The Broken Wife Chapter 28


Serenity
“I’ve met Laila in America before when Dad was still the CEO of his company,” simula ni Ryker. “Siya iyong bagong intern noon sa kompanya ni Papa at ako ay nag-aaral pa lang noon sa medisina pero nasa huling taon na ako. Noong makita ko si Laila ay aaminin kong nabihag niya ako dahil sa angkin niyang ganda. She’s simple, beautiful, friendly, and there’s something about her that want to know her more. Bilang isang lalaki ay sinuyo ko siya at agad naman niya akong sinagot sa isang buwan na panliligaw ko noon. The whole company knows about our relationship, and we were going strong for a year. Nang tumagal ay kinuha siya ni Papa para maging empleyado na rin ng kanyang kompanya at halos araw-araw ko na siyang nakikita. I don’t know if I felt love at that time, but I asked her hand in marriage. My parents are so happy for us, and they even helped us in preparing the wedding. One week before the marriage, we heard a very disturbing news that shocked all of us especially my father. Laila was caught by the police because of the murder of twelve women in our place.” Napasinghap ako at gano’n na lang ang gulat ko sa sinabi ni Ryker.
“Murder? How?” tanong ko at itinuloy ni Ryker ang kanyang sinasabi.
“We don’t know how they’ve caught her, but according to the police someone called them and told them that there is a woman who commits killing in her own house. Noong nahuli si Laila ay hindi ako naniwala dahil naisip ko na hindi iyon magagawa ni Laila. I thought that someone is framing her, and someone is just jealous of her. Noong makarating kami sa mismong bahay ni Laila ay maraming police car ang nasa labas ng bahay niya at may ambulance car pa para sa mga baliw. I didn’t believe it, and I even tried to fight some policemen just to protect her.”
“Kung gano’n ay pano mo nalaman na totoo lahat ng mga ipinaparatang sa kanya?” Napatingin siya sa akin at saka tumingin sa malayo.
“She confessed everything when I visited her once.” Napasinghap ako at napatakip sa aking bibig. “It seems like she killed every women who had a crush on me in my father’s company. Kapag may nakikipag-usap sa akin na isang baabe noon ay wala naman akong makitang signs noon na nagseselos siya kaya akala ko ay okay lang. Later on, I found out that she kidnaps these women and then torture them before killing them.” Napailing si Ryker sa mga naaalala niya at ako naman ay nakaramdam ako ng paninidig ng aking mga balahibo. “That was an eye opener for me, so I canceled the wedding and then asked my parents to come here in the Philippines to pursue my profession.”
“Ano’ng nangyari kay Laila pagka-alis mo ng America?”
“Narinig ko lang sa mga magulang ko pero sabi nila na pagkatapos kong umalis ng America ay ilinipat sa isang mental institute si Laila. Noong nakilala kita ay doon sinabi ng aking mga magulang na pinalaya na raw si Laila at magaling na ito. Akala ko ay hindi niya ako masusundan dito sa Pilipinas dahil binura ko lahat ng mga contacts ko sa kanya maski ang mga kakilala ko sa America ay sinabihan kong huwag nilang sasabihin kay Laila ang lahat ng tungkol sa akin.”
Napakunot ang aking noo at naalala ko noong unang komprontahin ko siya ay sinabi niya na ginawa niya raw ang lahat para lang masundan niya si Ryker para lang daw mahalin siya ni Ryker. She told me that she wants Ryker back, and she would do everything to get Ryker back from me. Now, I understand why she almost got me killed. That finger that has a wedding ring on it that she sent to me shows that she’s serious about her warning to me. Nang maalala ko ang duguan daliri na nasa kahon ay bigla akong nakaramdam ng pananakit ng tyan at nakaramdam ng pagsusuka. Nasapo ko ang aking tyan at saka tumakbo sa loob at agad na hinanap ang lababo at doon ay sumaka.
“Serenity?” rinig kong nakasunod lang si Ryker sa akin.
Patuloy akong sumuka na para bang tuwing naaalala ko ang daliri na iyon ay parang ilalabas ko ang sarili kong bituka. Naramdaman ko ang paghagod ni Ryker sa aking likuran...


habang nakahawak siya sa aking buhok. Nang matapos akong sumuka ay binigyan niya ako ng isang baso ng tubig at agad ko itong pinangmumog para mawala ang pait sa aking bunganga. Pagkatapos ay binigyan ako muli ng isang baso ng tubig at ito ang ininom ko.
“Are you okay? Sorry, I may have told you a very gory story.” Umiling ako at saka napangiti sa kanya.
“It’s okay. May naalala lang kasi ako kaya naman nakaramdam ako ng pandidiri kaya bigla na lang akong nasuka.” Napangiti rin siya sa akin at napatingin kami nang marinig namina ang mga pababang yabag galing sa taas.
Nakita namin sila Ryleigh na mukhang pawis na pawis na sa pagtakbo dahil sa laki ng bahay. Lumapit silang dalawa sa amin at agad namang lumapit din sa kanila si Maria na may hawak na bimpo at pinunasan ang kanilang pawis.
“Mommy, this place is so cool. There are five rooms and then there’s a library room, a movie room and many more. Nagtagu-taguan kaming dalawa ni Ryleigh at ang daming pwdeng pagtaguan dahil super laki ng house. Are we going to stay here now, Mommy?” tanong ni Ryder sa akin at nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ryker.
“Uhm, for the meantime yes.” Agad naman na sumaya si Ryder at gano’n din si Ryleigh na pinupunasan ni Maria gamit ang bimpo. “But stop playing already. Tignan niyo ang babaho niyo na at pawis na pawis na rin kayo. Magpahinga kayo at mamaya ay papakiguan kayo ni Maria,” utos ko sa kanilang dalawa at agad naman silang sumunod.
Napatingin kaming lahat kay Ryker nang may tumatawag sa kanya at agad naman siyang lumayo upang sagutin ito. Umakyat naman sila Ryder sa may movie room kung saan ay manunuod daw sila ng cartoon habang nagpapahinga. Ako naman ay pumanhik sa taas upang tignan ang magiging kwarto namin ni Ryker mamaya. Nang makita ko ang master’s bedroom ay humingi ako ng tulong kay Kura Robert na buhatin ang mga gamit namin ni Ryker. Hindi ko na kailangang maglinis dahil malinis naman na ang buong lugar. Binuksan ko ang malaking kurtina at nakita ko na pagabi na pala dahil maliwanag na ang buwan.
Pumasok na muna ako sa aming banyo at natuwa ako na may hot and cold ito. Kaya naman agad akong umilalim sa shower at naligo. Paglabas ko ng kwarto ay tamang-tama naman na pumasok si Ryker at mabilis ang mga galaw niya na lumapit sa akin. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha habang hawak niya ang kanyang cellphone.
“Sino iyong tumawag?” tanong ko habang tinutuyo ko ang aking buhok. “Maligo ka na rin dahil nangangamoy ka na rin.” Natawa ako ng mahina pero nanatili lang siyang tahimik na aking ipinagtaka.
“My love?” pukaw niya sa akin. “Naaalala mo ba kung kailan mo natanggap iyong kahon na sinasabi mo?”
Napaisip ako bigla at sinabi sa kanya na natanggap ko iyon noong mga nakaraang buwan lamang. Nagtataka siyang napatingin sa akin at napahilot sa kanyang noo sabay napaupo sa kama.
“Ryker? May problema ba?”
“I think that Laila wasn’t the one who sent the box in our house.” Napakurap-kurap ako sa sinabi niya dahil imposible iyon.
“Paano mo nasabi na hindi si Laila ang may kagagawan nito?” tanong ko.
“Noong malaman ko na nandito si Laila sa Pilipinas ay agad akong tumawag sa isang pulis na mataas ang rango na kakilala ko. Nagpatulong ako sa kanya upang ipa-deport pabalik si Laila sa America dahil nang makita ko siya ay alam kong hindi maganda ang gagawin niya. Noong nakaraang buwan lamang ay hawak siya ng mga pulis sa isang prisinto. After a week, she was deported back in America.” Napamaang ako sa sinabi ni Ryker.
“No. Kung nakabalik na siya sa America kanino galing iyong kahon na iyon? Ryker that can’t be because I’m very sure it’s from her.” Medyo kinakabahan na ako at ramdam iyon ni Ryker kaya mabilis niya akong pinakalma.
“I know. There is no doubt in my mind that she was the one who did it, but how can we justify that it came from her? She’s not even here in the Philippines that time.” Nasapo ko ang aking ulo dahil parang sumasakit na ito.
I know that it’s Laila, but if she was not here then who the hell is trying to scare my family and us?
– Enjoy po. 😁 –






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top