MAHAL PAREN KITA NGUNIT HULI NA


ONESHOT STORY
“MAHAL PAREN KITA NGUNIT HULI NA”
“Titigan mo nalang ba siya hanggang magdamag?”usal ng bestfriend kong si Belle.
mapait akong ngumiti
“He’s happy now,should I still bother him?”saad ko at tinignan muli si Mark na kumakaway sa maraming tao,finally natupad na niya yung pangarap niya kahit hindi ako ang kasama niya.
Tinignan ko muli ang litrato namin dalawa,may hawak siyang payong habang nakasandal ako sa mga balikat niya.
Hindi ko mapigilan mapangiti na may bahid ng kalungkutan.
Namimiss kona siya ngunit hindi na pwede.
“Hon,let’s go” tawag sakin ng asawa kong si Clark.
Si Clark ang bestfriend ni Mark,Nang-iwan ako ni Mark dahil mas pinili niya ang pamilya niya kesa sakin. Sobrang lungkot ko non at si Clark ang nagligtas sakin mula sa kalungkutan.
Nasa labas na kami ng mall,hinihintay nalang namin ang kotse.
“Hon,dito ka muna pinapatawag ako ni Dad,saglit lang ito”paalam ni Clark,tumango lang ako bilang sagot.
PAGKAALIS niya napatingin ako sa kalangitan,mukhang uulan ng malakas ngayon.
“Akala ko magkaiba tayo ng pinaglalaban,pero bakit ikaw ang pinaglalaban ng puso ko?”
gulat akong napatingin sa likuran ko at dumoble ang tibok ng puso ko nang mapagtanto kong si Mark ito.
“M-Mark”
Lumapit siya sakin at ngumiti,hinawakan niya ang mga kamay ko.
At sa isang iglap hindi ko namalayan na tumatakbo na kami ngayon palabas ng mall habang magkahawak kami ng mga kamay.
Nang makalayo kami itinulak ko siya.


/> “A-Ano bang ginagawa mo?!”mahina ngunit galit kong saad.
I saw the sadness in his eyes na ikinapagtaka ko,B-Bakit?
“H-Hanggang ngayon ikaw parin ang mahal ko Cynth,Sa mahabang panahon narealize kong ikaw yung pangarap ko,ikaw yung gusto kong makasama”tugon nito na dahilan ng malakas na pagtibok ng puso ko.
Bumuhos ang malakas na ulan ngunit binuklat ni Mark ang payong at pinayungan ako.
napangiti ako ng maalala ko ang senaryo na ito noon.
“M-Mahal na mahal pa din kita Mark hanggang ngayon”nakangiti kong saad,kita ko ang pagliwanag ng mukha niya.
Magsasalita pa sana ako ngunit hinalikan niya ako.
Ramdam ko ang kasayahan sa puso ko,kasayahan na si Mark lang ang nakakapagparamdam sakin.
Ngunit sa isang iglap ang kasayahan naramdaman ko ay napalitan ng kalungkutan.
“HOW DARE YOU TO KISS MY WIFE?!”galit na sigaw ni Clark at sinuntok si Mark.
“SHE’S MINE,ONLY MINE!!”diin na saad ni Mark at tinadyakan si Clark.
“P-Please tama na”naiiyak kong saad ngunit hindi nila ako pinakinggan.
Huminga ako ng malalim upang humugot ng lakas.
“TAMA NA”sigaw ko na ikinatigil nilang dalawa.
Hinawakan ni Clark ang kamay ko.
“Akin lang ang asawa ko”diin na saad ni Clark.
Tinignan ko si Mark at umiling,kita ko ang panlulumo sa mukha niya.
“I’m sorry Mark”saad ko bago ako hilahin ni Clark.
Napahagulhol ako sa iyak dahil hindi ko matanggap na may tamang tao na dumating ngunit sa maling panahon naman.
~•END•~






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top