BLIND FOLD


“Grabe boi ang sarap ‘nong kamote ‘no?” tanong sa akin ni Jay habang nakahawak pa ito sa kaniyang tiyan.
“Hindi nga halata eh, akala ko ba mahiyain ka? eh kulang na lang pati plato kainin mo na kanina.”
“Pasensya na pare, “lumapit pa ito sa akin at may patapik-tapik pa sa aking balikat.
Andaming alam ng patay gutom na ‘to.
“Gab sali kayo?” pagpasok pa lamang namin sa pinto ay sinalubong na kami ni Dylan habang may dala dalang puting panyo.
“Sali saan?”
“Piring-piringan.”
Kaagad na pumayag ng patay gutom kong kaibigan samantalang ako’y hanggang sa ngayon ay nag-iisip pa rin. Siniko ako ni Jay kaya’t taka ko itong nilingon.
“Pumayag ka na lang malapit ng dumating si ma’am eh.” reklamo nito.
“Pero—”
“Oo daw payag na si Gab.” pagputol nito sa sasabihin ko at siya na mismo ang sumagot sa tanong.
“Pero natatae na ako.” bulong ko ng magsimula na silang mamili ng taya.
Si Dylan ang taya, kaya’t napapakamot pa ito sa kaniyang batok habang tinatali ni Jay ang dulo ng panyo sa likod ng ulo nito.
“Boi bilis akyat sa bintana!” nagmamadaling sigaw nito ng magsimula ng mangapa sa mga bangko ang taya.
Napakapit pa ako sa aking pwet at nagdadalawang isip na umakyat. Pero ng makitang papalapit na sa amin si Dylan ay kaagad kaming napaakyat. Muntikan pang mapunit...


ang ginintoang kurtina ni ma’am ng dahil sa pagmamadali namin.
“Pfft ang baho ng pwet mo pre.”
“Potangina mo Jay huwag kang maingay d’yan.” bulong ko pabalik ng may halong inis sa boses ko.
Hinimas ba naman ‘yung pwet ko, kamanyakan ng gago pinapairal.
“Tangina Jay tantanan mo ‘yang pwet ko!” mahinang sigaw ko dahil kinukurot kurot pa niya ito.
“Ang laki kasi ng pwet—”
Kaagad itong napahinto sa pagsasalita ng lumapit sa gawi namin ang tayang si Dylan. Natataranta kong naitaas ang aking paa ng kamuntikan niya na itong mahawakan.
Nakahinga ako ng maluwag ng tumalikod na ito sa amin ganoon rin si Jay.
“Pahamak kang bwesit ka.” paninisi ko dito.
“Bakit naman fafa Gab?” pabebeng tanong nito at muling pinisil ang aking pwet.
Pareho kaming natahimik ng makarinig ng isang nakakahiyang tunog. Napatingin ang lahat ng kaklase ko sa gawi namin ni Jay habang nagpipigil ng tawa.
“Hayop amoy bulok!” sigaw ni Jay ng makababa na.
Masuka-suka pa ito dahilan upang mapahagalpak ako ng tawa.
“Jay!” sigaw ni Dylan ng matapos makapa ang buhok nito, kaagad niyang inalis ang piring at napatalon pa sa tuwa ng masigurong si Jay nga ito.
“Paano ba ‘yan Jay, ikaw taya.” panunukso ko ng makababa na.
“Bakit ka kasi umutot?” inis na tanong nito.
“Nasobrahan yata ako sa kamote!” sigaw ko habang tumatakbo papunta sa cr.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top