PAG SUWAY KO SA MGA MAGULANG KO
“Puro ka nalang gala diyan sa boyfriend mo Mae!!”
“Ano gagala ka na naman?!”
“Wala kanang ibang inaatupang kundi ‘yang boyfriend mo.”
“Hindi mo pa nga natapos-tapos module mo!”
“Wala kang silbing anak.”
“Hindi ka aalis, mag module ka roon.”
Bakit ba ganyan ang mga magulang ko? napaka strict nila sa ‘kin, bakit ba hindi nila ako payagan sumaya kasama yung taong mahal ko. Mabuti pa yung nanay ng kaibigan ko, sana hindi ko nalang sila naging magulang.
————
Habang ka chat ko ang boyfriend ko, biglang pumasok si mama na mukhang galit na galit
“Mae! Ano ‘tong grades mo? Bakit puro line of 7!.” Sigaw ng nanay ko sa ‘kin.
“Number lang naman yan ma, at tsaka ayoko na ring mag aral nakakapagod na, pwedi namang mag hanap nalang ako ng trabaho kasama si Jeremy.” I said and continue chatting with Jeremy– my boyfriend.
“Talagang itataboy mo lang pangarap mo dahil jan sa lalaking yan?!.”
“ano naman ma? Bakit ba kayo ganyan! Bakit ba hindi niyo nalang hayaan maging masaya yung anak. Napaka wala niyong silbing in-” hindi ko na matapos ang sasabihin ko ng makatanggap ako ng malakas na sampal galing sa tatay ko.
“Huwag mong ma sagot sagot nang ganyan ang nanay mo.”
“Eh totoo naman ah! Bakit ba hindi niyo nalang ako hayaan sa gusto ko, mabuti pa nga mga kaibigan ko, sana hindi ko nalang kayo naging magulang.” Saad ko na pilit pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
“M-mae, dahil lang sa lalaking ‘yun nag kagayan ka? Kaya kami ganyan sa ‘yo dahil unti-unti ng nawawasak ang mga pangarap mo dahil kay Jeremy. Pinayagan ka naming mag jowa Mae pero sana naman huwag mong ipagtabuyan ng ganun yung mga pangarap mo.” Napaiyak na lamang ‘to at tsaka lumuhod, agad naman siyang niyakap ni tatay. “Pero sige, diba sabi mo sana hindi mo nalang kami naging magulang, lumayas ka rito at huwag kanang mag papakita pa.” She continued.
Wala na akong ibang magawa kundi mag impake nalang at lumayas, I can’t believe my parents did this to me.
Tinawagan ko ang boyfriend ko and ask him kung pwedi ba ako mag stay muna sa apartment...