ONE NIGHT WITH MY BOSS Chapter 4


“What the f*ck are you doing here?!”Inis na tanong ni Lucas kay Cassidy ng maabutan niya ito sa loob ng kanyang pamamahay.
Kumukulo ang dugo niya sa babaeng ito dahil pinagsalitaan nito ng masama si Yanna! Kung wala nga sila sa harap ng marami tao baka nasaktan niya na ito!
” Sa tingin mo magugustuhan siya ni Tita Luciana?Wake up Lucas hindi kayo bagay!” Agad na nagpanting ang kanyang tenga sa narinig.
“The h*ll I care! Sasabihin mo kay mom?! Then go! gusto mo samahan pa kita!”Hindi niya naman talaga gusto si Cassidy. Nakipagrelasyon lang siya dito dahil sa kanyang ina.
“That girl I’m sure she only wants your money! At ang layo ng agwat niyo sa isa’t isa. Hindi siya bagay maging isang Del Fierro!”Si Cassidy na ata ang pinakad*speradang babae na nakilala niya.
“She’s the girl I want to marry! And no one can stop me. Not you! Not my mom! And not my f*cking family! She’s more better than you Cassidy!” Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay kinokontrol ang buhay niya.
Lumapit ito sa kanya at agad siyang niyakap.Hindi niya alam ang rason kung bakit ba baliw na baliw ang babaeng ito sa kanya! Mabilis niya itong itinulak.
“Leave! And don’t you ever come back! And I’m warning you wag na wag mong gagalawin si Yanna! Kapag nasaktan siya ng dahil sayo. I will never hesitate to k*ll you!”
Dahil sa takot ay nagmamartsang itong naglakad palapit sa pinto ng kanyang mansyon. “Akin ka lang Lucas. Akin ka lang.” Huling mga salitang iniwan nito bago tuluyang umalis.
“F*ck!” Pinagbalabagan niya ang kanyang mga gamit sa kwarto.Ganun talaga siya kapag nagagalit. Hindi niya nakokontrol ang sarili.
Ngunit sa tuwing nakikita at nakakasama niya si Yanna lagi siyang kalmado. Ito lang rin ang nagpaparamdam sa kanya ng sobrang kasiyahan.
“Ate Yanna sumuweldo ka na ba? Kailangan ko kasi ng pera ehh.” Sabi ng kapatid niyang si Miles. Ang kapatid niyang hindi naman pinagbubuti ang pag-aaral. At puro pagboboyfriend lang ang inaatupag.
“Wala-” hindi niya na natapos ang sasabihin. Dahil pabagsak na binitawan ng kanyang Nanay ang kutsara at tinidor.Maaga itong umuwi dahil panalo sa sugal.
“Nagdadamot ka na naman! Alam mo namang kailangan ng kapatid mo eh!”sigaw nito sa kanya. Pagtingin niya kay Miles. Nakangiti lang ito.
Mukhang tuwang tuwa pa na pinapagalitan siya ng kanilang Nanay. Si Mia ay nag-aalalang nakatingin sa kanya.Napatigil ang lahat sa pagkain at napatayo.
” Kahit kailan ate ang dam*t mo!Palibhasa feel na feel mong may gusto sayo yung boss mo.”Sabi pa nito. Hindi niya napigilan ang emosyon kaya tinapunan niya ito ng isang basong tubig.
“Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan! Bakit sino ba ang mah*rot at mal*ndi sa ating dalawa diba ikaw?!” Punong puno na siya sa mga ito.Natahimik at tila natamaan sa sinabi niya.
Nagulat siya ng sampalin ng kanyang Nanay. Malakas iyon at rinig ang tunog.Halos tumabingi na nga ang kanyang pisngi. Sanay na siya lagi naman siyang mali e.
“Kahit kailan wala lang kwenta Yanna! Nagmamalaki ka na ngayon ha?! Ang kap*l ng mukha mo para gawin yun sa kapatid mo! Wala kang utang na loob!” Nagulat siya sa sinabi nito.Hindi niya inaasahan yon.
“Nay ano bang sinasabi niyo?” Sabi ng kapatid niyang si Mia na umiiyak na. Si Miles naman ay tahimik pero pakiramdam niya may alam ito at merong hindi sinasabi sa kanya . “Tumahimik ka Mia!” Galit pang sigaw ng Nanay niya
“Nay ako walang kwenta?… Ako na nagpapakahirap para sa atin? Ako nagbibigay ng pang tuition fee ng mga kapatid ko. Ako na ginagawa ang lahat para sa inyo?” Umiiyak niya ng sabi.
Pero imbes na sumagot ay tinalikuran siya nito. Hinawakan niya ang braso nito. Pero tinulak siya nito gamit ang isang kamay.Laloy dumaloy ang luha mula sa kanyang mga mata.
” Wag mo kong dramahan Yanna hindi gagana sakin yan!”sabi nito bago tuluyang umalis ng bahay. Magsusugal na naman. Kailangan niya kaya mararamdaman na mahal siya nito?
“Haysss magsama nga kayo diyan mga loser! Mga feelingera!So eww! Feeling maganda hindi naman.” sabi pa ni Miles. Susunod sa nanay nila. Ito ang pinakaclose sa kanilang ina.
Maglalakad na sana ito paalis. Pero hinila niya ang buhok nito. “Ano ba!”Sigaw pa nito sa kanya.Kahit kailan hindi siya nito pinakitunguhan ng maayos.
“Anong problema mo sakin ha?! Miles wala akong ginagawa sayo! Bakit ba ang init init ng dugo mo sa akin?” tinanggal nito ang kamay niya at matapang siyang hinarap.
“Dahil bida bida ka! Lagi kang nagmamagaling! Napaka*pal mo! Kaya laging nakatuon ang atensyon nila sayo. Lagi tayong pinagkukumpara!”Sigaw nito sa kanya.” Ate Miles wag mong ganyanin si Ate. ”
“Wag kang makialam dito Mia!”Dahil pikang pika na siya dito. Mabilis niyang kinuha ang kanyang bag at tinapunan ito ng pera sa mukha.
” Ohh ayan pera Kailangan mo! Pero last na yan sa Susunod ikaw na bahala sa pag-aaral mo!”Galit niyang Sigaw.” Ate Yanna…”pagtawag sa kanya ni Mia.
Dahil nakakuha na ng pera umalis na ang kanyang kapatid.Lumapit nalang siya kay Mia at niyakap ito. Sabay nilang niligpit ang...


pinagkainan.
” Tara labas tayo.”pag-aaya niya dito. Inaayos na nila ang mga pinggan. Sila lang naman lagi ang nagdadamayan.Si Mia ang karamay niya sa lahat ng oras.
“Ate Yanna.”sabi nito habang yakap siya. Umiiyak. Hinaplos haplos niya na lang buhok nito dahil ayaw niya ng makiiyak pa. Pinapangako niya sa sarili na hinding hindi na siya iiyak pa.
“Tahan na… Magiging maayos din ang lahat..”sabi niya rito at ngumiti.Hinaplos niya rin ang mukha nito at muli itong niyakap.” Tara, tabi tayo matulog.”Kaya napangiti na lang rin ito.
————-
Kinabukasan.” Aba ehh sino yan?”Sabi ng isang chismosang kapitbahay.” “Aba ewan ko mukhang bisita nila Melba baka yung boss ni Yanna.” Sagot pa ng isa. Ganto talaga ang mga ito kapag may dayo sa lugar.
Araw ng linggo kaya naisipan ni Lucas bisitahin si Yanna sa bahay nito at aayain niya lumabas. Hindi kasi ito sumasagot sa text at tawag niya buong gabi. Gusto niya ring malaman kung okay lang ito.
“Lucas, anong ginagawa mo dito?” gulat nitong tanong ng makita siya. Niyakap niya na lang ito. Kung siya lang ang masusunod aalisin niya si Yanna sa lugar na iyon!
“I miss you baby.” Bulong niya sa tenga nito. “I miss you din pero hindi ka na dapat pumunta dito.”Napangiti na lang siya sa sinabi nito.
“Ate may bisita ka pala. Hello po.” Bati sa kanya ng isang babae. Mahinhin ito at siyempre kasing ganda ni Yanna. “Si Mia pala kapatid ko.” Kaya pala parehas ang mga itong maganda.
“Kayo ba ang boss ng ate ko?” Tanong nito. Kaya lalo siyang napangiti.”Hinde ako ang boyfriend ng ate mo.” Kaya agad siyang kinurot niya Yanna sa bewang.
“Yayain niyo po ba siya lumabas? Tamang tama po wala rin naman po siyang gagawin dito sa bahay.”Nakakatuwa talaga ito. Manang mana sa ate. Si Yanna naman ay mamula mula na ang buhok.
“Baby, paano ba yan?Pumayag na ang kapatid mo na ilabas kita” Ngiting niyang sabi. Nasa loob na sila ng bahay.Pero natigil ang kasiyahan ng bumaba ang isang babae.
“Aba Yanna may bisita ka pala.” Kilala niya ito.Ito ang nagbibigay ng pasakit sa mahal niya. Ang laging nagpapahirap kay Yanna. Kaya sumiklab ang kanyang galit pinigil niya lang iyon.
“Ahh Nay boss ko po.” Hindi niya maintindihan. Kung bakit kailangan pa itong galangin. Gayong hindi naman ito kagalang galang.
Napakawalang kwenta! Dapat ito ang gumagawa ng mga ginagawa ni Yanna! At alam niyang mukha rin itong pera! “Nay si sir Lucas boss ko po.” Pagpapakilala nito sa kanya.
Nagngingiting lumapit ang babae. Mukhang sayang saya narinig. “Boss nga lang ba? Hindi ka ba nil*landi nitong anak ko?” Sa oras na iyon. Gusto niya ng sumabog sa galit.
“Nice to meet you ma’am.” Pilit ngiti niyang sabi. Dahil ayaw niyang mabadshot kay Yanna. “Ano ka nga ba ng anak ko?” Tanong pa nito sa kanya.
“Nay tama yan. Boss ko nga lang siya.”Tutal ito yun rin naman ang akala nito. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Yanna.Kaya nagulat ito sa ginawa niya.
“I’m Yanna’s boyfriend also her boss.At hindi ako nil*ndi ng anak niyo.” Ngumisi lang ang babae saka siya sinagot. Napakasama talaga ng ugali. Hindi ito karapat dapat sa pagmamahal ni Yanna.
“Apat na taon ang tanda mo sa anak ko. Siguro nga ikaw ang nag take advantage sa kanya.Boss ka niya magagawa mo ang lahat ng gusto mo.” sabi pa nito.
“Nay tama na sabi eh! Wag niyo naman siyang bast*sin ng ganyan! Kung wala kayong magandang sasabihin wag na kayong magsalita!” sigaw nito sa ina.
Hindi niya inaasahan na ipagtatanggol siya nito sa ina. “Tara umalis na tayo dito.” aya nito sa kanya.Kahit siya gusto niya na itong alisin sa bahay na yon!
“Mia sumama ka sakin.”Pag-aaya pa nito sa kapatid.”Wag na ate kayo nalang.”pagtanggi pa nito.Patuloy itong niyaya ni Yanna pero ayaw nitong sumama.
“Ayan sige sumama ka diyan sa boss mo! Edi pinatunayan mo ng mal*ndi ka! Oras na umalis ka sa bahay na to. Wag ka ng babalik!” pananakot pa nito..
Alam niyang nanakot lang ito.Dahil hindi nito kaya na wala si Yanna dahil walang bubuhay sa mga ito. “Sabi ko sayo dapat Di na pumunta dito.” Nasa tapat na sila ng kotse niya.
“Because of your mom? You should leave her. Isama mo na lang ang kapatid mo. Don’t be a f*ol Yanna hindi ka naman niya mahal.” Kalmado niyang sabi. Bigla nalang itong napaiyak.
“Wala naman talagang nagmamahal sakin. Sanay na ko doon. At isa pa sila lang naman ang pamilya ko.Kahit ganyan si Nanay mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako. Ikaw. Magsasawa ka rin sakin at dadating ang oras na iiwan mo ko.” Umiiyak nitong sabi sa kanya.
“No you’re my baby. I’ll never leave you. So be with me. Leave with me in my mansion. Isama mo ang kapatid mo. I promise I will make you happy. F*ck Yanna you should be happiest and I’m willing to do everything just to give you the happiness that you deserve.”
Pa like po kung gusto niyo yung story♥️






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. dd lage makita?

  2. Gemma Estrada

Leave a Reply


top