Umaga, lumabas si Karena malapit sa may Gate ang Mansyon.. Nais niya lamang maarawan.. Ilang linggo narin kasi syang Naka kulong sa kwarto niya..
Naka tayo siya sa labas ng bahay ng makita
Niya ang paparating na si Gregor.. Papasok ito sa Mansyon at madadaanan siya nito.. Tumalikod siya ng papalapit na ito sa kanya..
Dinaanan lamang siya ng lalaki.Sa likuran..
Dumertso ito sa loob ng Mansyon.. Hinayaan na lamang niya ang lalaki. Hindi sya umalis sa Kinatatayuan.. Ilang minuto lang ay dumaan uli ang lalaki sa likuran niya parang Hindi siya nito nakita. Para lamang itong hangin na dumaan sa likuran niya..
Nag mamadali itong umalis.. At sumakay ng kotse agad iyong pinasibad ng lalaki..
Nakaramdam ng kirot sa puso si karena dahil Hindi siya sanay na Hindi pinapansin ng lalaki
Kahit galit kasi siya dito ay likas ang pagkamakulit nito sa kanya.palagi siya nitong
Kinukulit kahit ayaw niya.. Kahit nakasimagot pa sya ay Hindi sya nito tinitigilan..
Pero ngayon ramdam niya ang pagdistansya nito sa kanya..
Kahit Naiinis siya dito ay nasasabik siya sa binata. Gusto niya itong mayakap kahit
Man lang pero, hindi mangyayari yon
Dahil nakaalis na ito.
Pumasok siya ng bahay.. hapon ng maisipan niyang tawagan ang Ang bahay na tinitirahan nila ni Gregor..babae ang nakasagot ng telepono ang kasambahay nilang si Nelia..
“Hello Ma’am karena KumustA po anung
Maipaglilikod ko sainyo..”?
” Nelia, umuwi ba dyan si Gregor?
“Opo ma’am dito po sya natutulog.. Nasaan po pala kayo ma’am Karena” ?
” Nandito ako sa Mansyon!”
Kailang po kayo babalik dito ma’am karena? Sya nga po pala may babae pong masungit na pumunta dito.. Elise po ang pangalan sabi niya
Malapit na daw namin syang maging amo?
Totoo po ba yon?Dahil dito na sya titira.
Kasama po sya ni sir Gregor.. noong isang araw.
Hindi na nakasagot dai Karena sa kabilang linya. Dahil tumulo na ang Kanyang luha sa narinig.. Ang sakit ng Kanyang dibdib..
Akala niya madali lang ipaubaya si Gregor mahirap pala ang sakit…. Para syang Hindi
Makahinga sa narinig..
Napadausdos siya sa pader na nasandalan niya ng mga sandaling yon..
Habang patuloy ang pag luha..
Dumaan si Jerald sa tapat niya.. Huminto ito sa
Tapat niya.. At saglit syang tininggnan..
Lumapit ito sa kanya..
“Karena,!
Yumuko ang lalaki at itinayo si karena.. Niyakap
Nito ang babae.. Napayakap na rin ang dalaga
Sa binata..
” Jerald..”…, naiiyak na sambit ng dalaga.
.
” Karena..”, marahang sambit ng binata..
” Ang sakit,.. Masakit palang marinig ang katotohanan..masakit na may nasa piling na syang iba..”
“Oo alam ko.. pinagdaanan ko din yan.! Ngunit
Kailangan mong tanggapin.., Hindi pweding
Dalawa kayo sa buhay niya.., kailangan mo syang palayain”, . Mahinang sambit ng lalaki.
Je-rald…..
“Karena” .., Marahang sambit ng lalaki at hinaplos niya ang likod ng dalaga..
Papasok si Gregor ng Mansyon ng abutan niya ang tagpong yon.. Magkayakap sina Jerald at
Karena.. Napahinto sya sa nakita.. Gustuhin niya mang sugurin si Jerald upang bitawan si Karena Hindi na niya ginawa..
Napasuntok na lamang siya sa pader ng mga
Sandaling iyon..wala syang karapang magalit
Dahil sya ang may kasalanan.. Kaya Mali na sitahin niya ang dalawa..
Umalis na lamang siya ng Mansyon
Na yon. Hindi natuloy ang pakay niya sa dalawin sana ang mag ina niya..
Pag dating nia sa bahay ay Inabutan niyang nakaupo si Elise sa sofa..
“Anu namang ginagawa mo dito” ?, Inis na turan
Niya sa babae
” Hinihintay ka anupaba “?, Sarkastikong sagot ng babae..akmang tatayo ito at yayakapin ang binata na mapaurong ang lalaki.
” Elise diyan ka lang! Wag kang lalapit”!. Babala...