Request of the Dead


Request of the Dead
“Good Morning mahal” di ko pinansin ang chat ng bf ko.
“Good Morning lara mahal at anak kong maganda “.chat nya ulit
Di ko pa rin pinansin ang chat niya, and then, nagsend ako ng picture ng anak namin na nakasmile at ako din kasama sa picture, nakasmile din.
“Ang ganda naman ng anak ko, ang cute cute cute pa, I Love You Baby hyori.”
galit pa rin ako sa kaniya, kasi ang gastos niya, at kapag nawalan siya ng pera at di pa dumating sweldo niya, sa akin siya aasa.
Bago ako matulog that night, nag good night siya sa akin at sa anak namin.
kinabukasan di ko pa rin siya mapatawad kasi di pa rin siya nakakabayad ng utang niya sa magulang ko at sa anak namin, which is 12k lahat.
Then October 24, sinabi niya na puntahan ko siya sa kung nasaan siya, which is sa tinitirhan niyang bahay.
Mag isa lang siya palagi dun, kasi sanay naman siyang mag-isa sa bahay na tinitirhan niya mula pa noong nakilala ko siya.
Ang sabi ko naman “Hindi, busy ako”.
Kahit lumabas ako with my friends, pumunta kami sa MOA, girls naman sila, kaya no big deal
Him: Mahal, patawarin mo ako, masyado akong naging pabigat sa inyo ng anak natin,
pero wag ka mag-alala Mahal, di na ako magiging pabigat sa inyo ng anak natin.
Simula ngayon Mahal, di na ako magiging pabigat pangako ko sayo.
Me: Ano ba problema mo?
Him: Naiinsecure ako sa mga kachat mo, lalong lalo na sa ex mo, at sino ba itong lalake na isang ito, bakit ganun mga chats nyo?.change acc kasi kami
Me: Wala kang pakialam
Him: Bakit ganito mga chat nyo? Ang sweet nyo ah
Me: Salamat, di ko rin alam, siguro mas masaya na akong sila ang kausap ko, wala kasi akong time sa mga drama mo
Him: Puntahan mo ako next week dito Mahal.
Luto tayo nung recipe na binigay mo, matagal na kasing di tayo nagluto na magkasama ng mga recipes.
Me: Wala akong oras. Busy ako, kahit next week busy ako
Sa kahit anong...


pagpilit niya na pumunta ako sa kaniya,
ang sagot ko busy ako, at ayun na ang last chat nya sakin …
Mula noon, di na ako nakatanggap ng mga chats galing sa kaniya, wala na din akong mga good mornings and good nights, di na nga siya nagpaparamdam.
Tinatawagan ko ito, pero walang sumasagot,
ang facebook niya offline for 5 days na.
So kahit anong chat ko, malalaman ko kung nababasa niya or hindi, or kahit iseen lang niya,
kaya nagdecide ako na puntahan siya.
But then, pagdating ko sa bahay niya.
Kumatok ako, pero walang nagbubukas ng pinto.
Kaya pumasok nalang ako
Binuksan ko ang computer niya, may nakalagay, sa wallpaper nito.
“Salamat at pumunta ka dito, pero di ko na kinaya ang sakit.”
parang may yumakap sa akin sa likod ko, tapos biglang gumalaw yung mouse pointer ng computer niya,
at itinuro ang isang file kung saan nandun
ang image na ginawa niyang wallpaper ng computer niya.
Binuksan ko, kasi may nakasulat sa image
“Mahal na mahal na mahal ko kayong dalawa ng anak natin, pero sana mapatawad mo na ako sa mga pagkukulang ko sa inyong dalawa. Lahat lahat ng mga kasalanan ko, maraming salamat sa pagmamahal at pag-aaruga mo sa akin sa mga oras ng kagipitan ko.
Ngayon wala ka ng aalahanin pa, yung sweldo ko ngayong buwan na ito, nasa PayPal Account ko, sinobra ko na ang pagtratrabaho, kasi wala naman na akong ibang gagawin kundi ang magtrabaho, para sa inyo at para makabayad ako sa mga utang ko, salamat ng husto.
“Wag ka umakyat ng bahay, ayaw ko na makita mo ako habang di mo pa nababasa ito”
Umakyat ako at sa itaas ng hagdan, nandun siya, nakasabit at di na humihinga.
ang bilis kong tumakbo palabas at humingi ng tulong sa mga tao sa labas ng bahay.
Pero wala ng buhay ang Mahal ko,
di ko alam na ito pala ang gagawin niya, dahil galit na galit ako sa kaniya noon.
Mahal na Mahal din kita Mr. DR. kahit na nasa kabilang buhay ka na.
Sana mapatawad mo ako, naghangad ako ng mas mahigit sayo.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top