko, kailangang makapagpaliwanag ako, tungkol sayo.ikakasal na kami 3 days from now, kaya kailangan kong makapag-paliwanag sa kanya.
,
Hindi maintindihan ni Katelyne bakit nasasaktan siya, bakit parang pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya, parang nakakaramdam siya ng sakit, dahil hindi lang pala ito basta girlfriend, kundi Fiance na ng binata, kaya nga pla niregaluhan ng kaibigang niyang si Jessie dahil sa stag party.
.
Kate : i’m sorry dahil sakin kaya nagkakaproblema.
Alvin : forget it, kate (sabi nito)..hindi mo kasalanan ang nangyari, hindi mo naman ginusto ito eh.
.
At hanggang sa nakarating na sila sa tapat ng bahay ni Erica, doorbell ng doorbell si Alvin, ngunit di siya pinagbubuksan ni Erica, hanggang sa napagpasyahan nalang ni Alvin na umalis na roon, awang awa naman si kate sa binata sa ayos nong bumalik sa kotse halos hindi maihakbang ang mga paa dahil parang pinagsakluban ng langit at lupa. Parang nainggit tuloy si Katelyne kay Erica dahil napakabuting tao ng magiging asawa niya.pagsakay ni Alvin sa kotse hindi muna niya pinaandar ito, bagkus inunat muna niya ang likod sa may sandalan ng upuan, pakiramdam ni Alvin ay hinang hina siya sa mga sandaling ito.
.
Kate : (hinawakan ang balikat ni Alvin)..okay ka lang..
Alvin : hindi ko maintindihan si Erica, mahirap intindihin ang ugali niya, ayaw man lang akong pakinggan ang mga paliwanag ko, alam naman niyang hindi ko magagawang ipagpalit siya, alam naman niya yun!
Kate : magkakaliwanagan din kayo nun.
Alvin : ewan ko, ayaw man lang ako bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa kanya.
Kate : im sorry hindi ko maiwasang makonsensiya..baka hindi ka niya mapatawad, paano na ang kasal nio?
Alvin : please kate, wag mong sisihin ang sarili mo okay! wala kang kasalanan, ang may kasalanan ay ang taong gumawa sayo ng di mabuti, yun ay ang tatay mo at ang kinakasama niya at idagdag mo pa ang bugaw na Maria na iyon..kaya pagbabayaran nila ang ginawa sayo.
.
Kaya napagpasyahan ni Alvin na paandarin na ang kotse at pumunta na sila sa presinto..at nang makarating sila ng presinto ay natigilan si Katelyne, sa isip niya ay kaya niya bang ipakulong ang tatay niya, sa kabilang banda ng isip naman niya na kung hindi niya gagawin yun, ay baka paulit-ulit na siya ay ibenta ng tatay niya, eh paano kung ang makatagpo na niya eh, hindi kasing bait ni Alvin, kaya napagpasyahan padin ng dalaga na isuplong ang tatay niya para makulong kasama ng kabit ng tatay niya at ang bugaw na si Maria at para wala ng mabiktima pa itong si Maria, at makalipas ang oras ay naroon na sila sa presinto, at isinasalaysay na ni Katelyne ang nangyari sa kanya, at nang matapos siyang makapag salaysay sa pulis ay parang hinang hina siya.
.
Alvin : ayos ka lang ba?
Kate : oo, ayos lang ako.
Alvin : huwag kang maguilty sa ginawa mo sa tatay mo, dahil kailangan g maitama ng tatay mo ang mga mali niya.
Kate : pakiramdam ko napakasama kong anak at bakit ko ipapakulong yong tatay ko.
Alvin : naging mabuti ba yong tatay mo sayo, anong klase siyang ama at bakit ka niya isasadlak sa putik.
.
Napag isip isip ni Katelyne na may punto si Alvin, At samantala naman nasa club si Dante ang tatay ni Kate at saka si Anita.
.
Anita : pambihira ka naman Dante, pinaubos mo agad sa sabong yong pera na kaparte mo!!!
Dante : Anong magagawa ko minalas eh!! Ikaw ba yong parte mo ubos naba?
Anita : hindi pa meron pa akong natirang konti, bumili kasi ako ng mga alahas eh, eto ngat suot suot ko oh..bagay ba! (Maarte niyang sabi)
Dante : bagay ah, lalo kang gumanda.
Anita : totoo?
Dante : oo naman..(lumungkot ang mukha)
Anita : oh bakit malungkot ka? Wag kang mag-alala dahil maibebenta pa natin uli si Katelyne kapag balik niya, hahanap uli ako ng bibili sa anak mo, at saka gusto mo gamutin ko yong lungkot mo, (sabay hawak sa maselang bahagi ni dante)
Dante : gusto ko yan, sige tayo na umuwi na tayo.
Anita : sige paalam muna ako kay boss!
.
At hindi nagtagal ay papalabas na sila, naroon pala ang mga pulis na naka-antabay sa labas, paglabas palang sa pinto nila Dante at anita ay, hinuli na sila ng mga pulis, at mga nagkagulo na ang mga tao roon dahil nagpupumiglas ang dalawa kaya naagaw nila ang atensiyon ng mga taong naroon..labis ang pasalamat ni kate kay Alvin dahil sa kabila ng problema niya sa nobya ay inuna pa siyang tulungan ng binata,,at hanggang sa nakalapit na sa kanila ang tatay niya at si Anita.
.
Anita : hayop ka katelyne, pagbabayaran mo yong ginawa mo na to sa akin.
Dante : walang hiya kang anak. Walang utang na loob..(bulyaw ni dante sa anak)
.
Hindi makapaniwala si Alvin sa mga sinabi ng tatay ni Katelyne sa dalaga..napakasama nga palang ama nito..awang awa si Alvin kay katelyne dahil nanginginig ito sa takot, dahil nagkukubli ito sa likudan niya..meron pa ngang narinig si Alvin sa mga nag-iisyoso doon na mabuti daw at nakulong na yong tatay ng dalaga kundi baka daw pati si katelyne ay pagsamantalahan ng tatay nito dahil nga may itsura ang anak.
.
Alvin : ayos ka lang ba?
Kate : hindi!
.
Humahagolgol na si Katelyne dahil sa pinaghalong emosyon, lungkot at saya, saya dahil sa hindi na siya magagawang ibenta ng tatay niya dahil makukulong na ito, at lungkot naman dahil wala na siyang uuwian, dahil nga binenta ng tatay niya ang lupa at bahay nila.
.
Alvin : anong problema? Sabihin mo kung paano ako makakatulong sayo?
Kate : wala na akong pamilya, wala akong mapupuntahan, at wala na akong matitirahan, buhat kasi ng mamatay si Nanay, binenta ni tatay ang lupa at bahay namin tapos sa kabit niya lang kami nakikituloy, ngayong wala si Tatay wala na akong mapupuntahan.
.
Hindi na nahiyang magsabi si Katelyne kay alvin ng kanyang pinoproblema, dahil wala na talaga siyang matutuyan.
.
Alvin : sige sumama ka muna sa bahay ko. Doon ka muna at ihahanap kita ng mapapasukan mong trabaho.
.
Natuwa si Katelyne sa sinabi ni Alvin, hulog talaga ng langit sa kanya si Alvin, sa sobrang tuwa ni katelyne ay nayakap niyang bigla si Alvin, si Alvin naman ay nabigla din sa ginawa ng dalaga, ramdam niya ang lambot ng katawan ng dalaga, at kung may anong gumapang sa pagkatao niya..natauhan naman si katelyne sa ginawa niyang pagyakap sa binata at bigla siyang kumalas dito.
,
Kate : sorry!!
Alvin : okay lang, tara na!
.
At sumakay na nga sila sa kotse ni Alvin at binabagtas na nila pauwi sa bahay ng binata, habang nasa byahe sila ay nag-uusap sila.
.
Alvin : galit na galit yong tatay mo sayo ah..bakit ganun, siya na nga yong may kasalanan sayo, siya pa ang may ganang magalit!
Kate : mula pagkabata ko, di ko naramdamang minahal ako ng tatay ko, lagi na lang niyang sinasabi sa nanay ko na hindi niya raw ako anak, anak daw ako sa ibang lalake ng nanay ko..
Alvin : yong nanay mo ano yong kinamatay?
Kate : nagkaroon siya ng tuberkulosis..sa sobrang hirap na ni nanay sa pagtatrabaho kaya siya nagka-ganun, si tatay kasi di siya tumutulong kay nanay sa paghahanap buhay, naghahanap buhay si tatay kaya lang para sa sarili lang niya yong kinikita niya, pangsugal lang niya at pangba-babae.pagkagraduate ko ng highschool nagsimula ng magkasakit si nanay, kaya ako na yong gumagawa ng trabaho ni nanay, si tatay naman pilit akong pinapapasok sa club pero hindi pumapayag si nanay, kaya nong namatay si nanay, wala ng tumutol sa gusto ni tatay, natuwa pa nga si tatay ng mamatay si nanay eh, dahil magagawa na ni tatay na ilublub ako sa putikang ginagalawan ng kinakasama niya.
Alvin : grabe naman pala yong hirap na naranasan mo.
.
At marami pang kinuwento si katelyne kay Alvin, Sobrang nahabag naman si Alvin sa sinapit ni katelyne at ang nanay nito sa kamay ng tatay ng dalaga..at hanggang sa makarating na sila sa bahay ng binata, at sinamahan ni Alvin si Katelyne sa. Isang guestroom sa bahay niya.
.
Alvin : sige pahinga ka na, alam kong napagod ka, ipanatag mo na yong kalooban mo dahil walang gagalaw sayo dito..
Kate : Salamat Alvin!hindi ko talaga alam ang gagawin kung hindi ikaw ang nakatagpo ko.
Alvin : walang anuman yun, ang importante ay ligtas kana, at bukas ay pupunta ako sa isa kong kaibigan, baka sakaling mahanapan ka ng trabaho at matitirahan..kaya mabuti pa ay matulog kana.
Kate : salamat!
.
At tuluyan ng pumasok si Katelyne sa loob ng kwarto..si Alvin naman ay pumasok na din sa kwarto niya..nahiga na si Katelyne sa kama pero hindi pa siya natutulog. Iniisip pa niya yong nangyari sa kanya,
.
Malaki ang pasalamat niya sa Poong may Kapal na mabuti na lang ang nakatagpo niya si Alvin, paano na lang kung hindi, siguro ngayon, wasak di lang ang pagkababae nia kundi buong pagkatao niya!!!
.
Kate : salamat Alvin!(mahinang sambit niya!)
.
Iniisip niya si Alvin, labis siyang humanga sa lalake, dahil napakabuting tao ni Alvin, sa isip pa niya na siguro daw ay masarap magmahal ang binata, at naiisip pa niya na paano daw kaya kung mauwi sa pag-ibig ang pagmamalasakit ng binata sa kanya..
.
Kate : ano ka ba Katelyne ikakasal na yong tao!!(saway sa sarili)
.
Dahil hindi tama na isipin niya iyon dahil ikakasal na nga ang binata, at sa isiping ikakasal na ang binata ay parang may kung anong kumurot sa dibdib niya. Pero sa isip pa din niya ay parang ayaw na niyang malayo sa binata, parang natatakot siyang malayo kay Alvin, parang hindi siya safe kapag malayo sa binata..hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iisip kay Alvin..at hanggang sa lumipas ang magdamag, ay nagising si Katelyne na hindi maganda ang pakiramdam, tinungo muna niya ang banyo sa loob ng guestroom at naghilamos siya, medyo nahihilo siya, at isa pa problema niya wala siyang kagamit-gamit ni walang toothbrush at mga damit..pagkahilamos niya ay nagpasya siyang bumaba ng bahay baka sakaling gising na si Alvin ay sasabibin niya ang problema niya na wala siyang magagamit na damit at iba pang personal na gamit..ngunit pagbaba niya ay hindi niya nakita si Alvin, kaya nagpasya siyang pumunta sa garahe, para tingnan kung naroon ang sasakyan ng binata, naroon naman ito, pero hindi niya nakita ang binata roon sa ibaba, kaya sa isip niya ay baka nasa kwarto pa ang binata, nakaramdam ng pagkalam ng sikmura ang dalaga, naka-amoy siya ng mainit na kape kaya nagpasya siyang pumunta sa kusina, kaya siguro hindi maganda ang pakiramdam niya ay dahil gutom siya, maghapon kasi kahapon ay wala man lang siyang nailagay na pagkain sa kanyang sikmura, dahil madaling araw pa lang ay sumabak na nga siya sa paglilinis ng bakuran at bahay ni Anita, pagkatapos maglinis ay sinunod naman ang pagluluto ng almusal, at nang makatapos makaluto ay inumpisahan muna niya ang mga...