MY POSSESSIVE BROTHER CHAPTER 3


MY POSSESSIVE BROTHER ( SEASON 2 )
CHAPTER 3
YAWN’S P.O.V
“Morning mom, morning dad, morning little sista”, bati ko sa kanilang lahat nang makababa ako nang hagdan. Sinadya ko talagang gumising nang maaga dahil susunduin ko ang little princess ko.
“Oh, bakit ang aga mo naman yata?”, takang tanong ni mom.
“Its because, susunduin ko ang anghel ko mom”, malapad ang ngiting saad ko.
“And who’s that girl yawn?”, ani ni dad at sumimsim sa kape nya.
“Her name is megan dad, Next time I will take her here to the house so you can meet her”, ani ko.
Tumango tango naman si mom at dad.
“So, panu ba ‘yan. Aalis na po ako”, paalam ko sa kanila.
Humalik muna ako kila mom at dad bago umalis.
“Take care son”, pahabol ni dad.
“Thanks dad, u too”, ani ko.
Ginamit ko ang kotse ko at dumaan sa subdivision nila megan. Tamang tama pagdating ko ay nakaabang na ito sa tapat nang gate nila.
Nakangiting lumabas ako at pinagbuksan sya nang pinto.
“Kanina ka pa nag aantay?”, tanong ko.
“No, kakalabas ko palang”, nakangiting ani niya.
Inalalayan ko syang sumakay sa kotse ko pagkatapos ay nagtungo sa front seat at nagsimula nang magmaneho.
“Have you had breakfast yet?”, tanong ko habang ang mata ay nasa daan.
“Hmm no, how about you?”
“Not yet, sa school nalang tayo kakain hah. Libre ko”, ani ko.
Ngumiti lamang ito.
Pagdating namin sa school, ay pinagkaguluhan kami nang mga tao. Eh, ano pa ba? sikat yata kami sa campus, binansagan na nga kaming mag couple eh.
Pinark ko ang kotse ko at hawak kamay na naglakad kami ni megan papasok. Kitang kita ko ang pamumula sa mga pisngi nito, ang kyut nya.
Dumiretso kami sa restaurant nang school namin at ako na ang nag order.
“Here”, ani ko at nilatag ang mga dala kong pagkain sa table.
“Wow, andami naman nyan. Tataba ako sayo nyan eh”, natatawang ani nya.
“Hehehe, ayaw mo nun. It’s okay for me kahit tumaba ka pa, basta para sakin ikaw pa rin ang pinaka magandang babae sa mata ko”, ani ko at nag puppy eyes.
“Yieee, kaw talaga yawn kahit kailan ang sweet mo”, kinikilig nyang ani.
Nginitian ko sya, nagsimula na kaming kumain.
Hindi pa nga ako nangangalahati sa kinakain ko nang maagaw nang mga taong nagkakagulo ang atenyon ko.
Nagtatakang nilingon ko kung saan nanggaling ang pinagmulan nang kombulsyon na yun.
“Nerdy ka na nga, ang landi mo pa. Akala mo ba hindi namin nakita ang sadyang pagbangga mo sa papa yawn namin, may pa dulas dulas effect ka pa masalo ka nya”, rinig kong sigaw nang babaeng mukhang clown ang mukha dahil sa kapal nang make up.
“Lagot ka sa mama megan namin...


kapag nalaman nya”, ani rin nang isa.
Kita ko kung paano takpan nang nerd na yun ang isang tenga nya, samantalang ang isa ay nasa taas nang ere, sign na pinapatigil nya ang mga ito dahil ang ingay.
“Tumahimik nga muna kayo, ang kukulit nyo rin eh noh? sinabi ko naman’g hindi ko sinasadyang madulas at tsaka sinabi ko bang saluin ako nang gonggong na yun? aba, sobrang gwapo naman yata ang tingin nya sarili nya para gawin yun, ano sya superhero?”, sagot nya.
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nito.
HANUDAW? ako? gonggong? ABA!
Inis na tumayo ako.
“Hey yawn, where are you going?”, sigaw ni megan.
“Wait me here, may kaklaruhin lang ako”, ani ko at nagsimula nang maglakad papunta sa nerd na yun.
Aba! hindi yata ako makakapayag na tinatawag akong gonggong. Sa gwapo kong to?
Agad naman nagsitabihan ang mga nakaharang sa daan, ang kaninang nakatumpok na estudyante ngayon ay nasa tabi na.
Kami nalang ni nerd ang nasa gitna, inis na tiningnan ko ito.
“What did you say? pardon?”, ani ko.
Humalakhak ito.
Aba at iniinsolto pa ako!
“Gwapo ka sana kaso bingi naman, mahal na ba ang cotton buds ngayon?”, natatawang ani nya.
Sh*t damn this girl.
Nilapitan ko ito tsaka kinorner sa pader, ilang inch lang ang dipa nang mukha nya sakin. Gulat na napatingin ito sakin.
“Ngayon mo sabihing gonggong ako”, nakangising ani ko .
Napalunok ito nang sunod sunod.
“W-wala naman a-akong sinabi ah. T-tsaka totoo naman na gonggong ka, sino ba nagsabi sayo na saluhin mo’ko, tingnan mo tuloy pinagkakaguluhan ako nang mga balyena mong fans”, tila inosenteng ani niya.
Cute!
Hah? yawn, stop that. Hindi sya cute.
“What? balyena daw tayo?”
“She’s crazy”
“I hate her”
Napangisi ako lalo dahil sa narinig ko, hindi man ako makakaganti sayo ngayon atleast ang mga fans ko na ang bahala sayo.
“Next time na marinig ko pa yan ulit sayo, ihanda mo na ang sarili mo sa susunod na gagawin ko”, ani ko tsaka sya hinalikan nang smack sa labi na ikinapula at ikinalaki nang mga mata nito.
Alam kong hindi yun nakita nang mga tao sa paligid namin dahil mabilis ko lang namang ginawa yun. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko yun nagawa, ang alam ko lang ay nagkusa lang ang sarili ko na gawin yun.
Wala sa sarili na bumalik ako sa table namin ni megan.
“Oh, what happened?”, nag aalalang tanong nito.
“N-nothing. Let’s continue our breakfast?”, ani ko at ngumiti naman ito.
Ano bang nangyayari sakin? bakit ako nagkakaganito?
Matapos naming kumain ay inihatid ko na si megan sa room nya, pagkatapos ay dumiretso ako sa room namin dahil magsisimula na ang klase.
Natapos ang buong discussion na wala akong natutunan. Masyado akong lutang at parang lumilipad ang utak ko.
— Blythe ✍






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top