PANAGINIP LAMANG🍒
Part 1~
May mga bagay na nangyayari satin na para bang panaginip lamang kasi hindi tayo makapaniwala sa mga nangyayari. Ganyan na ganyan yung naging karanasan ko sa love! Yung hindi ko inasahang mangyayari ay nangyari.. Kahit napakaimposible.
Familyar ba kayo sa Kanta ni Alex Gonzaga? Yung “Panaganip lamang?” ganyan na ganyan kasi yung isturya namin ni.. Opps ang daldal ko na! Mabuti pang simulan ko na ang kwento.
___
First day of school pero late ako buti nalang mabait yung teacher sa first period kaya wala akong naging punishment. Bagong school ko toh kaya kailangan kong magpakabait.
Nasa kalagitnaan kami ng pre-test ng maubos yung tinta ng ballpen ko. Kung minamalas nga naman. Firstday of school na ubusan ng tinta ballpen? Hayss Oo nga pala! Naiiwan ko yung isang box ng ballpen sa kwarto ko! Akala ko kasi marami pang laman ang pvtik na ballpen na toh.. Sayang naman kasi. Hayss ano na ako ngayon?
Nilingon ko yung katabi ko. Inferneshh.. Gwapo siya mga beh! Gosh, yung puso ko gusto na atang lumabas. Ang bilis ng tibok mga beh! Matangos ang ilong. Makapal ang kilay, mahaba ng pilik mata at.. Nagulat ako...