Author: Miss J
Ang Pagpapatuloy
Tumango lamang sya at kinuha ang isang baso ng tubig at nilagok iyon saka sinabing ” Sige, pero kailangan ko munang marinig ang lahat ng paliwanag mo” si Jay na habang lumalagok ng tubig eh hindi inaalis ang pagtitig nya sa akin.
Napaka lakas ng tibok ng aking puso, halos napaka hirap huminga ” Nasaan ba ang mga gamit para maihanda ko na, atleast matapos man ang paguusap natin ayos na at wala na akong iintindihin ” saad ko kay Jay, iyon lamang at ibinaba na nya ang baso na wala ng laman at saka lumakad papunta ng kanyang silid ” Dito tayo maguusap, naandito din ang mga gamit na sinasabi mo kanina pa ” at tuluyan na syang pumasok.
Kinakabahan man, sumunod nalamang ako sa kanya. Pagkasara na pagkasara ko ng pintuan, bigla ang naging reaksyon nya at akoy kanyang niyakap, yakap na nagpatulo ng aking luha.
” Bakit Jane? Bakit tayo aabot sa ganito? ” hindi na namin napigil ang aming mga emosyon, parehas ng may luha sa aming mga mata ”...