PLAY MATE


Alas onse na ng gabi kaya naisipan ko ng ligpitin ang mga gamit ko rito sa salas para pumunta na sa sarili kong kwarto.
Nang ayos na ang lahat ay nag simula na akong mag lakad patungo sa aking silid ngunit, napatigil ako sa paglalakad ng mapadaan ako sa kwarto ng sampong taong gulang na kapatid kong babae.
Narinig ko kasi ang hakighik na tawa ng kapatid ko. Dahan dahan akong lumapit sa pinto nito at narinig kong muli ang mahinang pagtawa nito, narinig ko rin na nag sasalita ito na para bang may kausap na s’yang nagpataka sa’kin kaya agad kong binuksan ang pinto at nagulat ng ang napaka kalat na kwarto ang bumungad sa’kin.
Inikot ko ang tingin ko sa buong kwarto ni Natasha ng may nakita akong anino roon banda sa kabinet...


ng kapatid ko.
Lumapit ako roon para tingnan kung sino ang naroroon ngunit wala akong nakita.
Tumingin ako sa aking kapatid at nakitang napakasama ng tingin nito sa’kin.
“Natasha! Narinig kita kanina, sino ‘yung kausap mo kanina!?” Tanong ko rito.
“My playmate.” Walang emosyong ani nito.
“Sinong playmate!?” Tanong kong muli ngunit wala na ako nakuhang kahit anong sagot.
Hindi ko alam pero parang napapansin ko sa kapatid ko na simula no’ng mag limang taong gulang siya’y parang may nakikita na ito na ‘di namin nakikita.
“Again, Natasha! Sino ‘yunโ€”” napatigil ako sa pagsasalita ng may bumulong sa’kin na may nakakatakot na boses.
“Do you wanna play with me too?”
Dahan-dahan naman akong napalingon sa likod ko at nakita ang nakakatakot na babaeng nakaputi.
“WAAHHHHHHHHHHHHHHHH”
Malakas kong sigaw bago ako mawalan ng malay.
-wakas-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top