NOT IN A PERFECT TIME


NOT IN A PERFECT TIME
It’s past midnight and the cold night air is hugging me. Humithit ako ng pangalawang beses sa sigarilyong hawak ko at bumuga ng usok.
“Bwesit.”
Napalingon ako nang may magsalita mula sa aking likuran. “Tsk, diyan ka pa kasi tumayo eh alam mong may naninigarilyo rito.”
“Kasalanan ko pa?” matapang niyang saad.
“Oo? kaya ‘wag ka magreklamo.”
“E, kung sapakin kita diyan?”
Natawa ako at nanahimik. Sinenyasan ko namang maupo siya sa tabi ko pero hindi ko aakalaing susunod siya. He sat beside me and the silence swallowed us.
“Hmm, bakit ka ginabi?” pambabasag ko sa katahimikan.
He took a deep breath. “I have a work this night and I am a… nevermind.”
“Sus, ano nga?” ani ko at hinintay siya magsalita pero nag-unahang magsibagsakan luha niya.
Pumikit siya at yumuko.
Dali-dali ko namang hinubad jacket ko at ibinigay sa kanya. “Oh, suotin mo ‘yan. Wala rin akong panyo at tissue kaya sorry. Gamitin mo jacket ko pampunas ng luha mo.”
Pakiramdam ko ako si kuya Wil HAHAHAHA.
Pinagmasdan ko siya at ngayon ko lang napansin na despite of wearing a full clothes, nakita ko ang ilang kissed mark sa kaniyang leeg and he has a make up on his face pero ‘di ‘yon halata kasi medyo nawawala na.
“Ayos lang kung ayaw mo sabihin,” saad ko at umiwas ng tingin. “Hindi naman kita pinipilit.”
Rinig ko ang buntong hininga niya. “I am a prostitute.”
Nagitla ako sa narinig but not surprised, tumahimik lang ako at tumango. Nagsindi na lang ulit ako ng sigarilyo at medyo dumistansya sa kaniya kasi baka magreklamo ulit na baka bugahan ko ng usok.
“Alam kong ganiyan i-re-react mo, lumalayo kasi lahat kapag sinabi kong ganito ako.”
Nangunot ang noo ko sa narinig at bumaling ng tingin sa kaniya. “Pinagsasabi mo diyan?”
“Bakit? Hindi ba?”
“Baliw. Nagreklamo ka kasi kanina dahil sa usok ng sigarilyo kaya dumistansya ako,” usal ko dahilan nang pagkagulat niya nang bahagya. “At saka, kung inaakala mong nandidiri ako o ano man ay mali ‘yan. Prostitute is just a word to me, it doesn’t affect me in any way. It’s a sex work and it’s still a job. You have my respect.”
Unti-unti na namang tumulo ang kaniyang luha na nagpataranta na sa akin.
“Hoy! Sorry naman, ano ba sinabi ko?” anang ko at tinapon na ang sigarilyo saka hinawakan siya sa magkabilang balikat.
Humarap siya sa akin nang umiiyak. “I have never been feel this w-way…”
“Huh?”
“You’re the first person who made me feel like I still deserve being respec—”
Hindi ko alam kung ano ang pumasok...


sa isip ko at niyakap siya nang mahigpit. Hinagod ko ang kaniyang likod at pinatahan siya. Mas lalo naman siyang umiyak sa ginawa ko.
“Stop crying, sorry to hear that.”
Tumalima naman siya at saka tumango.
“T-Thank you…” mahinang usal niya na nagpangiti sa akin.
“Maliit na bagay.”
Bumalot na naman ang katahimikan kung kaya’t napagdesisyunan kong hawakan ang kaniyang kamay. Tsansing amp.
“Uhm…” Binitawan ko kaagad ang kamay niya nang naramdaman kong mainit.
”Uy, gagi. Inaapoy ka ng lagnat.”
Hindi siya nagsalita at biglang nawalan ng malay. Nagulat ako sa nangyari at nagmamadaling binuhat siya, maingat ko naman sinakay sa loob ng sasakyan ko.
“Uy, gising? Hey?” tawag ko rito pero no response.
“Shit, this is bad.”
Mabilis akong nagmaneho papuntang hospital at saka siya pinaasikaso. Nagbayad na rin ako ng bills at saka umalis. Ayoko maging bantay niya hayst.

Napaupo ulit ako sa isa sa mga upoan dito sa park at saka nagsindi ng sigarilyo. Biglang sumagi sa isipin ko ang mukha ng lalaking ‘yon. Umiling naman kaagad ako, gagi iba na ‘to HAHAHAHA.
Kinikilig ako!
Natatawa tuloy ako, pero naisip ko bigla kung kumusta na kaya siya?
Bahagya akong nanlumo kasi ilang taon na ako wala sa pinas. Oo, ilang taon na ako dahil huling araw ko na talaga ‘yon dito bago ako tinawagan paasikasuhin ang kompanya.
Huling kita ko sa kaniya ay sa hospital.
I don’t know why I am longing for his presence. Bumibilis tibok ng puso ko sa tuwing naiisip siya at sa katunayan kaya ako bumalik dito dahil gusto ko magtapat sa nararamdaman.
Imposibleng makita ko pa.
“Ikaw ba ‘yan?”
Natigilan ako nang biglang may nagsalita sa aking likuran. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko, naghahalo ang aking emosyon.
Siya pa rin ang taong una kong nakita.
“I miss y-you…” wala sa sariling usal ko.
Dali-dali kong tinapon sa kung saan ang sigarilyo at yayakapin na sana nang umatras siya nang bahagya. Nagulat ako sa kaniyang naging reaksyon.
“B-Bakit?” tanong ko pero umiiling siya at umiyak na naman muli.
Gusto kong pahiran ang kaniyang luha, gusto ko yakapin siya nang mahigpit.
“I a-am not alive…”
Para akong binuhosan ng malamig na tubig sa narinig. “What d-do you mean? N-Nakikita nga kita.”
Tahimik siyang nakatitig sa akin.
“Mahal k-kita…” pag-aamin ko pero umiling siya nang mabilis.
“Mahal d-din kita pero hindi p-pwede.”
“Ano ba pinagsasabi mo?”
Humakbang siya papalapit sa akin habang walang tigil ang pag-agos ng luha.
“I was k-killed and raped in here w-while waiting for y-you to come back…”

Written by: Cai Shun
Photo credits to the rightful owner.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Great stuff.Id like to suggest taking a look at things like sausages. What are your thoughts?

    https://xmc.pl

Leave a Reply


top