Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER EIGHT.


HINDI talaga siya naniniwala sa sinabi ni faith sa kanya na mabait ang pinsan nito dahil sa loob ng isang linggo mula ng dumating ito sa hacienda ay laging mainitin ang ulo nito at masungit lalong-lalo na sa kanya.Sa tuwing makikita at makakasalubong siya ay parang gusto siya nitong p*tayin.Lagi itong masama kong makatingin sa kanya at lagi rin siya nitong iniirapan kahit wala naman siyang ginagawa rito maliban nalang kapag ito ang nangungunang mang-away.Hindi magandang ugali ng isang babae pero hindi niya alam kong bakit ba gustong-gusto niyang tingnan ito lalo na ang naiinis nitong mukha kapag inaasar niya din ito bilang ganti.
Kasalukuyang nagjo-jogging ang magpinsang faith at mixxel.Alas syete ng umaga.Tumatakbo paikot ang dalawa sa malaking bahay.Nang sandaling iyon naman ay abala siya sa pagdidilig ng mga halaman.Hindi niya ito trabaho kaya lang ay nagkusang loob nalang siya dahil wala naman siyang ginagawa.
“Ang ganda ni Mixxel Hindi ba iho?”Tinig ni tita Zan mula sa kanyang likuran.
“Tita Zan ikaw pala”
“Kanina pa kita pinagmamasdan.Tiningnan mo si Mixxel at nginingisian”Nakangiting sabi nito.Yong ngiting parang may pinapahiwatig na kong ano.
Pinatay niya ang hose na hawak at napakamot ng ulo.
“Oho inaasar ko lang ,panay po kasi ang irap sakin habang nakasimangot kapag nadadaanan ako at para akong pinapatay sa tingin”
Natawa ito sa sinabi niya.”Nakita ko nga,Alam mo iho mula nang bata iyang si Mixxel ay mahilig talaga sumimangot yan kaya masanay ka na kapag nakikita mo siya”
“Pansin ko nga po,Hindi ko pa nga siyang nakitang ngumiti mula nang dumating siya rito.Sayang at napakaganda niya pa naman”
“So.Aminado kang maganda ang pamangkin ko?”
“Opo naman,hindi matatanggi iyon kaya lang po ay napakasungit”
“Hay naku sabi mo pa,Pero mabait iyon iho hindi lang masyadong halata”Sabi nito sabay tawa.
“Yan nga rin po ang sabi ni faith”
Sa ganung pag-uusap sila nang dumaan si Mixxel sa harapan nila habang tumatakbo.at kapwa sila nagulat ni Tita Zan ng bigla matapilok ang dalaga at nalugmok sa lupa.
“Aray!”daing nito.
KAAGAD na lumapit si pablo sa kanya at hinawakan ang paang natapilok.
“Wag kang malikot.Hihilutin ko ang paa mo”Anito.
Napangiwi siya sa tindi ng sakit at tila gusto niyang sipain si pablo sa pangingialam.
“Huwag kang malikot Mixxel,hayaan mo si pablo magaling manghilot yan”wika naman ng kanya tiya kaya tumigil siya kakagalaw.
Totoo nga ang sinabi ng tiya niya.Magaling nga ang ungg*y at tila bihasa pa nga ang kamay nito.nagawa nitong ibsan ang sakit na naramdaman sa kanyang paa.Pero hirap parin siyang tumayo kaya kahit ayaw niya ay kailangan pa siyang tulungan ni pablo at alalayan hanggang papasok ng bahay.
“Ipahinga mo iyang paa mo ng isang araw dahil medyo namaga”
“Tch.Ky thanks”labas sa ilong niya wika.
“Ganyan ka ba magpasalamat?Di sincere at labas sa ilong.Sana di ka nalang nagpasalamat”Sarkastikong sabi nito.
Biglang uminit ang ulo niya sa sinabi nito kaya niwaksi niya ang pagkakahawak nito sa kanya at binigyan nakamamatay na tingin.
“You know what,Hindi naman kita inutusang tulungan ako diba?.Mabuti nga at nagpasalamat pa ako sa katulad mo”
“Oo,nagpasalamat ka nga wala naman kabuhay-buhay”
“Eh anong gusto ko tatalon ako habang pumapalakpak habang nagpapasalamat sayo? O gusto mong magpaparty pa ako para ma-feel mo ang may energy”
“Wala akong sinasabing ganyan.Ang sinabi ko lang kong magpapasalamat ka man lang sana ay yong sincere o kaya wag kanalang magpasalamat kong di naman sincere”
“Ewan ko sayo,Since-ce-rin mo mukha mo”Aniya.At aasar na asar na tinalikuran ang lalaki.Kahit na masakit ang paa ay nagawa niya paring pumanik ng hagdan at nakapunta sa kwarto nila ni faith.
Nakasimangot siyang umupo sa kama at galit na kinuha ang unan na...


nasa kanyang tabi at tinapon iyon.
Bakit ganun ang lalaking iyon?Hindi ba ito kuntentong nagpasalamat siya?Ang dami pa nitong demand.
“AHHHH NAKAKAINIS KANG UNGG*Y KAAA!!”malakas niyang sigaw.
Inis na inis talaga siya sa lalaking iyon.Sa isang linggo niya sa hacienda mula ng dumating ay lagi nalang nitong pinapainit ang ulo niya.Gaya nalang noong pangatlong araw niya sa hacienda.Aba sinabuyan ba naman siya ng tubig habang nakaupo siya sa harden ng bahay,ayun basang sisiw tuloy siya at katuwiran pa nito hindi daw siya nakita nito at hindi sinasadya pero kung ngumisi ito ay parang nangangasar pa na tila natutuwa pa sa itsura niya basang sisiw. Pero sempre,siya si Mixxel Montevilla.ang babaeng hindi magpapatalo kaya ang ginawa niyang ganti ay pumulot siya ng bato at binato kay pablo bago tumakbo papasok ng mansyon at ang kinatutuwa niya pa ay nagkabukol ito sa noo dahil sa ginawa niya.Grabe ang tawa niya ng araw na iyon paano ba naman kasi ay nagmukha itong may sungay dahil sa gitna pa mismo ng noo nito nabukulan.At halos araw-araw pagkatapos noon ay laging asaran at gantihan ang nangyari sa kanilang dalawa.
Maya-maya biglang bumakas ang pinto at pumasok si faith.
“Are you okay cuz”
“I’m not,Ginagalit talaga ako ng lalaki iyon faith.Nagpasalamat na nga ako sa kanya eh tapos…tapos..AHHHHH”sabi niya sabay bato ulit ng nadampot niyang unan.
“Hey stop na cuz,”Saway ng pinsan at lumapit sa kanyang tabi at umupo.
“Nadapa ka daw?What happen ba?masakit ba?.Gusto magpadala sa ospital?”
Umiling siya.”Nope.Medyo masakit lang but I’m fine”
“Are you sure?”
“Yes.Where’s Tita?”
“Nasa kusina,Susunod daw siya dito”
May kumatok.”Baka si tita na iyan.” Tumayo ai faith para buksan ang pinto at ang bumungad ay si pablo.May dalang bandage at maliit na blangganang itim.Naiinis siyang makita ang lalaki pero hindi siya nagsalita at masamang tiningnan lang ito.nagulat nalang siya ng bigla itong mag-squat sa sahig.
“What are you doing”Mataray niyang tanong.
“Pakibaba ang paa mo”
“And why?”
Tuminga ito at nagtama ang mga mata nila.”May gagawin ako para mabawasan ang pamamaga ng paa mo”
Lumingon siya sa ibang direksyon dahil hindi niya kayang tagalan ang tingin nito.At napilitang ibaba nalang ang paa.Hinawakan ni pablo iyon.Binasa ng maligamgam na tubig mula sa planggana at saka tinalian ng benda.
“Wag ka munang maglalakad ngayong araw para makapagpahinga ang paa mo at maalis ang pamamaga.Bukas ay mawawala narin iyan”bilin nito habang binibenda parin ang kanyang paa.
“Grabe ba pablo?”Si faith.
“Nope.Namamaga lang ng kunti”
“Hindi niya naman kailangang dalhin sa ospital di ba?”
“Hindi naman.bukas ay mawawala narin naman ang maga”
“Hayy buti naman.”
“Hindi pa ba tapos yan?”Matapang na sita niya dahil ang tagal nitong ibenda ang kanyang paa.Hindi siya komportable parang may kung anong kuryente kasing dumikit sa paa niya dahil sa pagkakahawak ni pablo.
“Ito na tapos na”Pagkatapos ay tumayo na ito,bibit ang palanggang may tubig.
“Sige alis na ako.”
“Thank you pablo.”Si faith ang nagpasalamat dito.Hindi ito nagsalita at tumango nalang bago sila tinalikuran at lumabas ng kwarto.
“How sweet naman that guy.Imagine kahit na nag-aaway kayo na parang aso’t-pusa,he still cares for you”
“Tch bumabawi lang yan sa mga ginagawa niya saking pambw*bw*sit.”
“Mukhang di naman”
“Ganun iyon”
“Don’t be negative.I may say he is really kind guy.Despite ng mga clashes niyo,nagpapakita parin siya ng concern.Eh pwede niya naman balewalain ang nangyari sayo but See.nagpapakita parin siya ng pag-aalala.He considers you as a human being,Cuz”
Hindi siya kumibo sa pinsan at humiga nalang ng kama.Kung tutuosin ay may point ang pinsan.Pwede naman nitong hindi gawin ang ginawa nito sa kanya pero bakit nga ba nagpapakita parin ito ng kabaitan sa kanya kahit na sinusungitan niya ito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top