PAUBAYA


PAUBAYA”
******************************
“Uy! Bro para saan ‘yang kantang iniinsayo mo?” Bungad na tanong sa akin ni Theo—kapatid ko.
“Ah… Magtatapat na kasi ako sa bestfriend ko. Sa tingin ko ito na ‘yung tamang panahon para magtapat na ako ng nararamdaman ko sa kanya.” Bahagya kong inilihis ang atensyon ko sa kanya at agad ibinalik ito sa gitarang hawak ko.
“Naks naman. Sino ba ‘yang maswerteng babaeng ‘yan na nakabihag sa puso ng kuya ko? Pakilala mo naman sa ‘kin! Para makilatis ko! HAHAHAHAAH.” Pabirong saad ni Theo.
“Bukas. Sumama ka sa ‘kin, ipapakilala kita sa kanya.”
“Bukas? Ay! Wrong timing naman! May date kami bukas ng girlfriend ko eh.” saad niya sabay kamot sa ulo.
“Edi sa susunod nalang. Nga pala, bakit hindi mo pa nadadala dito sa bahay ‘yang girlfriend mo?”
“Next time bro ipapakilala ko na talaga sa inyo ni mama. Hahanap lang ako ng tamang pagkakataon.” Nakangiting saad nito.
“Sabi mo eh.” I replied and shrugged my shoulders.
Ako si Kyle Ramos. Chinito, maputi, matangkad, matangos ang ilong at medjo habulin ng mga babae. Pero isa lang ang babaeng tinitibok ng puso ko, at ‘yun ay si Christine. She’s my bestfriend since we were in grade school, well until now in our college days.
Simula pa lang noong nasa elementary kami ay may pagtingin na ako sa bestfriend ko, pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko.
I’m now on my way on our meeting place. Sa rooftop ng school namin balak kong magtapat ng nararamdaman ko sa kanya, dahil maganda ang view ng sunset d’on na siyang magbibigay “romantic feels” pag nagtapat na ako sa kanya. Nais ko rin na sa bawat paglubog ng araw ay ako ang maalala niya at ang oras na nagtapat na ako sa kanya.
Maya-maya pa habang paakyat na ako ay biglang may nakakuha ng atensyon ko. It’s my bestfriend— Christine, and my brother—Theo. They were talking and I can trace on their faces that they are really close with each other.
Papalapit na ako at bigla nalang akong nagulat nang biglang hinawakan ng kapatid ko ang kamay ni Christine at hinalikan ito.
Biglang kumirot ang dibdib ko dahil sa nakita. Agad naman akong napatalikod at napagdesisyunan na nga ng mga paa ko na umalis na. Papaalis na ako para isawalang bahala ang mga nakita at isiping hindi totoo ang mga naiisip ko nang bigla akong tinawag ni Theo.
“Uy! Bro tapos na pala class niyo?” Pagtawag niya sa ‘kin dahilan nang bigla kong paglingon.
Hindi ko na sana siya papansinin ngunit baka magtaka pa siya kung gagawin ko iyon.
“A-ah… Oo kanina pa. Pauwi na nga ako eh.” nauutal kong sagot at pilit na tinago ang...


sakit na nararamdam ko ngayon.
“Sakto bro at napadaan ka. ‘Di ba gusto mong makilala girlfriend ko? Nga pala si Christine girlfriend ko.” wika ni Theo dahilan upang bagsakan ako ng langit at siya ding dahilan ng biglang pagkirot ng puso ko na parang tinataga nang paulit-ulit.
“Ah… Ganun ba. Congrats sa inyo ha? Uy pandak, bakit ‘di mo pala sinabi sa akin na may boyfriend ka na pala? At kapatid ko pa.” I said while forcing myself to hide the bitterness and the pain that slowly emaciating me.
“Wait… Theo? Kyle? Magkapatid kayo?” tanong ni Christine at bakas ko sa mukha niya ang labis na pagtataka at gulat.
“Ah… Oo babe. Kuya ko nga pala, si kuya Kyle. Wait a minute, magkakilala na pala kayo bro?”
“Oo naman. Since elementary magkasama na kami niyang si Pandak eh. Hindi ko lang nadadala sa bahay, alam mo namang ayaw ni mama noon na nagdadala ng babae sa bahay hindi ba?”
“Oo nga eh. Ay teka kuya, saan na pala ‘yung babaeng gusto mo? Kamusta pagtatapat mo? Ano, mutual feelings ba?”
“Ah ‘yun ba? Wala, huli na bro. Nalaman ko na pagmamay-ari na ng iba ‘yung puso niya. Si-sige alis na ako ha? May pinapabili pa kasi sa akin si mama eh.” wika ko at umalis na nga ako at iniwan silang nagtataka sa mga sinambit ko.
I felt that thousands of knife is piercing my heart and grief invading my whole system. It just like a huge bat hitting my both knees that might cause me to fall anytime. I bid my goodbye and decided to walk out. As I turned my head back, I can’t help my tears but to stream down on my cheeks that I’ve been hiding.
I just can’t accept on myself that the girl I loved the most is already inlove with another man. Sadyang mapagbiro lang talaga ang tadhana. Of all people in world, why does the girl I want to spend the rest of my life suddenly fell in my brother’s arms. What an ironic destiny.
Labis na panghihinayang ang bumabagabag sa akin ngayon. Kung nagtapat siguro ako ng maaga, siguro naging kami na ni Christine. Siguro kung nagkaroon lang ako ng lakas ng loob upang magtapat sa kanya noon ay siguro hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.
There are really things or person that’s really not meant for us. It hurts, yes it is, but we have to accept the mere fact that stuffs like destiny is not in our hands and it’s out of our control.
If we truly love someone, we will set them free and let them find their own happiness even if it means letting go of our own euphoria.
—Wolf Amadeo






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. sayang Naman pero okey lang yan Kyle marami pa namang babae dyan na mas better for you😊

Leave a Reply


top