My Unexpected Love Part 5


My Unexpected Love ”
{ Part 5 }
[ BL Series ]
Andrew POV
” Angelo ! Anong ginagawa mo dito ? ”
Umayos ito ng tayo at dahil matangkad siya at dakila akong maliit naka tungo pa ako sakanya habang naka yuko naman siya.
“May kukunin lang akong Form sa school . Ikaw ? anong ginagawa mo dito ? Saka..” At tinignan ang relo niya ” Anong oras palang ah ! Uuwi ka na agad ?”
Napa ngiwi naman ako sa tanong niya
Bulag ba ‘to ?
” Tignan mo’ko” Ani ko bago itinuro ang sarili
“Mukha kang kawawa ” Direktang sagot niya. Napa irap naman ako sa hangin.
“Alam ko. Saka ito ang dahilan kung bakit uuwi na agad ako kahit ganitong oras palang ”
“Si Franco nanaman ba ?” Tanong niya. Mukhang alam niya na agad kung sino ang may gawa kung bakit ganito ang itsura ko ngayon.
“Sino pa ba ?” Sarkastikong tanong ko. Huminga Ito ng malalim dahil sa sagot ko
“Let me treat you lunch. Gusto ko mag sorry dahil sa naging asal niya sa’yo ” Kumaway naman ako sa hangin.
“Tsk ! Kung may dapat mag sorry siya ‘yon ” Ani ko bago nag iwas ng tingin.
Totoo naman diba ? kung sino may nagawang mali dapat siya Yung mag sorry tsk.
“Okay I understand ! Pero ayaw mo ng lunch ?” Napa lingon naman ako sa tanong niya. Naka tingin lang ito sa’kin habang tumataas baba ang kilay
Arghh ! Gwapo naman nito
“Kung aayain mo’ko ng date papayag ako. Pero dahil inaya mo’ko para kumain why not di ba ? Sino naman ako para tumanggi sa grasiya ?” Napa tawa naman siya sa sagot ko
“If that so then let’s go ?” Tumango naman ako ” Akina na bag mo” Ani niya at akmang kukunin ang bag ko sa’kin ng ilayo ko ‘yon
“Baliw ka ba ? kita mo namang puro pintura tapos kukunin mo, Ako na magdadala saka magaan lang naman ‘to e , pero pwede bang dumaan muna tayo sa dorm ko ? magpapalit lang ako kasi… sobrang lagkit ko na !” Ani ko at tinignan ang sarili. Mukha namang naiintindihan niya ako
” Huwag na ! Bumili nalang tayo ng bago ” Ani niya.
Tatanggi pa sana ako pero mukhang hindi naman siya papaawat kung hindi ako susunod e kaya hinayaan ko nalang.
Naglakad nalang kami pa puntang mall dahil malapit lang naman yun sa school at dahil wala rin pala siyang dalang sasakyan, gusto niya kasing maranasan maglakad e dahil ang ganda daw ng panahon.
Ganon pala kapag may sariling sasakyan noh ! maglalakad lang kapag trip nila. Ako nga e ! Nag lalakad lang mula dorm hanggang school minsan naman commute sa jeep pa. Pero masaya sumakay sa jeep noh ! Mahangin saka mura lang hehe.
Tulad ng napag usapan ay dumiretso kami sa mall at bumili ng pamalit ko. Hindi ko nga alam kung gaano ako katagal sa Cr para lang mahinawan Yung buhok ko at matanggal lahat ng pintura sa katawan. Dapat kasi dumeretso nalang kami sa bahay e. At tulad ng inaasahang Hindi talaga maiwasang pag tinginan kami ng mga tao sa loob ng mall. Ikaw ba naman isang Gwapong lalaki na perfect na perfect e may kasamang mukhang basang sisiw-este sisiw na puro pintura, sinong hindi mapapalingon diba ?
Nakakahiya tuloy. Buti nalang talaga at pinahiram muna ako ni Angelo ng Jacket na suot niya bago kami pumasok sa loob ng mall, Hindi masiyadong halata.
Matapos ko magbibis ay dumeretso kami sa isang kainan dito sa loob ng mall. Pero dahil Friday ngayon at maraming tao ang nag gagala ay napadpad kami sa Isang Cafe na dito lang din sa loob ng mall. Buti nalang talaga at wala masiyadong tao sa loob ng cafe at may na pwestohan pa kami at yung balak naming lunch ay na uwi sa desert
Mabubusog kaya kami sa Cake at Kape ?
At Habang naglakad kanina ay napagusapan din namin ang ilang araw niyang pag absent. Namatay pala ang lola niya at noong isang araw lang nilibing. Tilungan niya rin ang Mommy niya sa pag aasikaso at dahil dalawa nalang silang dahil Patay na rin ang Daddy niya kailangan niyang tulungan ang mommy niya. Sobra akong naawa sakanya habang nagk-kwento siya tungkol sa Lola niya, Sobrang malapit silang dalawa dahil nag iisang apo lang siya. Tulad niya kasi ay nag iisang anak lang ang Mommy niya kaya naman sobrang malapit siya sa Lola niya.
Ang swerte ko dahil nakasama ko rin ang Lola ko ng matagal bago siya mawala. Pareho lang pala kami ni Angelo na nag iisang anak ang pinag kaiba lang namin ang istado sa buhay. Mayaman siya habang ako mahirap lang, kailangan pang kumayod para lang makapag aral. Ma swerte nga siya kasi nandiyan parin ang mama niya at nakakasama niya pa, E ako ? Wala na ngang mama wala pang papa.
Pareho silang nawala simula maliit palang ako. Si Lolo at Lola na ang nag palaki sa’kin noong maulila ako. Kaya noong mawala silang pareho sobrang sa’kin para sa’kin. Pakiramdam ko Hindi na ulit ako makaka ahon.
Kaya sa tuwing nakaka kita ako ng buong pamilya naiinggita ko. Naiisip ko tuloy ano kayang pakiramdam ng may Nanay at tatay ? Ano kayang pakiramdam na may tatay na p-protekta sa’yo kapag may umaaway sa’yo sa school ? Yung tutulungan kang maging malakas para maipag tanggol yung sarili mo. Ano kayang pakiramdam ng may Nanay na ipagluluto ka ng paborito mong pagkain ? Yung tipong mag aalaga sa’yo kapag may sakit ka. Yung pamilya na masasabihan mo ng lahat ng problema mo. Ano kayang pakiramdam ? sana kahit isang beses naranasan mo manlang.
Nabigay naman nila Lola at Lolo lahat ng pagmamahal na kailangan ko e ! pero iba parin kapag galing sa totoong nanay at tatay mo. Kung nandito kaya sila mama at papa hindi kaya ganito magiging buhay ko ?
“Hoy ! Okay ka lang ? kanina ka pa tulala ” Bahagya naman akong nagulat ng pumitil si Angelo sa harap ng mukha ko.
“H-ha ? Oo, masarap yung cake ” Ani ko at tumikim ng cake na inorder ni Angelo sa’kin.
Kita ko naman na napa ngiwi siya
“Hindi ko naman tinatanong kung masarap yung cake e ! Ang tinatanong ko kung bakit kanina ka pa naka tulala. Hayss ! Halatang naglalakbay kaluluwa mo !” Ani niya at tumikim sa kape niya na kasama niyang inorder sa cake ko. ( Ha ? Ano daw Ken ? kalito ka hahaha )
Kape lang inorder niya kasi hindi siya mahilig sa matamis
“Ay heheh ! Sorry hindi ko kasi maintindihan sinabi mo e, may iniisip kasi ako kanina ” Napapahiyang usal ko
“Tsk ! Halata nga. ” Ani niya. Napapahiya naman akong yumuko at kumain nalang ng cake.
Ilang Segondong walang nag iimikan sa’min ng siya na mismo ang magsalita
“Andrew I want to say sorry for what Franco did to you. He’s being childish again kaya nga niya ‘yon ginagawa ” Biglang usal niya. Marahan ko namang binaba ang tinidor na hawak bago isinandal pareho ang braso sa ibabaw ng lamesa. Nilingon ko siya kaya nagtama ang paningin naming dalawa.
” Di ba sinabi ko...


na sa’yo, na kung sino ang may kasalanan dapat siya ang mag sorry. Wala ka namang ginawang masama sa’kin e si Franco lang. kaya bakit ka mag so-sorry ? Hayaan mong siya mismo ang lumapit sa’kin para mag makaawang oatawarin ko siya. Kung luluhod siya sa harap ko baka ‘ BAKA’ mag bago ang isip ko at patawarin ko siya ” Ani ko at muling inabot ang tinidor at kumain ng cake.
“Kilala naman si Franco di ba ? I don’t think na gagawin niya ‘yon–”
“Alam ko” Pag puputol ko sa sinasabi niya. Akmang magsasalita pa siya ng pigilan ko ulit siya at muling magsalita.
“Alam kong hindi niya ‘yon gagawin ‘ Sa ngayon’ kaya nga hihintayin ko e! Hanggat hindi niya naiisip ang mga mali niya hindi ko siya patatawarin. Ibully niya lang ako hanggat gusto niya , iipunin ko lang lahat ng ginawa niya para kapag handa na siyang lumuhod sa harap ko at mag makaawa, pweding pwede kong isumbat sa kanya lahat ng ginawa niya sa’kin. ” Ani ko at muling sumandok ng cake sa tinidor at kinain ‘yon. ” Ano ka ba ! Ano bang tingin mo sa’kin ? walang gagawin at mananatili lang sa isang tabi ? tsk Hindi ako ganon kabait noh ! kung gusto niya makipag laro edi pagbibigyan ko siya. Saka sigurado akong magsasawa din ‘yon. Kaibigan mo siya diba ?” Tumango naman siya ” Oh diba ! Edi dapat alam mo kung anong ugali niya. Mag sasawa din ‘yon sa kademonyohan niya at kapag wala na siyang maisip na kagagohan sa’kin it’s my turn to fight right ? Edi ako naman tsk. Madali lang naman ‘yon e ! kailangan ko lang ng oras ” Mahabang paliwanag ko.
“Alam naman natin ang dahilan kung bakit galit na galit siya sa ‘kin e ! ”
“Dahil sa Sexual Orientation mo ?”
“”Tsk ! Ano pa ba ? e yun lang naman dahilan kung bakit galit na galit siya sa’kin e. Ayaw niya sa’kin dahil sa pagiging bakla ko. Pero anong gusto niyang gawin ko ? Baguhin ang sarili ko para lang sabayan yung pagiging childish niya ? tsk Asa siya. ”
Tumango-tango siya dahils a sinabi ko.
Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko lahat ‘to sakanya, e kaibigan niya si Franco. Siguro dahil trip ko lang ? tsk kahit namn sabihin niya wala parin naman magbabago sa plano ko e. Gaganti at gaganti parin ako sakanya. Hanggang siya naman yung mag makaawa sa’kin.
Ipanalangin lang talaga ng Franco na ‘yon na mag bago ang isip ko PERO KAHIT LAHAT PA NG DEMONYO TAWAGIN NIYA HINDI NA TALAGA MAGBABAGO ANG ISIP KO !!! MATITIKMAN NIYA ANG GANTI NG ISANG APIIIII ! teka– iba na ata ‘yon ah ! ah nevermind.
“Hindi ka ba natatakot na baka sabihin ko sakanya lahat ng plano mo?” Umiling-iling naman ako
“Hindi”
“Bakit ?”
“Hindi lang ! Edi sabihin mo! Ibig sabihin lang non dumagdag ka na rin sa mga pweding mambully sa’kin. Bakit ? sasabihin mo ba ?” Seryosong tanong ko habang direktang naka tingin sa mga mata niya. Umiling siya
“No !”
“Edi No ! ” Ani ko at tuluyang inubos ang cake na nasa palato ko.
“Tapos na ako ! Kaya uuwi na ako. Salamat sa libre ha ! ” Ani ko at saka kinuha ang paper bag na ang laman ay bag ko. Binili niya rin yun kanina kasabay ng damit ko, tumutulo Kasi yung pintura na nangagaling sa bag e kaya napa galitan kami ng guard kanina kaya ayon bumili nalang din siya ng paper bag.
Muli akong humarap sakanya
“Babayaran nalang kita sa nagastos mo sa damit. Abot ko nalang kapag may pera na ako ”
“Ha ? huwag na ! Isipin mo nalang libre ko din ‘yan sa’yo ” Aniya. Kumaway naman ako sa hangin
“Tsutsuts ! Babayaran kita dito okay ? Ayukong may utang na loob sa ibang tao, pero yung cake libre mo ‘yon, you insist right ?” Tumango siya ” Good ! kaya hindi ko an ‘yon babayaran ” wala naman na siyang nagawa at pumayag nalang din.
Sumabay na rin pala siya sa’kin sa pag labas ng mall dahil babalik pa siya ng school habang ako naman dideretso na pabalik ng bahay. Saan pa ba ako pupunta ? e mamaya pang alas siyete ang part time job ko. Nag ta-trabaho kasi ako bilang waiter sa isang bar hindi kalayuan sa school. Ilang buwan palang ako dun at tuwing Friday to Sunday lang ng 7 ang pasok ko at natatapos ng 2 am ng madaling araw. Kahit puyat at nakaka apekto sa pag pasok ko ng maaga sa school ay pinatos ko pa rin. Malaki kasi ang sweldo at maganda ang trato ng mga kasamahan ko, lahat sila mababait lalo na si boss Nathan. Manager namin sa bar.
Sayang din kasi, pang dagdag allowance sa school at gastusin pag araw-araw. Mag-isa nalang ako sa buhay kaya kailangan kong mag sikap. May scholarship naman ako kaya hindi ko na kailangang mag tuition sa school, saka may natatanggap din naman ako dahil kasali ako sa scholar kaya doon ko nalang kinukuha yung ilang pangangailangan sa school tulad ng mga projects.
Kaya ko naman e ! Kahit mag Isa lang. Huwag lang talaga mawala Yung scholarship ko. Kung sakali baka hindi na ako makapag tapos ng college. Nangako pa maman ako sa Lolo at lola ko na mag tatapos ako kahit na anong mangyari.
Kaya sana lang talaga hindi saniban ng kademonyohan yung Franco na ‘yon.
Pagkalabas nga namin namin ni Angelo sa mall ay nag aya pa siya na ihatid ako pero dahil nga dadaan pa siya ng school at malapit lang naman ito sa dorm na tinitirhan ko at wala din siyang dalang sasakyan ay hindi na ako pumayag. Ilang minuto pa kaming nag pilitan pero tuluyan din siyang sumuko . Pero nag insist siya na ihanap nalang ako ng masasakyang taxi sinabi ko naman na sa jeep nalang para mas mura pamasahe pero mas mabilis at safe daw kapag Taxi, tatanggi pa sana ako pero nagpulumilit talaga siya at siya naman daw Ang magbayad kaya hinayaan ko nalang. Pero sabi ko iasasabay ko nalang yung ginastos niya sa taxi sa utang ko na damit at pumayag na din siya para hindi na magtalo pa
” Ingat ka !” Ani niya bago ako pinagbuksan ng pintuan sa passenger seat ng taxi. Tumango ako bago pumasok sa taxi
“Ingat ka din ” Ani ko. Tumango siya bago matamis na ngumiti. Nagsimula naman na paandarin ni manong driver ang taxi bago tuluyang umalis.
Mula sa side mirror ng sasakyan ay nakita ko pa rin itong naka tayo habang tinatanaw kami.
Hayss ! Ang pogi niya talaga ! Gentleman pa. pero hindi ko parin pweding kalimutan na Kaibigan siya ng Franco na ‘yon. Mas matimbang parin ang pagkakaibigan nila kesa sa’kin. Saka sino ba ako sakanya ?
Wala naman kaalam-alam si Angelo at Andrew na simula kanina habang papasok sila ng Mall ay may matalim ang tingin ng kung sino ang naka tanaw sakanila sa malayo.
[ End ?? ]
Kidding…..
A/N: Hindi ko alam kung paano ko ‘to nasulat kasi ang nasa utak ko lang yung confession na gaagawin ko mamaya HAHAHAHAHAHA Arghhh !!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top