PICTURE KAPALIT NG HALIK


PICTURE KAPALIT NG HALIK
|Short Story|
Nandirito ako sa bahay ng boyfriend ko kase birthday ng kapatid niya at gusto ng mama niyang pumunta ako
Legal naman kami bothside kaya walang problema samin ok lahat
“Tita Anong handa ni mike?” Tanong ko matapos akong magmano sa kaniya si mike yung bunsong kapatid ni brent
“Marami halika tignan mo” paghila nito sakin kaya napangiti ako
“Tita nasan po si brent?” Tanong ko habang busy siya sa pag aayus ng pagkain
“Nandon sa taas kanina pa hindi bumababa” sabi naman ni tita kaya nagpaalam na-aakyat na para tawagin yung kupal na yon kahit kilan napaka tamad talaga puro na lang siya laro
Kakatok muna sana ako ng makita nakabukas naman yung pinto kaya pumasok na ako
“Hey Brent” pagtawag ko sa kaniya habang busy siya sa paglalaro ng ml
Wow ayus ahh nasa bahay lang pero naka cup and hoddie pa ang punyeta kung sabagay nakaaircon kase ang kwarto niya baka nilalamig
“Hoy punyeta hindi mo ako papansin?” Tanong ko pero ang gagu hindi malang lumingon at sige dutdot sa cellphone niya
Hanep Angas ng pwesto niya ngayon habang nakaharap sa computer niya at nakaupo sa gaming chair niya pshh
Agad akong lumapit sa kama niya tyka kinuha yung isang unan tyka lumapit sa kaniya
“Brent…..”pero hindi niya talaga ako pinapansin ayaw mo ha
Agad kong binato sa kaniya yung unan na hawak ko pero wala pa rin tangina talaga
Ito tignan natin kung hindi mo pa rin ako papansin punyeta ka agad akong lumapit sa saksakan ng wifi dito sa kwarto niya
At binunot ito bigla naman itong lumapit sakin habang inis na nakatingin sakin
“Bakit ba love ano bang trip mo epal ka nanaman eh” inis niya sabi psh kasalanan ko pa ngayon agad akong lumapit pa sa kaniya bago siya kutosan
“Arghhhh masakit yon ha” parang batang sabi niya kaya na pangiti ako
“Ang pogi mo love” Sabi ko nakita ko naman na nagbago ang expression ng mukha niya at mula ang pisnge niya
“Tsk tigilan mo ako ano ba yon?” Tanong niyo tyka sinaksak muli yung wifi kinikilig ba siya pero totoo naman kase
“Ang pogi mo nga ang gwapo...


mo today” Sabi ko ulit
“Picture tayo dali tara dito” pagtawag ko sa kaniya bago ilabas yung cellphone ko
“Ayoko nga” parang batang sabi niya akmang babalik na siya pwesto niya ng pigilin ko ito
Hawak ko ang isang braso niya ngayon ay napalingon siya at nagkatitigan kami ng mata sa mata kumonot naman ang nuo nito kaya ngumiti ako ng matamis bago pa man magsalita
“Picture kapalit ng halik” Sabi ko habang nakatingin sa ka niya nakita ko pa ang ilang beses na paglunok nito
“Deal dapat sinabi mo agad” Ngiting aso na sabi niya tangina toh dapat may kapalit psh
“Ohh game na ha” Sabi ko bago pumunta sa gilid niya at inayos ang pwesto namin
“1….2….3…click”Pagbilang ko agad kong tinignan yung picture putcha kinikilig ako ang gwapo ni brent
“Love nasan na ?” Tanong nito habang nakatingin sakin kaya agad kong pinakita yung picture sa kaniya
“Ohh look ang gwapo mo haha” sabi ko habang nakangiti pero sumimangot lang ito kaya napakunot ang noo ko
“Where’s my kiss thats what i mean you said picture kapalit ng halik so give me my kiss” Sabi niya kaya napatawa ako ng mahina tangina walang patawad
“Joke lang yon love”Sabi ko nakita ko naman ang pagsimangot niya tyka ako tinalikoran Hahaha bakit ba ang gwapo niya
“Tch ito na bilis” sabi ko bigla naman itong humarap ng may ngiti sa labi ohh tignan niyo tsk halik lang talaga yung habol niya punyeta
Agad naman nito hinawakan ang bewang ko kaya hinawakan ko ng isang kamay ko ang pisnge niya habang ang isa nasa balikat niya
Agad kong nilapit ang mukha so kaniya nakita ko namang pumikit ito at hinihintay ang pagdampi ng labi ko sa labi niya unti na lang ay maglalapat na aming labi kaya pumikit na rin ako
“Kakain na mga anak…….” Agad akong napadilat ng marinig ang boses ni tita hindi pa man naglalapat ang aming labi ay agad kong naitulak palayo si brent ng makita ko si tita nasa pinto habang naka hawak ang kamay sa doorknob at nakatingin saming dalawa ni brent
|End|
───────♡───────
Work Of Fiction
Photo Not Mine
Credits To The Rigtful Owner
Author:Ethan_Pogi






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top