ANNIVERSARY


ANNIVERSARY
[BOYS LOVE]
[SHORT STORY]
“Ano kayang magandang bilhin?” Tanong ko sa’king sarili at inikot muli ang paningin.
Nilibot ko ang lahat ng pamilihan dito. Hanggang sa madala ako ng aking mga paa sa isang store na puro bulaklak magaganda ito at makukulay
“Magkano po isang bouquet?” Tanong ko sa cashier
“Apat na libo po sir pili kana po magaganda po yan mabango at bagong pitas lang po” sagot ng cashier
Pumuli ako ng maganda at malaki. Hindi kona inisip ang presyo dahil para naman ito sa taong mahal ko. At ng matapos kong makapili ay binayaran kona ito at lumabas.
“Chocolate nalang para kompleto na” I chuckled
Tinungo ko ang isang mall at bumili ng malaking chocolate na nagkakahalaga ng 13k
“Sana masiyahan siya dito”
Ani ko sa aking sarili nag abang narin ako ng taxi upang supresahin si gavin
Nakangiti at puno ng saya ang aking mukha excited narin ako makita ang reaksyon ni gavin pag nakita niya itong supresa ko para sakanya.
Bumili rin ako ng sampung beer can upang aming inumin.
Hirap na hirap ako sa aking mga pinamili.
At ng makapasok ako sa elevator ay pinindot ko ang pang lima kaya nag-umpisa na itong umakyat.
Habang inaantay na makarating ay kinuha ko saglit ang aking cellphone at binuksan ito sakto seven pm
Pinasok korin kaagad ang cellphone ko ng huminto ang elevator dali dali kong ang condo na tinitirhan ni gavin maaliwalas ang mukha ko habang naglalakad.
Kinuha ko ang isang card at pinasok sa may gilid ng pintuan upang mabuksan ito.
P-pero…………
Lahat ng dala ko ay nalaglag lamang sa sahig dahilan upang makuha ko ang atensyon ng dalawa.
“Prince magpapaliwanag ako” agad na tumayo si gavin at linapitan ako.
Halos gumuho ang mundo ko sa sakit na...


aking nakita
Kaibigan ko kahalikan boyfriend ko
“Prince mag papaliwanag Kami ni gavin” sabi naman ng thea
Butil butil at umaagos ang luha ko sa aking pisnge halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko
“Paliwanag? Para saan? Para saan!” Nanginginig at medyo garalgal kong boses.
Niyakap ako ni gavin ng mahigpit tinulak ko naman ito sa pagkakayakap sakin
“Bitawan moko! Nandidiri ako sayo!”
“Prin–”
“Tumigil ka thea ayaw kong may maririnig akong paliwanag niyo” sambit ko at tuluyang lumabas ng condo ni gavin
“Prince magpapaliwanag ako!” Rinig konb sigaw ni gavin hindi ko ito nilingon Para akong sinaksak sa sobrang sakit
Bakit ganun seven years na kami ni gavin tapos ito? Ito gagawin niya sinayang niya pagtitiwala ko
At ng maibaba ako ng elevator ay agad akong lumabas
“Ayawww kona bakit? Binigay ko lahat nag effort ako tapos ano? Ito lang bakit naman ganun” malakas kong sigaw ng makalabas ako
Dahan dahan akong napaupo…
“Prince” rinig kong boses ni gavin
“Para saan pa? Nagtiwala ako sayo binigay ko lahat tapos ganto lang” balde baldeng luha ang umaagos sa aking pisnge
“Taposin nanatin ito ayaw kona” agad kong sabi at pinunasan ang luha sa aking pisnge.
“Prince naman give me a second chance” pagmamakaawa nito
Lumuhod ito sa aking harapan
Lumakad nalamang ako papalayo sakanya. Hindi pa ako nakakalayo ng may yumakap sa aking likoran
“Sorry Prince please patawarin moko” pagmamakaawa niya
Gustohin ko mang balikan siya pero masakit na ayaw kona
Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya
At tumakbo papalayo sakanya
Sa di inaasahan ay nahagip ako ng rumaragasang kotse ramdam ko ang pagkabagsak ng aking katawan sa lupa. Kita korin si gavin tumatakbo at umiiyak
Ngumiti lamang ako bago ipinikit ang aking mga mata………
————————–
Work of fiction
Written by. Nathan B






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top