PARA SA BINIBINING MAKAKABASA NITO


PARA SA BINIBINING MAKAKABASA NITO”
Ilang beses mo mang tingnan ang sarili sa salamin,
tandaan mo na higit ka pa sa repleksyong nakikita.
Kailanman,
hindi sasapat ang natatanaw ng mata upang maging batayan kung nakaakit ka.
Ang puso at isip ang magdidikta,
sadyang mali lang ang pamantayang nakilala.
Nilason ang isip ng madla,
ikinulong sa kahon ang kahulugan ng maganda.
Maganda ka,
hindi lang dahil nakakasabay ka sa iba, hindi lang dahil nagaya mo ang mga iniidolong artista.
Maganda ka,
hindi lang dahil sa kolorete sa mukha,
hindi lang dahil nakadamit na pangporma.
Maganda ka,


/> hindi lang dahil sabi nila,
hindi lang dahil dinadagsa ka ng likes at shares sa social media.
Maganda ka,
hindi lang dahil naghuhubad ka,
hindi rin lang dahil balot na balot ka.
Maganda ka,
dahil bago ka pa dapat sabihan ng ibang tao,
nauna ka nang sabihan ang sarili mo.
Ikaw ang dapat unang maniwala,
Ikaw ang unang huhusga.
Maganda ka dahil ang ganda,
dinarama.
Hindi lang sa itsura kundi maging sa salita at gawa.
Maganda ka,
kung nahihirapan ka pa ring sabihin sa sarili mo,
ako muna ang magsasabi sa iyo, “Maganda ka!”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top