MY PROBINSYA SLAVE Chapter 1


MY PROBINSYA SLAVE
AUTHOR : 😂 MERCEDEZ
Chapter 1; Welcome to City
“Our weh hear sir?” Tanong ko kay sir ng dinadalaw na ako ng antok sa sobrang tagal ng byahe.
Hindi nya ako kinibo ni tignan nga hindi nya ginawa eh. “Bakit ang tahimik mo sir? Ano nga palang pangalan mo? Kaylan birthday mo? Ilan taon kana?” Sunod-sunod na tanong ko.
“D4mn you woman!” Galit na sigaw nito bago biglang nagpreno kaya nauntog pa ako. Galit na galit yata sakin, wala naman akong ginagawa.
“Demonyo karin sir!” Balik na sigaw ko syempre papatalo ba tayo. Oo probinsyana ako, pero marunong rin naman ako lumaban. Papatol ako kahit ayain nya ako ng suntukan eh.
“Can you please shut up your f*cking mouth?”
Ay nag English si boss papatalo ba ako?
“And please don’t you Dare speak in English,” habol nya.
Magsasalita palang ako para pakitaan sya tapos binasag na agad trip ko. Ang sama ng gungong na ‘to ganito ba talaga sya kasungit? “Way way way delayla? Way sir hindi mo me gusto mag talk ng English?”
“Ano conyo ka narin ba ha?” Inis na tanong nito na tinawanan ko lang.
Para kasi syang pinaglihi sa sama ng loob sa itsura nya hahaha. Bigla akong nalungkot ng maalala ko yung aso naming si Béklog. Sino ng tatabi sakanya matulog? Panigurado matatakot yun sa labas, tapos lalamigin pa. Hindi rin sya tiyak paliliguan ni Itay tamad kasi ang itay eh.
“Why are you crying probinsyana?”
Nagpahid ako ng luha at tumitig sakanya. “No woman no cry sir,” sagot ko habang pinipigil ang luha ko. Napailing lang sya habang sa daan parin ang focus.
“Hey, gumising kana. Nandito na tayo sa bahay never kitang bubuhatin kaya wag kang pakunwaring tulog.”
Natawa ako bago nag inat at humikab sinabay ko narin ang pag amoy sa hininga ko, medyo okay pa naman. Wala pang amoy bukas nalang siguro ako mag sipilyo noh?
“Try lang naman sir eh.” Sabi ko bago bumaba sa sasakyan at tuloy tuloy na pumasok sa bahay nila ng walang pasabi.
“Oh, who are you again iha?” Tanong ng matandang prenteng nakaupo habang nag ka-kape.
“Dad, she’s the daughter of Manong Pedro and I hate her. Don’t you Dare hired that probinsyana.”
Pinagmasdan ko lang sila at hindi ako sumabat. Ayaw ko makisali sa usapan o pagtatalo ng ama at anak, baka lalong hindi ako matanggap.
“Iha, maari kanang umakyat para makapag pahinga sasamahan ka ng anak ko sa kwarto mo.” Mahinahong sabi ng matanda sya yata si Sir David na amo ni Itay Pedro dati.
“Sir? Sasamahan po sa kwarto ako ng anak nyo?! Paano nalang pala kapag inano nya na ang ano–” Natigilan ako at nanlaki ang mata. “Hindi Pa pwedeng ma ano ang ano ko!”
Sinamaan ako ng tingin ni Kyo at yung papa nya na si sir David naman ay natawa bigla.
“See?!” Galit na sabi ni Kyo sa Papa nya at parang may ipinapaliwanag Pa rito.
Sea? Ibig sabihin may outing kami, excited na ako ehehe.
“I told you dad! She’s unbelievable, stúp1d and disgústing creature.” Pakikipag talo nya pa kay Sir David kaya mas nalito ako. Siguro pinupuri nya ako sa harap ng Daddy nya kasi si Tatay Pedro ang nag rekomenda sakin, o pwede ring nilalait nya ako kasi inggit sya sakin.
Nag init ang dugo ko at parang aakyat na sa ulo ko kaya lumapit ako sakanya at ibinigay ang nararapat sa gaya nya.
“Anong problema mo?! Dad, you see that? She slapped me without any reason, so stupid.”
“Sinampal kita kasi sinasabihan mo ako ng masama gag* kaba! Wala naman akong ginagawa sayo ah?” Balik na bulyaw ko at muli syang inambahan.
“Dad please, do something. Last na hiling ko na ‘to sayo hindi na ako magiging pasaway promise Dad!” Hinawakan nya Pa ang kamay ng Papa nya at nakikiusap.
“Sorry, can’t do that iho. Pedro recommend me his daughter, at itong...


si Chichay kaylangan nya ng trabaho habang nag-aaral rito.”
Parang lumaki ang ulo ko dahil sa pagtatanggol ni sir Dave. “Paano ba yan panalo ako? Bwahahahahahaha. Tank you sir,” matamis na wika ko sabay kindat sa anak nya na parang iniinis Pa ito.
“Thank you not tank you iha,” pagtatama ni Sir Dave.
“Ah, okay salamat sir.”
“D4mn, so stupid.” Narinig ko pang bulong ni Kyo bago marahas na nag buga ng hangin at napakamot sa ulo.
Gusto ko syang iniisin pa lalo. Minamaliit nya kasi mga probinsyana kaya masisiraan sya ng bait sakin.
“Ako ang bato na pinulot mo at ipinukpok sa ulo mo Kyo,” pang-iinis ko pa habang hirap na hirap syang ipasok sa kwarto ko ang kagamitan ko.
Pakiramdam ko hindi katulong ang pinasok ko rito. Ang laki kasi ng kwarto ko at pag-aaralin pala nila ako, si Itay talaga wala man lang sinabi sakin.
“Isa kalang kutong lupa na hindi ko matiristiris hanggang ngayon, pero tandaan mo na hinding hindi mo ako mapapabagsak.” Nakangising wika Pa nito bago pinitik ang nuo ko.
“Weh? Tingin ka sa salamin e, stress na stress na ‘yang itsura mo.”
Inirapan lang nya ako bago padabog na sinara ang Pinto.
Anong problema nya?
Napailing na lamang ako at isa isang inayos ang mga gamit ko, after ko maisaayos ay bumaba na ako upang mag handa ng hapunan naming tatlo.
Bakit ba kasi ako lang ang kinuha nila? Sa sobrang lawak ng bahay nila hindi ko alam kung malilinis ko ba sya ng isang araw lang.
“Sir,” tawag ko sa Papa ni Kyo.
Agad naman itong lumingon at iniwan ang ginagawa nyang pagbubungkal ng lupa sa maliit lang nya na garden.
“May problema ba iha? Did he do something bad to you?” Agad na tanong nya na ikinailing ko naman.
“He did not bad do me something,” sagot ko. Napakamot ako sa ulo. Nabalibaliktad ko yata ang salita ko mas mabuti siguro Tagalog nalang, at kaylangan ko pang ipractice ang salitang English.
“Ang ibig ko po sabihin wala po sya ginawa sir, wala pa waiting pa ako. Bale itatanong ko lang po kung ano ulam ang gusto ninyo?”
Mahina syang tumawa bago sumagot. “Kahit ano basta makakain Chichay,” sagot nya bago bumalik sa ginagawa nya.
Napatango ako at nag tungo sa kusina. “Asan na ‘yung mga gatong dito? Bakit iba ang lutuan nila? Parang nakasaksak lang sa kuryente? O kaya kahit gasul, pero wala eh.”
Parang timang na kinakausap ko ang sarili ko.
Sinilip ko sa sofa si Kyo at nakita ko nga sya na busy sa pagtitipa sa cellphone nya.
“Pwedeng maistorbo ka?” Tanong ko.
“Problema mo?” Tanong rin nya.
“Magluluto ako bakit ikaw anong iniiyak mo?” Inis na tanong ko na naman habang nakapamewang na sa harapan nya.
“I’m not crying,” walang emosyong sagot nito.
“I’m not crying nyenyenyeh,” pang gagaya ko sakanya.
“Inistorbo mo lang ba ako para asarin ha?”
Inayos ko ang sarili ko. “Itatanong ko lang paano ba gamitin ang dekoryenteng lutuan na nasa kusina nyo? Kasi sa kahoy lang ako marunong eh.”
“Pindutin mo yung on tapos makakapagluto kana,” inis na sabi nya bago nag focus na sa cellphone nya.
Hindi ko nga kasi alam kaya nagtatanong ako eh. Bahala na nga, basta pindutin daw ang on tapos okay na gagana na.
Ginawa ko nga ang bilin nya at bigla nalang —
“What the! Terorista kaba ha?! Ang galing mo mag pasabog!” Sigaw nya sakin habang hindi makapaniwalang nakatingin sa lutuan nila.
Hindi ko naman sinasadyang mapasabog eh.
“Basic lang kasi yan kung kahoy ang gamit ko eh. Magaling ako magparingas. Hindi pa aksayado sa kuryente.” Depensa ko pa habang nakayuko at hindi mapakali dahil sa takot. Hindi naman masyado malakas pag sabog, mas sabog pa nga yung adik eh.
“Welcome to city,” sarkastikong sambit nya.
A/N : Kawawang Chichay hirap pa mag adjust HAHAHAHA. Anyways comment your reactions gusto ko mabasa 😜





1
Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Angelina Lamberte

    pa ano ba to

Leave a Reply


top