“Candace! Huwag mo akong talikuran. I’m still talking to you!”
Huminto ako saglit sa puno ng hagdan. I turned to her. Nakayakap ang pulang roba sa kanyang katawan, at magkasalubong ang perpektong kilay.
“Kailan ka pa nanghimasok sa oras ko sa pag-uwi, Mama?” malumanay ngunit may diin sa bawat salitang binitiwan.
“That’s not what I’m pointing out! Gusto kong malaman kung bakit mo kausap ang lalaking iyon?”
“Can we talk tommorrow, please, Mama?” I said in a low voice.
Mahigpit kong pinipigilan makatakas ang sari-saring emosyon sa pamamagitan ng pagluha.
She keep on talking, hinayaan ko siya pero hindi ko na pinansin ang mga sinasabi niya. Diretso ako sa pagpanhik patungong kwarto ko. Saktong pagsara ko ng pinto ay doon malayang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
I run to my bed and lie in a prone position. Mula sa mga mata ay nag-uunahang nalaglag ang mga luha. Masuyong humalik sa aking magkabilang pisngi at pumatak na tila ulan sa unang yakap ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi, pinipigilan ang hikbing gustong kumawala.
This is what I get giving my heart to you, Travis.
Walang katapusang sakit… Sa kisap-mata ay malayang bumalik ang alaala ng nakaraan… na puno pala ng kasinungalingan. But my love for him was true, kind, and unselfish.
I heard my phone ringing. Hindi ko ‘yon pinansin. I’m in pain and endlessly crying. Talking to someone right now is the least I can do.
Tahimik pa rin akong umiiyak at tila plakang paulit-ulit sa utak ko ang sinabi kanina ni Travis.
Why, Keith? Bakit mo nagawa sa akin ‘yon? Why?!
Mahirap paniwalaan na nagpaka-bobo ako sa bandang hingin niya sa akin si Travis.
Hindi dahil kulang ang nararamdaman kong pagmamahal kay Travis para hiwalayan siya noon kundi naawa ako para kay Keith.
Marami akong ginawang dahilan sa isip ko para lamang mapa-oo ko ang sarili ko sa pakiusap nila Tita Lucy at Keith. Sabi ko, may makikilala pa naman akong lalaki at baka mas mahalin ko pa kaysa kay Travis, I even tried to learned how to love Hiron ngunit hindi nangyari.
Kinaumagahan nagpaakyat na lang ako ng breakfast kay Ate Rosie. Baka magtaka sila Papa at Mama ‘pag makita nilang mugto ang mga mata ko, ayokong paulanan nila ako ng tanong gayo’y wala akong balak magpa-interview sa kanila. Bagaman may palagay ang Mama sa nangyari sa akin kagabi pero hindi na niya ako inabalang pasukin pa sa loob ng aking silid.
Hindi ko alam kung ipinagpapasalamat ko ‘yon o ano? Pero sa lilim ng puso ko, bukod kay ‘Nay Melda, ay gusto ko rin ibahagi sa kanya ang pagiging heartbroken ko.
I want to cry on her shoulder while listening to her advice. Kung paano niya nalagpasan ang sakit noong nagmahal rin siya bago niya nakilala ang Papa. My mother’s first love was not my father pero nahanap nila ang forever sa isa’t isa.
She should come to me, at aluin ako. Ngunit hindi nangyari ang nais kong mangyari.
Paano niya kinaya ang sakit no’ng unang mahal niya? Gaya rin ba ngayong nararamdaman ko? Ganito rin ba kasakit?
I don’t know how to start my day. Ngayo’y paggising ko’y nandoon pa rin ‘yong sakit, dinaya, at lungkot. Pinaghalong mga damdamin at tila patalim na bumaon sa dibdib ko’t tumagos sa puso ko.
Tumayo ako at pinagbuksan ang kanina pa kung sinong kumakatok. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni ‘Nay Melda.
Inilang hakbang ko ang pagitan namin para yakapin siya. “Nandito pa rin ‘yong sakit, ‘Nay. Nagmahal lang naman po ako pero bakit ganitong sakit ang nararamdaman ko.”
Umagos uli ang mga luha ko.
“Tahan na, hija… Sa isang pag-iibigan ng dalawang tao hindi nawawalan ng maraming pagsubok. Pagsubok na patitibayin ang pundasyon ng pag-iibigan niyo.” sabi niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinaharap sa kanya.
Marahan niyang hinawi ang ilang takas kong buhok na nakatabing sa mukha ko.
Inakay niya ako patungong kama ko at umupo kaming dalawa sa gilid.
Sa tinagal-tagal ng panahon ay sa wakas nakaya ko rin i-kwento sa kanya ang nakaraan ko.
“Hindi mo pwedeng takasan ang nakaraan o kahit kalimutan,” aniya. “Tanggapin. Iyon ang tama mong gawin ngayong kasalukuyan. Hanapin mo ang kasagutan kay Keith. Alamin mo ang likod ng pagsisinungaling na iyon ni Keith. At pilitin mong tanggapin sa sarili mo anuman ang rason niya. Huwag mong hayaan magpatalo ka sa galit, Candace.” habang hinahaplos ang pisngi ko.
“Si Travis, mahal mo pa ba?”
Tumango ako. “Hindi po nagbago.”
“Ano pa ang ginagawa mo? Hindi ba ikaw din mismo nagsabi sa akin na mahal ka pa niya. Huwag mong hintayin lumipas ang mga oras at gawing araw. Ang tadhana na mismo ang nagpapalapit sa inyo.”
“Pero, ‘Nay, mamahalin niya pa kaya ako kung sakaling malaman niyang ganoon na lang kaydali akong magdesisyon na hiwalayan siya noon. Will he forgive me?”
“Huwag mo siyang pangunahan. Kayang sakupin ng pag-ibig ang galit ng isang tao. Tandaan mo iyan, Candace.”
Maghapon ako sa aking silid na kahit pagkatapos naming mag-usap ni ‘Nay Melda ay nakatatak pa rin sa akin ang mga binitawan niyang mga salita. Hanggang sa sumunod na araw ay nakapagdesisyon akong sundin ang sinabi ni ‘Nay Melda.
I’m on my way sa bahay nila Keith. Nakita ko siya sa harap ng gate nila, at nakatingin sa dulo ng kaliwang mahabang kalsada, waring naghihintay ng tricycle.
Tumigil ako sa harapan niya. Namangha siya nang makita ako nang ibaba ko ang salaming bintana.
“Hi, Keith.” malamig kong sabi, kasing lamig ng pang-umagang hangin.
“Do you mind if I’ll take you to school?” sabi ko. Pinipigilan ang sariling paulanan na siya ng maraming tanong.
Ilang sandali muna nang makabawi siya mula sa pagkabigla. She cleared her throat.
“H-huwag na. Baka nakakaabala lang ako sa’yo.” Ni hindi niya kayang salubungin ang titig ko.
“I’m not inviting you in my car if you’re bothering my time,”
“Sa tingin ko, matatagalan ka pa sa paghihintay ng tricycle.” tuloy ko. Her eyes roamed at the road. At alam kong nasa isip din niya ang iniisip ko.
Hindi pa rin siya nagsasalita.
“Why, Keith, ngayon lang uli tayo nagkita tapos tina-tanggihan mo pa ang alok ko. Gusto lang naman kitang ihatid. And I missed my old school, just want to take a look at it.” I insist, at ngumiti ako sa kanya. Wala akong pakialam kung magmukhang plastic ang ngiti kong ‘yon.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa libro. Maingat niya...