NIGHTMARE TALES(SEASON 2


NIGHTMARE TALES(SEASON 2
“Pugon”
πŸ–ŠοΈR.V Nightmare
Magandang gabi sa inyong lahat ako si Zylor at narito ako para ilahad ang aking kuwento.
Bago lang pasok dito sa panaderia na malapit sa amin.
Madali ko lang natutunan ang mga gawain dito, sapagka’t may kaunting kaalaman ako sa pagluluto ng tinapay.
Oo sa una mahirap pero nasayanan lang, tiisan ng init kahit tagaktak na ang pawis at ngalay dahil sa pagmamasa ng tinapay.
Isa nga rin pala ito sa mga sikat na panaderia sa aming lugar dahil sa sarap ng aming paninda.
Ala-sais pa lang ay pinipilahan na kaya talagang mabilisan ang trabaho namin dito.
Nang minsan akong maiwanan sa kusina ay naisipan kong ilibot ang aking sarili sa loob nito.
Makabago ang lahat ng gamit dito at sobrang linis isa na rin sa dahilan kung bakit pinagkakatiwalaan.
At sa paglilibot ko ay napansin ko ang isang lumang pugon.
Sa katunayan ay matagal ko na itong nakikita ngunit ngayon ko lang binalak na tingnan.
Bakas na rito ang kalumaan at hindi paggamit ng matagal.
Kinuha ko ang selpon ko para kuhaan ito ng litrato dahil lubos akong namangha.


/> Hilig ko rin kasi ang mga lumang kagamitan.
At pagtitig ko sa aking nakuhang litrato ay laking gulat ko nang may lumitaw na mukha ng tao rito.
Agad kong binitawan ang aking selpon para tingnan ang pugon.
Subalit bigla nalang lumiyab ang apoy sa loob nito. At dito ay naririnig ko ang nagmamakaawang Lalake.
“Tulungan niyo ako!”
Napa-atras ako sa sindak. Hindi ko maialis ang tingin ko rito na para bang may nagsasabi na rito lang ako at h’wag umalis.
Hindi magtagal ay lumitaw ang isang Lalake na sunog ang katawan dito. Unang lumabas ang kamay mula sa nagbabagang apoy hanggang sa buong katawan.
“Tulungan mo ako!”
pagmamakaawa nito.
Tila sementong tumigas ang dalawang paa ko sa aking kinatatayuan hindi ko magawang tumakbo at magsalita.
Habang ang Lalake sa pugon ay unti-unti ng nakakalapit sa akin, tanging pagpikit ng mata nalang ang nagagawa ko at nang.
Biglang dumating ang katrabaho ko at nadatnan niya akong nakapikit at tila may iniiwasan.
“Pre anong nangyayari sayo?”
Sa pagmuling pagdilat ko ay wala na ang Lalake sa pugon. At ang litrato niya sa aking selpon ay nanatiling naroon.
-Wakas-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top